Chapter 25

3.5K 129 103
                                    

"Milo Milo
Yes Dada
Eating sugar?
No, Dada
Telling lies?
No, Dada
Open your mouth
Awww, awww, awwwww!" Kanta ko kay milo hahaha

"Para kang baliw" sabi naman ni jema, tapos umupo sa tabi ko

"Hahaha naiinip na si milo eh! Hindi pa ba mag-start? Gutom na kami mama" sabi ko sabay pacute namin ni milo hahaha

Nandito kasi kami ngayon sa late celebration ng Christmas party ng Creamline

Sinama lang ako ni jema, pwede naman daw outsider hehehe

"Mukha ka talaga pag-kain" sagot ni jema

"Syempre Food Is Life" proud kong sabi

"Hindi ka talaga mabubuhay ng walang pagkain no?"

"No!!!! Mas hindi ako mabubuhay kapag nawala ka" sabay kindat sakanya

"Yiiiiiieeeeeeee" sabi ng ibang creamline na nakarinig hahaha

Namula naman si jema sabay pisil sa ilong ko

"Bola! Nabuhay ka nga ng 21 years na wala ako eh"

"Noon yon! Pero ngayon nandito ka na at kasama na kita hindi ko hahayaang mawala ka" sincere kong sabi ko sakanya

"Konti nalang talaga maniniwala na akong nagbago ka na hahaha! Pero linyahang babaero parin eh" singit naman ni ced

"Hindi ko naman kailangan improved ang sarili ko sainyo, lalo na sayo? Kasi si jema lang naman ang mahalaga, sakanya ko lang dapat ipakita na nagbago na ko. Wala na akong paki-alam kung hindi kayo maniwala" sabi ko sabay walk out

Lately napipikon na talaga ako kapag sinasabihan ako ng babaero

Dati naman natutuwa pa ako

Gusto ko na kasi ayusin sarili ko para kay jema pero paano manyayari yon kung lagi may nagpapa-alala sakin ng mga nakaraan ko?

Inaayos ko narin yong saamin ni mitch pero busy talaga sya

Minuto lang tinatagal ng usapan namin kaya hindi ako makakuha ng tyempo para sabihin sakanya ang lahat

"Sandali lang deans, ang pikon mo naman dati naman sinasakyan mo lang biro ni ced ah?" Habol ni jema sakin

Malapit narin pala ako lumabas ng building

"Nakakapikon na kasi eh! Nagbabago na ko jema. Pero nakakainis lang na binabalik pa nila yong nakaraan ko, nagbabago na nga ako eh! Nagbabago na ko para sayo" iritado kong sagot sakanya

"Makinig ka nga, tulad nga ng sabi mo hindi mahalaga opinyon nila di ba? So sakin mo lang gusto patunayan nagbago ka na, wag mo nalang pansinin ang sinasabi ng ibang tao. Deans mahalaga naman naniniwala ako sayo, kaya sana wag mo yon sirain" tumango ako

"Ginagawa ko na ang lahat para sayo jema" sana mapatawad mo ako, kung sakaling malaman mo ang totoo

"Ginagawa ko na ang lahat ng tama para sayo" sabi ko

"Ayon naman pala eh! Masyado ng matampuhin ang baby hahaha" napangiti ako

"Uyyyy tinatawag na nya akong baby"

"Mukha ka kasing batang nagtatampo" sabay pisil sa magkabilang pisngi ko

"I love you jema" tinignan ko sya ng deretso sa mata

Ngumiti sya at tumango

Niyakap ko sya ng mahigpit, hindi ko talaga alam kung kakayanin kong mawala sya sakin

Sobrang bilis lang ng panahon pero nahuhulog na talaga ako sakanya ng sobra

Hindi na ako makaahon pa

Chasing The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon