Agad na binawi ni Jema ang kamay nya pagsabi ko ng salita 'yun.
"Woooooh. Playgirl spotted." Parinig ni Ced.
"Hahaha, joke lang po." Sabay bawi ko sa nasabi ko kanina.
Ngumiti ng peke sakin si Jema, mukhang bad shot na agad isang banat palang?
"Una na ko, guys. Kita na lang tayo sa dinner mamaya." Paalam ni Jema, sumunod naman agad si Ced, ngumisi pa ito sakin.
"Hey, playgirl." Tawag sakin ni Ma'am Dori. Kumunot ang noo ko, nahusgahan na agad ako dahil sa dalawang salita lang?
Totoo naman ah?
Sabagay, hahaha.
"Hinay hinay lang kay Jema, ayaw nun sa mga presko. Hindi s'ya tumitingin sa looks, sa ugali 'yan bumabase." Ah, kaya pala pinatulan nya si Emnas, kahit hindi guapo? Palagi ko talagang tanong. Kung ano ang nagustuhan ni Jema dun, eh. "Nakikinig ka ba?" Tumango ako. "So, ayun nga. Kung gusto mo ng good working relationship sakanya, iwas iwasan mo ang pagpapalipad hangin, naiirita si Jema sa MANLOLOKO." Wow, sakit naman nun.
Well, kibit balikat. Hahaha!
"Joke lang naman 'yun. Alam ko namang may bf na si Jema, diba?" Kumunot ang noo ni Ma'am dori, tila hindi na gets ang sinabi ko. "Yung malaki ang katawan?" Nag-flex pa ko ng muscle kahit wala naman ako nun, hahaha.
"Ah, si Cy? Ano ka ba, bestfriend nya lang 'yon." Akala ko boyfriend nya? Sobrang sweet kasi nila.
"Pero posible naman magkatuluyan sila kahit magbestfriend diba? Parang kami ng girlfried ko." Ay wait. Nadulas. "I mean ng ex-girlfriend ko." Sabay liko, baka masira pa ang plano kong umiskor kay Jema, kung nagkataon.
"Hindi talaga halata sayo, noh?"
"Huh?" Takang tanong ko
Binali ni Ma'am Dori ang kamay nya.
"Akala ko boyish ka lang. Alam mo yun? Lalaking pumorma at kumilos. Marami kasi ganun, parang ako. Pero nung nakita ko ang tropa mo, naconfirm ko na, hahaha." Ako lang kasi mahaba buhok samin, hanggang balikat ito. Samantalang yung mga kumag, gupit lalaki na talaga.
"Judger ka pala no?" Nginitian ko si Ma'am Dori.
"Uyyy, hindi ah? Observant lang." Sus, pinaganda mo pa yung word na tsismosa.
Dumeretso kami ni Ma'am Dori kung saan magdidinner si Ced at Jema.
Request 'to ni Dori, para daw makilala ako ng mga subject ko. At syempre, kailangan ko ring magpaimpress sa prospect ko.
"Good evening, po!" Bati ko kay Ced at Jema. Umupo ako katapat ng upuan n'ya.
"Good evening din, playgirl!" Wow naman, Ced. Isa karing judger. Napakamot ako sa kilay ko. Hindi ako pwedeng kumontra. Baka masisante agad ako, hehehe. "In fairness cute ka ah? 'Diba ate jema?" Sabi ulit ni Ced, binangga nya ng konti si Jema.
"Cute ka rin," sagot ni Jema kay Ced, tapos pinanglakihan nya ito ng mata.
"Don't tell me crush mo 'tong si Wong?" Nakangising tanong ni Dori kay Jema.
"Hindi ah? Sabi ko lang kay Ced, cute sya. Crush na agad?" Napangiti ako sa pagdepensa nito sa sarili.
So, kung nakukyutan ka sakin. May pag-asa na agad ako. Yesssss, hahaha.
"Marami po talagang nagsasabing cute ako, pero hindi naman po ibig sabihin nun may crush sila sakin." Pagkampi ko kay Jema, kailangan magood shot tayo kay prospect. Para madali makascore. Evil smile, hahaha.
"See?" Nilakihan n'yang muli ng mata si Ced.
"Wow. May pagkamping nagaganap. Iba talaga si playgirl, halatang sanay sa babae, hahaha." Tots, sorry. Pero gusto ko ng sungalngalin 'tong ultimate crush mo.
"Hahaha, para ka po palang si dori no? Judger?" Tinago ko ang pagkairita ko sakanya.
Masisira diskarte ko dahil sa mga to, eh. Kailangan kapag nagdamoves ako. Wala 'tong mga asungot na 'to.
"Uyy, hindi ah? Joke lang yun. Wala naman sa itsura mo ang manloloko mukhang ikaw pa nga ang niloloko, hahaha." Konti nalang talaga. Makakatikim na sakin ng kutos 'tong si Ced, eh.
Sasagot na sana ako nung tumunog ang phone ko.
Nag-excuse ako sakanila para sagutin ito.
"Hello, hon?"
"Yes, nhie!" Sagot ko.
"Nandito na ako sa bahay nyo, hinihitay ka na namin. Nasaan ka na ba?" May pag-aalala sa boses nya.
"Sorry, nhie. Naaya ako ng nagtitrain sakin magdinner kasama si Galanza at Domingo."
"Ah. Kaya pala nakalimutan mong magpaalam na hindi ka sasabay samin. Kasi kasama mo yung ultimate crush mo? Naghihintay kaya kami," kumagat labi ako. Hindi ko nga naalalang may dinner kami ngayon.
"Sorry na, nhie. Babawi nalang ako, promise! Biglaan, eh." Pinalambing ko ang boses ko.
"Ewan ko sayo, Deanna. May kasalanan ka pa. Hindi ka na naman daw umuwi kagabi sabi ni mama mo. Saan ka naman ng babae ah?" Medjo iritado na sya.
Naku! Lagot na kay kumander.
"Nasa condo kami ni justine kagabi, nhie. Hindi kami ng babae maniwala ka." Pagsisinungaling ko.
"Hey, Wong. Matagal pa ba yan? Aalis na kami." Sigaw ni Dori.
"Sige na, nhie. Usap nalang tayo mamaya sa bahay. I love you."
Hindi ko na hinintay na sumugot s'ya. I ended the call.
"Nasaan na si Ced?" Tanong ko pagbalik ko sa table namin.
"Nauna na. Sinundo ni John Vic," sagot ni Jema.
"Ah. Totoo pala yung balita na may relasyon sila?" Sabay pang nagtinginan si Jema at Dori, sabay rin silanh nangiti.
"Tsismosa ka ah? Magkaibigan lang yun." Nakangiting sabi ni Jema.
Wow. Mas maganda talaga si Jema, kapag ngumingiti. Tapos sakin pa.
"Tsismosa talaga 'yan. Kanina nga, sabi nya boyfriend mo daw si Cy," Natatawang sabi ni Dori.
"Hahaha, mukhang madami alam 'tong si bata mo. Pero mali naman. Bestfriend ko lang 'yon, si Cy. Hindi ko pa nakikita ang sarili kong makikipagrelasyon ulit sa lalaki, tapos kay Cy pa? Malabo."
Napangiti ako sa sagot ni Jema, mukhang ang laki talaga ng pag-asa ko sakanya.
Pero sa isang saglit, bigla din nawala ang pagkakangiti ko. Dahil may sumulpot sa harapan ni Jema, may dalang bouquet ng sunflowers.
"For you my beautiful lady!" Sabi ni Panaga, inabot nito ang bulaklak kay Jema. Nakangiting n'ya itong tinanggap.
Gusto ko silang batuhin ng baso, kasi nagtitigan at parang tangang nagngingitian sa harapan namin ni Dori.
"Kalma." Nakangising sabi n'ya sakin.
Nilalamukus ko na kasi yung paper towel na hawak ko. Naiinis ako sa kalandian ng dalawang 'to, bwisit!
"Ah, Pangs. Si Deanna Wong? Bagong photographer natin," pakilala ni jema sakin. Hindi pa sure sa name ko.
"Hello! Sana next time, ako naman ang maging subject mo." Mukha mo. Ayoko, hahaha.
Inabot ko ang kamay ko kay Panaga para sa makipag shake hands.
"Nice to meet you, po!" Ngumiti ako ng peke.
"Nice to meet you too. So, paano? Mauna na kami? Ihahatid ko pa si jema, eh." Paalam ni Panaga.
"See you nalang sa next game, guys." Tumayo si Jema tapos bumeso kay Dori. Nagulat at naestatwa ako kinatatayuan ko, nung pati ako bineso ni Jema.
"Uyyyy , kinilig. Hahaha, namumula ka, Wong." Tukso ni dori sakin. Wala na sila Jema sa harapan namin, nakaalis na pala. Di ko manlang namalayan.
Hinawakan ko ang pisngi ko, mainit ito. Shiiiiit. Nagblush nga ako.
BINABASA MO ANG
Chasing The Stars
Фанфикmahirap man abutin ang isang bituin ngunit susubukan ko parin