Chapter 7
Celestina Devins
UMANGAT ANG TINGIN KO sa wall clock na nakadikit sa dingding. Madaling araw na pero hindi pa rin ako makatulog. Bakit ganito ang katawan ko? Kapag alas otso pa lang ng gabi ay nakakatulog na ko o natutulog na ko pero bakit ngayon hindi ko magawa?
Tiyak para akong matutumba bukas dahil sa antok.
Lunes na bukas at noong linggo ay wala akong ginawa kun'di tumambay sa apartment. Wala rin naman ako gagawin dahil lahat ng dapat kong gawin ay ginawa ko noong sabado at wala akong maisip na dapat gawin kaya ang ginawa ko na lang ay tumambay sa sala at manuod ng T.V kahit hindi 'yon palagi kong ginagawa.
Noong sabado at pumunta ako sa bahay nila Jobert ay niyaya ako ng kanyang asawa na mamasyal kami sa bayan pero tumanggi ako dahil araw nila 'yon ng kanyang pamilya at sa kanila lang ang bonding na 'yon. Nagtatampo nga ang kanyang asawa dahil hindi ako sasama pero sinabi ko na lang sa kanila na next time lang at ang dahilan ko rin ay marami akong gagawin sa apartment kahit wala naman talaga.
Tuwing nakikita ko silang pamilya ay naalala ko ang pamilya ko na buo noon. Wala akong matandaan na sumasama si ama tuwing niyayaya ni ina ito na makipaglaro sa amin ni kuya. Ang dahilan niya lagi ay ang kanyang pamamahala sa mundo namin na naintindihan namin kahit bata pa lang kami ni kuya kahit si ina na wala rin magawa dahil matigas din ang ulo ni ama tulad ko.
Kaya kung iisipin ay si ina ang pinakana-miss ko. She's always with me. Siya lagi ang pinupuntahan ko sa mga bagay na gusto ko ipakita sa kanya. She's proud of me sa lahat ng mga ginagawa ko noon. Siya ang pinaka-close ko kaysa kay ama na walang ginawa kun'di ang kaharap niya ay papel o ballpen.
Magiging proud ba siya sa ginawa ko ngayon? Hindi ko alam.
Walang-wala akong matandaan na sumasama siya sa amin. Mahilig si ina na pumunta kami sa Devins City kung saan pamamay-ari ng pamilya namin. Katulad din ito ng bayan dito sa mundo ng mga mortal pero hindi tulad dito na malaya ka dahil doon ay masyadong strikto ang mga nagbabantay lalo na kapag kami ang pumupunta roon. Hindi kami p'wede makahalubilo sa mga ibang kauri namin dahil matataas kami at dapat ay respetuhin dahil anak kami ng namamahala ng mundong inaapakan nila. Kailangan nila isipin na mataas kami at huwag kami maliitin.
Ang Devins sa mundo namin ay ang ibig sabihin ay mataas at kailangan respetuhin. Dapat kilala kami dahil ang pamilyang Devins ang may karapatang mamahala sa mundo. Walang kumakalaban sa amin dahil malalakas kami sa kanila, walang makakatumbas ng lakas namin.
I doubt that because I'm not a stronger than my brother. Sa unang tingin kay kuya ay mararamdaman na talaga ang kapangyarihan ng mga Devins kahit na hindi ito pinapakita. Pero ako? Iniisip ko na isa akong mahina at hindi ako karapat-dapat na kilalanin bilang Devins. My brother deserves to be a King not me, a Queen.
But it's not my reason why I leave the hell. Ang isang mahinang tulad ko ay hindi karapat-dapat na tumira sa mundong 'yon. Isa akong mahina. Alam ko 'yon sa sarili ko. Hindi ako p'wede sa mundo na parang kinukulong ako, dapat nababagay ako sa mundo na may kalayaan, ang mundo ng mga mortal.
Dito sa mundo ng mga mortal ay nandito ako pinapangarap ko na gustong ihangad ko sa mundo namin, ang kalayaan. Lahat ng gusto ko ay nagagawa ko rito at lahat dito ay nakukuha ko sa paraang gusto ko. Hindi man madali pero worth it kapag nakuha mo dahil pinaghirapan mo.
My life is like my world, hell. Sa kaharian lang ako nakakapag-aral kasama si kuya pero dahil matanda sa akin si kuya ay nakapagtapos na siya. Kung p'wede lang gumawa ay sa bakuran lang o sa hardin namin pero kung minsan ay pinapayagan ako pumunta ng Devins City pero kailangan ay may kasama ako o my own guardian, Mayro'n akong dalawang guardian. Kumuha si ama ng dalawang guardian para sa akin kahit hindi naman dapat. Gusto niya raw na may protector ako para sa sariling kaligtasan ko kahit wala naman nagtatangkang pumatay sa pamilya namin.
BINABASA MO ANG
The Princess of Hell | ✔
Teen Fiction[FINISHED] - COMPLETED Celestina Devins ang prinsesa sa kanilang mundo, sa Devins World. Mula noong bata hanggang sa paglaki ay kuryoso siya sa mundo ng mga mortal. Pinapangarap niya na makapunta siya sa mundo ng mortal dahil gusto niya na mamuhay n...