Chapter 25
Pamela Finns
"GOOD AFTERNOON, ladies and gentlemen. I would like to meet my unica hija in Finns Family, Pamela Finns!" nagsalita si dad at may hawak na siyang mic. "This is the right time to meet my daughter because when she arrives at the right age, she will replace me as your boss. Yes, you heard it. My daughter will run this agency soon!"
Para akong nabingi sa narinig ko at napako sa aking kinatatayuan. Mula ibabang bahagi ng stage ay nakita ko ang pag-awang ng labi ng mga kaibigan ko dahil sa sinabi ng dad ko.
Wala kaming pinag-usapan ni dad tungkol doon at kailanman ay wala akong balak na hawakan ito. Si mom ang may gusto na mag-aral ako ng business dahil soon ay ako mismo ang hahawak ng business na pinagkaka-abalahan niya ngayon.
At wala sa isip ko na hawakan ang business ni dad. As in wala talaga. Kung ako ang pagpipiliin, kay mom ang gusto ko hawakan at hindi ito dahil ayaw ko. Ngayon pa lang ay nakakonsensya na ang ginawa ko kay Celestina. Paano pa kaya kapag pinilit ako ni dad na hawakan ito para lang pumatay ng mga supernatural chuchu na 'yon?
Medyo nakahinga ako ng maluwag nang pagkatapos anunsyuhin iyon ay bumalik na rin ang empleyado ni dad sa kani-kanilang trabaho pero bago sila umalis they greeted my 'congrats' dahil doon sa anunsyo ni dad. What the fvck.
Matapos iyon ay umalis kami sa lugar na iyon. I excuse myself na kailangan ko magpahinga kaya sabay-sabay na kaming umuwi ng mga kaibigan ko dahil hindi ko na kaya pa magtagal doon dahil sa sinabi ni dad. Pinaghandaan niya ito pero hindi ko alam. I need to talk to him privately.
Pagkadating ko sa mansion ay puro mga katulong ang nakita ko. Gaya ng lagi nilang ginagawa ay tumitigil sila sa kani-kanilang trabaho at sabay nila akong binati.
"Nasa library po si Madam Perry." agad na sagot ng katulong kaya napatango ako.
"Is she busy?" tanong ko.
"Hindi po, ma'am. Ang sabi niya, p'wede niyo naman po siya puntahan kung gusto niyo." magalang na sagot ng katulong.
"Magdala kayo ng pagkain namin sa library." huling sinabi ko bago pumanhik sa ikalawang palapag.
Magkaiba ang study room sa library namin. Doon kasi sa study room ay puro papeles ang nando'n pero mayro'n pa ring mga libro, hindi tulad sa library na puro libro ang nakikita sa buong kwarto. Nasa sa amin naman kung saan namin gusto.
Tinungo ko ang library. Hindi na ko nag-abala pang kumatok, basta ko na lang binuksan ang pinto at sa gitnang bahagi ay nakita ko si mom na may kung anong binabasa sa mga papel nakalapag sa office desk.
"Hey, mom." bati ko at naglakad papalapit sa kanya.
"Sweetie." ngumiti siya at humalik sa aking pisnge. "How are you?" tanong niya.
"I'm okay, mom." sagot ko at umupo sa sofa na nasa tapat niya.
"You're not." ibinaba ni mom ang kanyang hawak ng papel at lumapit sa akin. "Tell me, what's your problem?" tanong niya.
Napabuntong-hininga ako at tumingin kay mom. Sa totoo lang sa kanilang dalawa ni dad ay si mom ang close na close ko talaga. Hindi ko naman ayaw ang business dahil pangarap ko pa noon na hawakan ang business na hawak ni mom na clothing lines. Sa kanya ako naging inspired na magpatuloy sa pag-aaral ng business at pinangako niya sa akin noon pa na magiging akin ang clothing line na business ni mom na pinatayo pa ng magulat niya.
These past few years. Lumayo ang loob ko sa kanilang dalawa ni dad dahil naging abala sila sa business na hawak nila. I understand them kahit na miss na miss ko na ang bonding naming tatlo. Ang gusto kasi nilang dalawa ay mapalago ang business na hawak nila. Hindi sila katulad ng ibang mag-asawa na parehong business ang hawak, separate silang dalawa na ikinalungkot ko.
BINABASA MO ANG
The Princess of Hell | ✔
Novela Juvenil[FINISHED] - COMPLETED Celestina Devins ang prinsesa sa kanilang mundo, sa Devins World. Mula noong bata hanggang sa paglaki ay kuryoso siya sa mundo ng mga mortal. Pinapangarap niya na makapunta siya sa mundo ng mortal dahil gusto niya na mamuhay n...