Chapter 14

3.1K 121 22
                                    


"Nag-camping na ba kayo dati?" Tanong ko sakanila habang binaba ko yong mga gamit namin

"Siguro nung high school kapag may pa stargazing yong school?" Si ced lang ang sumagot

"Eh mountain climbing?" Tanong ko ulit

"Ngayon palang kaya sobrang excited kami nung sinabi ni tots na may bundok malapit sa manila na pwede akyatin, maiba naman puro nalang beach" si ced ulit

"Hindi pa ba tayo? Aalis? Baka lalo tayong gabihin" tanong ni kyla kay tots

"Hahaha excited talaga kayo masyadong malayo yon, kumain muna tayo, kumakain ba kayo sa turo-turo?" Sabi naman ni tots

"Oo naman" sabay-sabay pa silang tatlo wow naman kapag kay tots sumasagot sya

Ngumuso naman ako tinuon ko nalang ang atensyon ko sa pag-aayos ng gamit namin

Nakakabadtrip

Tumunog naman ang phone ko agad ko yon kinuha si mitch tumatawag

"Una na kayo guys, sagutin ko lang to" paalam ko sakanila papunta na kasi sila sa kainan

"Hello nhie" sagot ko sa phone ko

"Hon, I miss you! I'm sorry ngayon lang ako nakatawag sobrang busy eh" 2 days na kasi syang hindi nagpaparamdam

"Ok lang po, mukhang busing busy ka talaga at nakalimutan mo na naman ako" may himig tampong tono ko

"Sorry na talaga hon, babaw...." narinig kong may tumawag sakanya

"Hon sorry! Kailangan na ko sa conference room tawagan nalang kita ulit ah? Goodbye hon! I love you" hindi na nya akong hinintay sumagot binaba nya na yong tawag

Gustong kong ibato yong phone, kakausap lang nagpaalam agad? Masyado syang busy para sakin nakakainis na

Nakabusangot akong bumalik sa grupo umupo ako sa tabi ni tots

Parang gusto ko nalang silang ayain mag-inom at wag nalang umakyat ng bundok

"Oh bakit ganyan mukha mo?" Bulong ni tots sakin

"Si mitch kasi eh wala naman syang time para sakin, taena boses na nga lang nya maririnig ko pinagkakait pa" gigil kong bulong sakanya

Natawa naman si tots sabay siko sakin nakatingin na kasi sila jema samin

"May problema ba miss cutie playgirl? Mukhang hindi maipinta mukha mo hahaha" ningitian ko lang ng peke si ced

Pagkatapos namin kumain nag-start narin kami mag-lakad paakyat ng bundok

Natatawa ako sa tatlo kasi bawat madaanan namin nag-popose sila si tots taga picture nila

Tignan natin kung makatawa pa kayo mamaya kapag nasa gitna na tayo baka umayaw na kayo hahaha

Kinukuhanan ko rin sila ng picture gamit ang DSLR ko pati narin ang mga magagandang tanawin dito

"May natitira pa palang magagandang tanawin sa SJDM no? Akala ko puro pabahay na to eh" palatak ni justine

"Wala yang gandang nakikita mo pare kapag naakyat na natin yong tuktok" sabi naman ni tots

"Mas maganda parin yong nakikita ko" sabay nguso ko kay jema na nakatanaw lang sa kawalan hahaha

Nailing nalang sila sakin

Bakit ang ganda naman talaga ni jema sa suot nyang short at fitted long sleeve na V-neck na hanggang cleavage nya hehehe

Nung nasa gitna na kami medjo bumabagal na pag-lalakad nila

Nahuhuli narin si jema siguro pagod na

Buti nalang talaga walang masyadong tao ngayon na umakyat kung hindi baka dumugin sila

"Baby akayin na kita hahaha mukhang hindi mo na kaya" sinamaan nya ko ng tingin

Hinawakan ko ang braso nya para akayin sya, pabalya naman nya tong nilayo sakin at nauna ng maglakad

Ang sungit talaga ng baby ko hahaha

"Jema wait, inom ka muna ang dami ng nawalang tubig sa katawan mo dahil sa pawis mo" hingal na hingal nya akong hinarap

Inabot ko bottle water ko sakanya

"Seriously? Ininuman mo na kaya yan?" Nakataas na kilay nyang sabi sakin

"Ano naman? Nagkiss na kaya tayo so nag-share na tayo ng laway aarte ka pa ba?" Pulang pula pisngi nya hindi ko alam kung dahil sa init o dahil sa sinabi ko

Kumuyom naman ang palad nya tila sasapakin ako agad ko naman yon hinawakan

"Joke lang ito naman hindi mabiro kukunin ko nalang yong bottle mo kela tots" natatawa kong sabi sakanya

"Wag na" sabay hablot ng tubig ko ngumanga nalang ako nung ininom nya ito at walang tinira

"Bakit ba kasi ako napasama dito?" Pumadyak sya sabay tingin sakin

"Tapos kasama ka pang bwisit ka" ningitian ko sya ng nakakaloko

"Wag ka ngang ngumiti ng ganyan"

"Bakit nafa-fall ka?" Sabay ngisi sakanya

"Hindi naiinis ako!!!! Mukha kang aso" natawa naman ako

"Ok lang mahilig ka naman sa aso eh, handa akong maging aso para sayo" sabay kindat sakanya

"Tapos hihimas-himasin mo ako, hihiga ako sa lap mo, didilaan ko muk...." hinampas nya braso ko

"Tumigil ka na!!!!!" hahaha gigil na gigil sya eh

"Nakakainis talaga napapagod kana may bwisit ka pang kasama" ngumisi lang ako sakanya

"Galit na galit ka talaga sakin no? Alam mo ba yong kasabihang the more you hate ,The more you love" siniringan nya ko

"Asa ka! Hindi totoo yong kasabihan na yan" inalalayan ko naman sya paakyat sa isang maliit na bato hindi naman sya tumutol

"Nakakainis akala ko madali lang umakyat ng bundok, bakit ba ako napasubo dito" tila gusto na nyang umiyak nakalukot na mukha nya hahaha

Agad ko naman syang kinuhanan ng picture kaya nakatanggap na naman ako ng matalim na tingin mula sakanya

"Burahin mo yan" umiling ako hahaha

"Burahin mo sabi yan eh" sabay agaw sakin ng camera tinaas ko naman ito para hindi nya maabot

Tumalon sya, binaba ko agad yong kamay ko sobrang taas nyang tumalon

Tinago ko sa likod ko yong camera kaya napayakap sya sakin at pilit na kinukuha ito sakin

Nangiti ako, ang bango parin nya kahit pawis na pawis na sya

"Ano ba deanna sabing burahin mo na yan eh" sabi nya habang inaabot parin ang camera sa likod ko

"Kiss muna hahaha" nilapit ko pisngi ko sakanya

"Asa ka no!!!!" sabay tulak sakin, hinablot ko naman ang braso nya dahil na out balance ako may naapakan kasi akong bato dahil sa pagtulak nya

Sumama sya sa pag-bagsak ko, nangiwi ako dahil ang sakit ng likod sa maliliit na bato na tumusok rito

Nakadaan naman sakin si jema na lalong nagpadagdag ng pagdiin ng likod ko sa mga bato nahigaan ko napapikit ako sa kirot

Dinilat ko mata ko at mukha ni jema ang bumungad sakin

Damn sobrang lapit na naman namin sa isa't isa

Nagtitigan lang kami tila walang gustong bumitaw

Sabay pa kaming tumingin sa labi ng isa't isa

Ngumiti ako sabay basa ng labi ng ko lumunok naman sya

Inangat ko mukha ko para abutin ang labi nya

"Hoy wong!!!! Mamaya na landi gagabihin tayo" bumalikwas si jema at agad tumayo sabay lakad palayo sakin

Langya ka kaye dun mo pa talaga napiling mang-istorbo badtrip ka

Chasing The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon