"Sobrang effort naman nito, tatanungin mo lang naman si jema kung pwede ka ng manligaw sakanya. Paano na kung tatanungin mo na syang maging girlfriend? Pupunta na tayong paris? Hahaha" sabi ni justine sabay akbay sakin"Alam ko kasing hindi basta-basta maniniwala si jema kung simpleng tatanungin ko lang sya kailangan talaga ng paandar" tugon ko sakanya
Nakapwesto na si kaye sa maliit na stage kung saan ito kakanta pagkapasok palang ni jema
Si tots ang sumundo sakanya
Hindi naman ganong karomantic yong place dahil nga tatanungin ko palang naman si jema
Para lang itong isang maliit na bar pero kaibahan lang kami lang ang nandito
Nung una tumutol si tots sa plano namin pero gusto ko lang naman malaman kung love ba talaga ang nararamdaman ko kay jema
Baka kasi Infatuation lang pala to o lust kaya gusto ko muna dumaan sa ligawan stage
Baka sakaling sa gantong paraan malaman ko kung ano bang level ang pagtingin ko kay jema
Baka sakaling sa gantong paraan mapagtanto ko kung iiwan ko ba o hindi si mitch para kay jema
Kaya ayon wala ng nagawa si tots kundi pumayag sa disisyon ko at suportahan nalang ako
Dahil wala rin naman talaga syang magagawa hahaha
Gustuhin ko man hintayin si mitch makabalik ng pilipinas para makipag-hiwalay sakanya para ipursue si jema
Kaso matagal pa manyayari yon natatakot akong maunahan na naman ako sakanya at mahulog pa ang loob nya sa iba
Ok na ulit kami eh at alam ko gusto ako ni jema kaya gagawin ko lahat para mapasakin sya
"Hey miss playgirl nagtext na si tots, nasa labas na raw sila ni jema" sigaw ni justine
Agad ko naman inayos ang long sleeve polo ko at kinuha ang sunflower na paborito nya
Nagtago ako sa stage lalabas lang ako kapag nasa gitna na si jema
Di, 'di ko inakalang
Darating din sa akin
Nu'ng ako'y nanalangin kay Bathala
Naubusan ng bakitSumilip ako nung nagstart ng kumanta at tumugtog si kaye
Nakita kong naglalakad na papuntang gitna si jema
Bakit umalis nang walang sabi?
Bakit 'di siya lumaban kahit konti?
Bakit 'di maitama ang tadhana?Literal na nguma-nga ako dahil sa taglay na ganda ni jema
Nakayellow dress na naman sya na talagang bumabagay sakanya
Karga nya rin si milo na agad din nyang binitawan
At nakita kita sa tagpuan ni Bathala
May kinang sa mata na 'di maintindihanDali-dali akong tumungo kung nasaan sila
Agad naman ngumiti si jema nang makita nya ako
Binigyan ko rin sya ng pinaka matamis kong ngiti hahaha
Tumingin kung saan
Sinubukan kong lumisan
At tumigil ang mundo
Nu'ng ako'y ituro mo
Siya ang panalangin ko"For you, my sunshine hahaha" sabay abot sakanya ng bouquet of sunflower
Hinampas naman nya ko sa braso ko lalong nagpatawa sakin
"Ano namang kalokohan to?" Sabi nyang nakataas ang kilay
Kinindatan ko lang sya kaya napalo na naman ako hahaha ang sadista talaga ng baby ko
At hindi, 'di mapaliwanag
Ang nangyari sa akin
Saksi ang lahat ng tala
Sa iyong panalangin"Can I have this dance?" Sabay lahad ng palad ko sakanya
Umiling sya pero inabot din nya ang palad ko, agad ko naman nilagay sa balikat ito
Lumapit naman si tots para kunin ang sunflower ni jema
Kaya dalawang kamay nya na ang nasa balikat ko
Agad ko naman hinapit ang bewang nya upang mapalapit sakin
Pa'no nasagot lahat ng bakit?
'Di makapaniwala sa nangyari
Pa'no mo naitama ang tadhana?"Jema alam ko, hindi ka pa nagtitiwala sakin dahil sa mga kalokohan ko noon. Pero handa akong patunayan sayo na nagbago na ako para sayo, kaya gusto ko humingi ng pagkakataon. Sana Jema, pagbigyan mo ako" nakatingin lang kami sa mata ng isa't isa
Nu'ng nakita kita sa tagpuan ni Bathala
May kinang sa mata na 'di maintindihan"Marami akong kasalanang nagawa noon sa mga naging partner ko, pero sisiguraduhin kong magiging tapat ako sayo. Hinding hindi ako gagawa ng ikakasasakit mo tulad ng pinangako ko kay charlie. Jema sana pagkatiwalaan mo ako at bigyan mo ako ng chance na mahalin mo, at bigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka" hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya
Tumingin kung saan
Sinubukan kong lumisan
At tumigil ang mundo"Ganyan ba talaga kapag playgirl? Ang effort at matamis talaga ang dila?" Natatawang nyang sabi sakin
"Uyyy hindi ah? Hahaha hindi nga ako nag eeffort sa iba sayo lang kasi alam kong worth it ka. Yong ibang babae isang kindat ko lang sasama na sakin sa kama, pero ikaw kailangan pang ligawan hahaha" sinamaan nya ko ng tingin
"Ah ganun? Sobrang effort mo talaga maikama lang ako" bumitaw sya sa pagkakahawak sa balikat ko
Nung ako'y ituro mo
At hindi ka lumayoHinigpitan ko naman ang paghapit ko sa bewang nya para hindi sya tuluyang makawala sakin
"Hindi yon ganun, gusto kita Jema simula palang nung college ako at nasa adamson ka pa. Pangarap na talaga kita. Hindi ikaw yong babaeng pangkama lang, dahil ikaw yong babaeng papakasal at mamahalin habang buhay." Sabay kindat sakanya
"Ang tamis talaga ng dila" natawa kami pareho sa sinabi nya
"Gusto mo bang tikman? Hahaha" hinampas nya ko at tinignan ng matalim
"Pero seryoso Jema, Pagbigyan mo lang ako gagawin ko lahat para sayo. Hindi ko man maabot ang bituin ngunit susubukan ko parin hahaha." Pinatong nya na ulit ang mga palad nito sa balikat ko
Nu'ng ako 'yung sumusuko
At nagbago ang mundo"Mukhang hindi naman ako pwede'ng humindi hahaha, yaan mo na mga 2 days lang basted ka na" napanguso naman ako sa sinabi nya
Hinawakan nya ang baba ko at tumingin sa mga mata ko ng deretso
Nu'ng ako'y pinaglaban mo
At tumigil ang mundo
Nu'ng ako'y pinili mo
Siya ang panalangin ko"Gusto din kita Deanna, kaya bigyan natin ng chance ang mga sarili natin, kilalanin ang isa't isa"
BINABASA MO ANG
Chasing The Stars
Fanfictionmahirap man abutin ang isang bituin ngunit susubukan ko parin