"Totoo? Seryoso ka na kay jema?" Malakas na tanong ni justine sakin
Tumango lang ako sakanya
"Pero paano naman si mitch? Iiwan mo na ba sya?" Bumuntong hininga ako sa tanong ni tots
"Sa totoo lang hindi ko alam ang gagawin ko ngayon, alam ko magiging unfair ako kay mitch pero hindi ko na kasi talaga macontrol itong nararamdaman ko para kay jema" tumabi si tots sa upuan ko
"Deans baka naguguluhan ka lang? Kasi natapakan nya yong pride mo di ba? Saka ano ba ang nagpabago ng isip mo at gusto mo ng seryosuhin si jema?" Tanong ulit ni tots
"Si charlie mismo! Nung nawala si charlie napagtanto ko na, kaya ko sya binigay kay jema dahil gusto kong gumaan ang pakiramdam nya sa lahat ng pinag-dadaanan nya, pero ako mismo nag-iisip ng magpapasama ng loob nya kung sakali di ba? Tapos wala na si charlie sino ang magcocomfort sakanya kung itutuloy ko ang plano ko sakanya" tugon ko
"Eh di ibigay mo si milo sakanya, para ito naman ang magpapagaan sa loob nya pagkatapos mong umiscore sakanya hahaha" sinimaan namin ng tingin si justine
"Saka lately napagtanto ko talaga na mahal ko na talaga si jema, alam nyo yon? Yong mga weird na feelings kapag nakikita ko sya kahit sinusungitan pa nya ako?
Na kahit kailan hindi ko naramdaman sa ibang babae lalo na kay mitch? Yong love ko kay mitch parang kumportable lang ako sakanya dahil sobrang tagal na naming magkasama di ba?
Pero kay jema, bigla nalang ako natakot nasaktan sya, bigla ko nalang naramdaman na gusto ko sya protektahan! Ganun ewan ko! Naguguluhan narin talaga ako" nakanga-nga lang ang mga kumag sakin
"Pero dapat ayusin mo muna yong kay mitch pare para wala ka rin guilt na maramdaman, bago mo pormahan si jema" sumang-ayon naman si tots kay kaye
"Wag bro! Kapag sinagot ka nalang ni jema saka mo iwan si mitch, para kung sakaling hindi ka man sagutin ni jema eh di may jowa ka parin" sinamaan ulit namin ng tingin si justine
"Eto naman mga to! Nagsusuggest lang ang kkj nyo!" umirap pa si loko
"Ang pangit ng suggestion mo" singhal ni tots sakanyan
"Pero pare, sure ka na ba jan? Paano naman si mitch? Anong plano mo?" Tanong ni tots sakin
"Siguro kukuha muna ako ng tamang tyempo para kausapin sya tungkol dito, gusto ko sana kapag balik nya dito sa pinas" sagot ko
"So pagbalik pa ni mitch mo liligawan si jema?" Tanong ni kaye
"No!!! Hindi ko na ata kaya kapag may iba pang pumorma kay jema at magustuhan na naman nya, kaya dapat ngayon palang gumawa na ako ng paraan para ako na talaga magustuhan nya" sabi kong nagpanga-nga sakanila hahaha
"Ganun din yon eh! Pagsasabayin mo rin sila?" Singhal ni tots sakin
"Hindi ko kasi kayang saktan si mitch lalo pa mag-isa lang sya dun" umiling si tots at kaye samantalang si justine ngumisi
"Sabi ko sainyo eh! Si deanna pa, parang christiana at mitch lang din yan pinag-sabay nya para malaman kung sino mas better hahaha" tirada na naman ni justine
"Deans, pag-isipan mo muna lahat ng gagawin mo pare! Dalawang babae ang masasaktan mo kung nagkataon" sabi ni tots habang tinatapik ang balikat ko
Yumuko ako, sa totoo lang hindi ko na talaga alam gagawin ko, minahal ko si mitch kaya hindi ko kayang saktan sya
Pero mahal ko rin talaga si jema at hindi ko narin talaga kayan makitang masaya sya sa iba
Bahala na po si batman
---------------------------------
Ngumiti ako nang makita ko nang palabas si jema ng building ng condo nya
"Hay naku nagbabalik na ang bwisit ng umaga ko" nakangiti nyang sabi sakin
Lalo namang lumawak ang ngiti nya nung tumingin sya sa hawak kong puppy
"Ang cute!!!!" Natawa ako, lumabi pa sya habang hinihimas si milo na akap ko
"Kapalit ni charlie" sabi kong inabot sakanya ang aso
"Huh?"
"Sayo na yan! Pamangkin yan ni charlie!" Umiling naman sya at binalik sakin si milo
"Wag na deans baka hindi ko na naman sya maalagaan ng maayos" sabi nya
"Naalagaan mo nga si charlie ng maayos eh! Si milo pa kaya?" Pilit ko ulit inabot si milo sakanya
"Pero......."
"Sige na! Tyak matutuwa si charlie kasi may bago ng mag-aalis ng pagod ng mama nya" nakangiti kong sabi sakanya
Inakap nya na si milo,kitang kita kong may butil ng luha ang gusto kumawala sa mga mata nya
Alam ko miss nya na si charlie kaya si milo lang tanging paraan para mapawi ang lahat ng pangungulila nya
"Hi baby! Ako na bago mong mama ah? Ok lang ba sayo kung ako na mag-aalaga sayo?" Napangiti ako, sobrang hilig talaga ni jema sa mga aso
Siguro yon yung similarities namin, parehas kaming mapagmahal sa alagang naming hayop at tinuturing itong pamilya
Si mitch kasi ayaw nya ng alagang hayop lalo na ng aso kasi natruma sya nung nakagat sya nito nung bata pa sya
Madalas nga naming pag-awayan si charlie noon kapag tinatabi ko ito sa higaan namin
Kaya sobrang tuwa nya nung pinamigay ko si charlie!
"Milo tulungan mo si dada mapalambot ang puso ni mama mo sakin ah?" Sabi ko habang hinihimas ang ulo nya
"Ayon naman pala ang dahilan kung bakit mo sya binigay sakin, para-paraan lang talaga deanna wong?" Sabi ni jema sabay irap sakin
"Syempre naman! Hahaha kasi may dahilan na ako para puntahan ka at mapalapit sayo" sabi ko sabay kindat sakanya
"Ewan ko sayo, alis na nga jan malelate na naman ako sa training dahil sayo" sabi nya habang hinawi ako para makapasok sya sa kotse nya
"Hatid na kita" tinignan nya lang ako
"Sige na please?" Sabay labi sa harap nya
Natawa naman sya ng mahina sabay iling
Pero binigay nya rin sakin ang susi ng kotse nya
Napatalon naman ako sa tuwa
"Thank you baby hahaha" kinurot naman nya ko
"Baby ka jan! Pasalamat ka kay milo dahil walang maghahawak sakanya" ngumiti nalang ako sa dahilan nya
Pero masaya na rin dahil ngayon napapalapit na ulit ako kay jema at hinahayaan na nya ko pumasok sa buhay nya
---------------------------
A/N
Dahil may pa video greet ako kay IDOL DEANNAWONGST
Napa-update ako hahaha gumaan talaga pakiramdam ko dun
Thanks po talaga kay @zackzack580 sa pagtulong sakin para sa VG ni idol the best ka! 👍👍
BINABASA MO ANG
Chasing The Stars
Fanfictionmahirap man abutin ang isang bituin ngunit susubukan ko parin
