Chapter 3

4.2K 135 43
                                    

Dahan dahan ko pinihit ang door knob ng kwarto ko

Pagbukas ko sumalubong sa mukha ko ang isang unan

Shiiiiit binato na naman ako ng topakin kong girlfriend

"Ano ba michelle?" Iritado kong balik sa unang binato nya

"Ikaw pa may ganang magalit?" Tumaas boses nya

"Pwede ba hinaan mo boses mo nasa kabilang kwarto lang sila mama" gigil kong sabi sakanya sa mahinang boses

Padabog nya kong tinalikuran agad akong lumapit sakanya at niyakap sya sa likod

"Mitchy naman, ilang araw nalang aalis ka na, tapos uubusin mo pa yong oras mo sakin para awayin ako" ngumuso pa ko

"At tuwang tuwa ka naman na aalis ako dahil wala ng magbabawal sayo sa mga gusto mong gawin"

"Alam mong hindi totoo yan pinipigilan kita pero ikaw tong ayaw magpagil dahil ano? Wala kang tiwala sakin na kaya kitang buhayin? Tapos ngayon pagbibintangan mo ko ng kung ano-ano" bumitaw na ko sakanya

"Alam mong hindi yon ang dahilan hindi ko kayang tumanggi sa kumpanya ako lang pwede pagkatiwalaan nila para ihandle ang team sa singapore ilang beses na natin tong pinag-usapan deanna!!!!" Hinarap na nya ko

"Pero yong pagdududa ko sayo masisisi mo ba ako? Ilang beses mo na ba akong niloko? Nung nandito pa nga lang ako nagagawa mo na akong lokohin paano pa kaya kung nasa malayo na ako?" Medjo naiiyak na sya

Hindi na ako nagsalita matatalo lang ako uungkatin nya lang lahat ng kasalanan ko imbis na magkaayos kami baka lalo pang lumala

"Nhie" niyakap ko sya wala na akong pwedeng gawin kundi lambingin lang sya dahil wala naman akong pweding ikatwiran sakanya

"Deans please naman this time naman maging faithful ka na sakin baka hindi ko na kayanin, masyadong malayo ang singapore para bantayan kita baka mabaliw ako dun maawa ka naman sakin" humihigbi na sya

"Promise nhie wala naman akong ginagawa eh" wala pa naman one night stand palang ulit

Simula nung nagkabalikan muli kami hindi na ako ulit nang babae puro one night stand nalang pero syempre pilit kong tinatago yon sakanya

Masyado akong nanghihinayang sa tagal ng relasyon namin high school palang kami nagstart kami sa pagiging magbestfreind

Hanggang nag-aminan ng feelings sa isa't isa at napagkasunduan maging kami

Nagloko lang naman ako nung 2nd year college kami dahil pinabayaan nya ko masyado syang naging busy sa studies nya

Naghanap ako ng atensyon sa iba ilang beses ko syang sinabayan ng iba pero ilang beses nya rin akong pinatawad

Hanggang dumating ang isang babaeng nagparamdam sakin ng lahat ng hinahanap ko sa relasyon niloko ko ulit sya at pinili ang babaeng yon

Pero hindi naman nya ako napatino kaya nagsawa rin sya sakin umabot lang nang isang taon at kalahati ang relasyon namin na puno ng lokohan dahil meron din syang iba bukod sakin

Tulad ko playgirl din pala sya

Hindi kaya ng ego ko kaya nakipag-hiwalay ako sakanya

Bumalik ako kay mitch tinanggap nya ko muli kaya hinding hindi ko na kaya pa mawala sya sakin dahil sya lang yong babaeng kayang magtyaga at magmahal sakin

Tinanggal ko pagkakayap namin pinunasan ko luha nya

"Alam mong mahal na mahal kita, ikaw at ikaw parin ang pipiliin ko kahit anong mangyari" sabay siil ng halik sa labi nya

Chasing The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon