Chapter 8

116 10 0
                                    

Chapter 8

Pamela Finns

"WHAT CAN YOU say about Celestina Devins?" tanong ni Crisanta habang nag-iinuman kami sa isang kilalang bar sa bayan namin.

Ngumiti ako at ibinaba ang baso na hawak ko.

"I'm super challenging because she's so mysterious." sagot ko.

Tumitig lang ako sa baso na nasa harap ko. We need chill kaya 'yon ang ginawa namin. We decided na pumunta sa bar para mag-inom at mag-chill dahil 'yon ang laging trip naming tatlo. Nasa legal age naman at pinapayagan kami uminom pero dapat limitado rin ang alak na pinipili namin saka 'yong may-ari ng bar na ito ay pinsan ni Georgina.

"Same here." parang estudyante si Georgina na tinaas ang kanyang kamay para lang mapansin namin siya. "I'm curious about her. Nakuha mo na ba ang pinautos mo sa private inverstigator niyo?" tanong sa akin ni Georgina.

"Yeah." walang ganang sagot ko at nilabas ang folder na nasa loob ng bag ko. Nilapag ko ito sa mesa. Si Crisanta mismo ang nagbukas noon at sinuri niya ang nasa loob.

"Walang nakakainteresadong bagay sa folder na ito." sinara niya ito at binato kay Georgina. "Tanga ba ang private investigator niyo? P'wede niyo ng palitan. I'll offer you a new priv—"

"Nahaluglog na niya lahat ng mga impormasyon tungkol kay Celestina, wala siyang nakita. 'Yan lang ang nakita niya na katulad din sa nakita natin sa opisina ng eskwelahan." napabuntong-hininga ako.

"Siguro p'wede naman natin tanungin n'yan si Celestina, 'di ba?" suhestyon ni Georgina. "Kaibigan na natin siya ngayon. We can ask about h—"

"That's the under her privacy, Georgy. We can't ask her about that. Saka magtataka si Celestina kung magtatanong tayo tungkol sa buhay niya. Tama na 'yong naging kaibigan na natin siya." sumeryoso si Crisanta.

"No, ipagpapatuloy ko ang pagi-imbestiga sa kanya." singit ko.

"What? Baliw ka ba? No! Huwag mong gagawin 'yan! Nilabag mo na ang karapatan ni Celestina na maging pribado sa kanyang buhay." bulyaw sa akin ni Crisanta.

"Cris, alam ko na kuryos ka rin tungkol kay Celestina." sabi ko sa kanya dahilan para manahimik siya. See? Tama ako. "At hindi ako titigil hangga't wala akong makukuhang ibang impormasyon tungkol sa kanya."

"Nababaliw na kayo." umiiling-iling na saad ni Crisanta. "Huwag kayong gumawa ng dahilan na ikakagalit ni Celestina sa atin. Magpasalamat nga dapat tayo kasi kinaibigan niya tayo kahit hindi siya marunong makisama sa mga tao na nakapaligid sa kanya." padabog niyang kinuha ang bag at umalis sa bar.

"Ano ang plano mo?" tanong ni Georgina ng tumahimik ng ilang minuto.

"Gano'n pa rin." tumingin ako sa kanya. "Susuportahan mo ba ako?" tanong ko.

"Oo naman. Kaibigan kita, eh."

Natapos ang night out naming dalawa—dahil iniwan na kami ni Crisanta sa inis nito sa aming dalawa ni Georgina—na sobrang lasing kami kaya kinabukasan ay pahirapan sa akin na bumangon sa kama dahil sa sakit ng ulo ko. Darn it!

Halos nakipag-away pa ko sa sarili ko bago napagdesisyunan na bumangon sa kama at dumiretso agad sa banyo para ayusin ang sarili. Pagkatapos ay bumaba ako at dumiretso sa dining room dahil alam ko na nando'n ang pamilya ko na kumakain ng breakfast.

Tama nga ako dahil pagkapasok ko ng dining area ay nakita ko sila na abala sa kanilang gawain. Si mom ay nakaharap sa laptop habang kumakain ng tinapay at umiinom ng kape habang si dad naman ay abala sa pakikipag-usap sa cellphone na ewan ko kung sino. Kung nandito lang si lola ay magagalit 'yon dahil pinagbabawal ang gadgets lalo na kapag kakain na.

The Princess of Hell | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon