Chapter 17

4.4K 148 42
                                    

"Hi baby nandito na naman ako"

Hinaplos ko ang lapida ni charlie buti nalang talaga kay jema sya napunta at nabigyan sya ng magandang libingan sa isang exclusive na animal cementery dito sa pilipinas

Kung nasa amin pa siguro sya baka sa likod bahay lang namin sya nilibing

Araw-araw ko rin syang dinadalaw pagkatapos ng trabaho

Pagkatapos nyang ilibing hindi ko na ulit nakausap si jema, lumayo na talaga ako sakanya

Sa mga games nya nalang kami nagkikita bilang photographer nila

Hindi rin ako nagpakita sakanya nung libing ni charlie tanging sya lang din naman ang mag-isang nandito nung mga panahon na yon

Nung nawala si charlie narealize ko na mali ang lahat ng balak kong gawin kay jema ,kaya ako na mismo ang kusang lumayo sakanya

Pero sa paglayo ko rin yon, narealize ko na gusto ko talaga sya

Pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko dahil ayoko na naman magkamali

Kailangan ko muna ayusin yong sa amin ni mitch bago ko sya ulit lapitan

Para patunayan na deserving din ako para sakanya, yong wala na akong kailangan itago pa

"Mahal na mahal ko na ata talaga mama mo charlie" ngumiti ako ng mapait

"Eh di sabihin mo sakanya" inangat ko ang mukha ko sa nagsalita

Natutulala lang ako kay jema na nakatayo lang sa harap ko ngayon

"Jema?" Ngumiti sya sabay lagay ng bulaklak sa puntod ni charlie

"Lagi kang nandito di ba?" Umiwas ako ng tingin sakanya

"Sorry kung dinadalaw ko si charlie"

"Ok lang yon! Aso mo rin naman sya di ba?" Tinignan ko na sya

"Alam ko na! Nung una ka palang pumunta sa condo alam ko na ikaw ang dating may-ari kay charlie, yong sinabi mong dada ka nya, kung paano ka nya lambingin na hindi naman nya ginagawa sa iba lalo na kay pangs, kaya dun palang alam kung sayo sya galing" yumuko sya at hinawakan ang lapida ni charlie

"Hindi mo alam kung ilang beses ka nyang hinintay bumalik simula nung araw na pumunta ka dun, lagi sya nakabantay sa main door namin umaasa na babalik ka para sakanya" tumulo ang luha ko kasabay ng pagtulo ng luha ni jema

"I'm sorry jema sana hindi ko sya tinakbuhan, sana buhay pa sya ngayon kasama mo" umiling sya

"Wala kang kasalanan deans aksidente ang nangyari" umiling din ako

"Ako parin isa sa dahilan kung bakit nawala sya, kung hindi ako nagpadala sa damdamin ko hindi ko sana sya babaliwalain, hindi ko sana sya tinakbuhan hindi sana sya nasagasaan hindi sana sya namatay, wala sana sya ngayon dito!" humahagulgol kong sabi

Naramdaman ko naman na niyakap ako ni jema

"Wala kang kasalanan, hindi gusto ni charlie na sisihin mo sarili mo, kaya tama na yan!" Paulit-ulit nya lang na hinahaplos ang likod ko

"Salamat jema ah?" Nilayo nya sarili nya sakin

"Para saan naman?"

"Kasi naging masaya si charlie sa piling mo hindi mo sya pinabayaan, maraming salamat" ngumiti sya

"Di ba dapat ako magpasalamat sayo? Kasi binigay mo sya sakin? Sya yong naging takbuhan ko nung mga panahong nalulungkot ako, sya nagpapagaan ng lahat ng dinadala ko kaya maraming salamat talaga deanna dahil pinagkatiwala mo sakin si charlie" sabi nya habang pinupunasan ang luha ko

"Deserved mo si charlie kaya sayo ko sya binigay, gusto ko rin paga-anin ang loob mo noon pero hindi ko alam kung paano, kaya si charlie lang talaga tanging naisip ko, kasi tulad mo sya rin nagpapagaan ng lahat ng bigat na nararamdaman namin kaya sya talaga deserved na gift ko para sayo"

Umupo sa tabi ko si jema tinignan ko sya

"Bakit mo naman ginawa yon?" Ngumiti ako

"Kasi I like you, gustong gusto talaga kita jema simula pa noon, hindi ko lang alam kung paano ko ipapakita at ipaparamdam sayo, kasi naman di ba? Si jema galanza ka tapos ako si deanna wong lang na fan mo kaya malabo talaga" sabay kaming nangiti pagkasabi ko nun

"Pero ngayon kahit abot kamay na kita wala na talaga akong pag-asa lalo na kayo na ni panaga" yumuko ako

"Hindi ko naman sya sinagot" umangat ulit tingin ko sakanya

"Sinundan ko agad si charlie nung nawala sya sa paningin ko kaya hindi nya ako natanong, pero hindi ko rin naman sya sasagutin, niloko nya ko isang simple bagay lang nagsinungaling sya sakin ano pa kaya yong mga malalaking kasalanan pa di ba? Hindi ko ata kaya pagkatiwalaan ang sarili ko sakanya"

"Pero sabi mo gusto mo sya di ba?" Tinignan ko sya ng deretso

"Oo gusto ko naman talaga sya, tulad nga ng sabi ko hindi ko naman sya sasagutin dahil kay charlie pero yon nga inangkin nya si charlie kahit hindi naman pala sakanya, nagsinungaling sya sakin kaya paano ko pa ipagkakatiwala ang sarili ko sakanya?" Ngumiti na ako

"Ako ba talaga walang pag-asa?" Natawa naman sya

"Sa ngayon friendship lang kaya ko ibigay sayo" tumango ako

"Ok lang jema! Handa naman ako maghintay eh, alam ko naman wala kang tiwala sakin dahil sa nakaraan ko at sa mga pagkakamali ko, pero sana jema bigyan mo rin ako ng chance para patunayan sayo na deserving din ako para sayo" at aayusin ko muna ang lahat para sayo

"Sa ngayon hindi ko pala alam deanna, gusto ko muna mag-isip, pwede naman tayo maging magkaibigan di ba?" Nilahad pa nya kamay nya sa harap ko

Tinanggap ko naman ito at ngumiti

"Ok lang din naman kung friends with benefits di ba?" Sabay ngisi sakanya

Sinampal nya ako ng mahina

"Loko ka talaga!" Natawa naman ako

"Joke lang hehehe, pero maghihintay talaga ako jema" umiling sya sabay ngiti

"Kulit mo talaga" haysssss mas ok talaga kapag hindi nya ako sinusungitan

"Namiss mo ba ako nung hindi na ako nagpapakita sayo? Hahaha"

"Asa! Natuwa talaga ako nung hindi ka na nangungulit dahil nawala na yong bwisit sa buhay ko lalo na sa umaga ko" ngumuso naman ako

"Grabe ka naman ganyan lang talaga tingin mo sakin" bigla naman syang tumawa ng malakas

"Hindi bagay sayo!" Lalo lang akong ngumuso

"Pero sa totoo lang namiss talaga kita" sabay ngiti sakin

Natulala naman ako

Chasing The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon