Chapter 9
Celestina Devins
"CELESTINA, let's go!"
Hindi pa man ako nakakalakad palayo sa kanila ay mabilis nilang hinawakan ang magkabila kong braso at hinatak nila ako papasok ng cafeteria. Pinaupo nila ako sa upuan, sa tabi ko ay umupo si Crisanta habang sa harap namin ay sina Georgina at Pamela.
"Male-la—" hindi natapos ang sasabihin ko nang mabilis na tinakpan ni Pamela ang bibig ko.
"Ayos lang na ma-late tayo. Hindi naman tayo papagalitan ng professor natin." nakangising sabi ni Pamela.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Kung kayo okay lang na ma-late kayo o mag-cutting dahil hawak niyo ang oras niya at kilala kayo rito..." tumayo ako at isa isa silang tiningnan. "P'wes sa akin hindi ako makakapayag pati ako ay idamay niyo sa gusto niyo." huling sinabi ko bago umalis sa cafeteria.
Hindi ako naiinis sa kanila pero mali rin ang ginawa nila. Kung trip nila na magpaka-late o mag-cutting sa klase, huwag nila akong idadamay dahil isang scholar lang ako rito.
Oo, kaibigan ko sila pero hindi ako makakapayag na gawin nila iyon. Nasa kanila na 'yon kung ano ang magiging desisyon nila sa sarili nila dahil makapangyarihan sila sa eskwelahan na ito. Saka pinagbabawal sa eskwelahan na ito ang mag-cutting pero nakakaya nilang magawa iyon dahil kilala sila rito.
Habang naglalakad ako ay nilibot ko ang aking tingin at narinig ko ang pagtibok nang puso ko sa kaba nang wala na akong estudyante na pagala-gala sa campus. Mahigpit kong hinawakan ang strap ng backpack ko at nagmadaling maglakad.
Nang makarating ako sa silid-aralan ay nakahinga ako nang maluwag nang wala pa ang aming professor sa history. Lumapit ako sa aking upuan at umupo doon. Inabala ko ang aking sarili sa pagtanaw sa bintana na katabi ko lang. Ilang minuto ang nakalipas ay naramdaman ko ang pagdating ng aming professor kaya inayos ko ang aking sarili.
Walang bati na naganap. Lesson agad. Mukhang badmood ang aming professor na agad din naramdaman ng mga kaklase ko kaya natahimik sila at nakinig sa sinasabi ng professor namin.
Sa kalagitnaan ng lesson ng professor ay may biglang kumatok sa pintuan. Napapitlag kaming lahat nang pabagsak na nilapag ng professor ang erasor sa kanyang table at mabigat ang hakbang patungo sa pinto.
"The Pamela's company is late in my class again."
Napunta ang atensyon naming lahat sa kanila nang narinig namin na nagsalita ang professor. Mula sa labas ay nakita ko ang tatlong kasama ko kanina na mukhang wala ring hiya sa ginagawa nila. Napailing na lang ako at umiwas ng tingin, inabala ang sarili sa pagsulat sa notebook ko.
"Sorry, ma'am! May emer—"
"Sabay-sabay na nagka-emergency sa inyo?" sarkastikong tanong ng professor dahilan para matawa ang mga ka-blockmates ko pero natahimik silang lahat nang pinandilatan sila ng mata. "Pumasok kayo. Ayaw ko na i-stress-in ang sarili ko sa pagiging late niyo. After this class, I'll tell this to our dean."
"Ma'am, naman!" malakas na reklamo ni Pamela. "Wala naman po gan'yanan, ma'am."
"Kung makareklamo ka parang first time mo lang ma-late ngayong araw, Ms. Finns?" taas kilay na tanong ng aming professor. "Naku! Hindi lang naman ako ang nagrereklamo tungkol sa pagiging late niyo, maging ang mga professor niyo sa iba't ibang subject! Oo nga't mayaman kayo pero hindi ibig sabihin no'n ay aabusuhin niyo ang makapangyarihan niyo sa eskwelahan na ito! Ang tingin ko sa inyong lahat ay pantay-pantay kaya gano'n din ang dapat na gawin niyo dahil hindi lang kayo rito ang nag-aaral!" naiinis na saad ng professor namin.
BINABASA MO ANG
The Princess of Hell | ✔
Fiksi Remaja[FINISHED] - COMPLETED Celestina Devins ang prinsesa sa kanilang mundo, sa Devins World. Mula noong bata hanggang sa paglaki ay kuryoso siya sa mundo ng mga mortal. Pinapangarap niya na makapunta siya sa mundo ng mortal dahil gusto niya na mamuhay n...