Chapter 27
Third Person's P.O.V.
SI DANSEL DEVINS ang kinikilalang lider or hari sa kanilang mundo, ang mundo ng mga immortal. Simula kasi na namatay ang kanyang ama ay sa kanya binigay ang trono. Ang Devins ay kilalang malakas sa kanilang mundo at tinitingalaan ng lahat ng mga nakakakilala sa kanila.
Pero hindi iyon naging madaling makuha ni Dansel ang trono dahil madaming nangyari sa kanya.
Nagmahal si Dansel Devins ng isang anghel. Kasulangat sa kanilang lahi. May batas ang kanilang mundo na hindi maaaring magmahal ang isang maharaling demonyo sa tao, kalahating demonyo, o... isang anghel. Makasalanan iyon sa kanila at ang hatol ay kamatayan.
Si Cresia Arcangel. Hindi siya ordinaryong tao, isa siyang anak ng ninuno nila sa kanilang mundo. Ang Arcangel World. Mundo ng mga anghel. In short, she is the princess of Arcangel World.
Nagkakilala ang dalawa sa mundo ng mga tao. Dahil sa sorbang kuryos ni Cresia ay napadpad siya sa mundo ng mga tao habang si Dansel ay may ginawa sa mundong iyon kaya napadpad din siya. Nagkakilala sila sa isang sagradong gubat. Ang lugar kung saan lumalabas ng portal patungong impyerno, sa mundo ni Dansel.
Naging magkaibigan silang dalawa at hanggang sa lumipas ang ilang araw, linggo, at taon ay lumalim ang kanilang nararamdaman hanggang sa,
"Mahal kita, Dansel."
Namungay ang mga mata ni Dansel at dahan-dahan niyang hinawakan ang pisnge ni Cresia. Marahan niya iyong hinaplos at hanggang sa lumapat ang kanyang labi sa labi nito. Otomatikong napapikit sila at hinayaan na magwala ang mga puso nila.
"Mahal na mahal din kita, Cresia." Mahinang saad ni Dansel habang hinahaplos ang pisnge ni Cresia, dinadama ang init ng pisnge nito. "Magkaiba man tayo, ikaw pa rin ang mamahalin ko habang buhay."
Ilang taon silang hindi bumalik sa mundo nila. Nando'n sila nanirahan sa mundo ng mga tao, sa isang sagradong isla. Masaya silang nagsasama hanggang nagkaanak sila.
"Ano ang ipapangalan natin sa kanya?" nakangiting tanong ni Cresia habang pinagmamasdan nila ang mukha ng kanilang sanggol.
"Gusto ko ipangalan sa kanya ay Hariel Devins." sagot ni Dansel.
"Napakagandang pangalan. Bagay na bagay sa kanya." Hinalikan ni Cresia ang noo ng kanyang anak at ibinaling ang tingin sa kanyang asawa. "Maraming salamat, Dansel. Mahal na mahal kita."
"Mahal na mahal din kita, Cresia." magaan niyang hinalikan sa noo ang kanyang asawa at parehong silang nakangiti nang ibinaling nila uli ang atensyon sa kanilang anak.
Hindi rin sila nagtagal sa mundo ng mga tao dahil natagpuan sila ng mga kawal ng magulang ni Dansel pati rin kay Cresia. Hindi sila makapaniwalang nakita sila.
Dahil nalaman ng kanilang magulang na nagsasama sila ay sapilitan silang pinaglayo at dinala sa kani-kanilang mundo. Si Dansel ay mas lalong naging mataas ang seguridad sa kanya dahil pinagbabawal siyang lumabas sa kanilang palasyo habang si Cresia naman ay kinulong sa kanyang kwarto kasama ang kanyang anak.
Nalaman ng Devins Council ang pakikipagtanan ni Dansel kaya pinarusahan siya na ikulong sa Devins Palace at mag-aral sa pamamahala ng mundo nila para madala sa kanyang ginawa. Sumang-ayon naman ang magulang ni Dansel doon dahil isang kahibangan ang ginawa ng kanilang anak. Pinagbabawal sa kanila na makipag-kaibigan sa mga anghel pero sa sitwasyon ng kanilang anak ay nagmahal ang dalawa at nagkaanak pa.
Ilang taon na nag-aral si Dansel sa pamamahala ng kanilang mundo hanggang sa napatunayan niya sa council at sa kanyang magulang na deserve niya maging isang hari. Kaya nag-usap ang council at ang kanyang magulang.
BINABASA MO ANG
The Princess of Hell | ✔
Ficção Adolescente[FINISHED] - COMPLETED Celestina Devins ang prinsesa sa kanilang mundo, sa Devins World. Mula noong bata hanggang sa paglaki ay kuryoso siya sa mundo ng mga mortal. Pinapangarap niya na makapunta siya sa mundo ng mortal dahil gusto niya na mamuhay n...