Chapter 4

3.7K 134 68
                                    

Pasulyap-sulyap lang ako kay jema habang nagdadrive na ako pabalik sa building ng virtual playground

"Sa daan ka mag-focus kapag tayo naaksidente ipapasalvage kita" hahaha langya naaksidente na nga ipapa-patay pa ako?

Double dead lang ang peg? Hehehe

"Sorry hindi lang ako makapaniwala na yong idol ko kasama ko sa isang kotse, paki-sampal nga ako baka nananaginip lang ako" inabot ko pa pisngi ko sakanya

"Gusto mo talaga?" Sabay amba sakin ng palad nya habang nakangiti

Natigilan ako sabay iling at layo ng mukha ko sakanya

Naalala ko spiker nga pala sya baka gawin nya lang bola mukha ko

Naaalala ko yong video na sinampal nya si cy, halos hindi maipinta yong mukha nung lalaki na yon

Kaya wag nalang pala hahaha

"Eto naman si ma'am jema hindi mabiro" natatawa kong usal sakanya

"Hoy jema nalang grabe ka naman maka-ma'am hahaha para mo akong teacher eh" wow sarap naman sa ears ng tawa nya

"Kung ikaw nga sana yong teacher ko dati baka wala akong absent kasi inspired akong papasok araw-araw" binigyan ko sya ng ngiting alam kong magiging cute ako

"Kung ikaw studyante ko ibabagsak kita agad kasi wala kang ibang alam kundi mangbola" wow sakit naman nun

"Ok lang ibagsak mo ako ma'am basta sayo lang" sabay kindat

Umiling naman sya pero i swear uulitin ko mga banat ko para makita ko lang magandang nyang ngiti

Kinagat pa nya hintuturo nya mukhang kinilig si jema ah? Hahaha

Nice job deanna konti nalang

"Naka-ilang girlfriend ka na ba?" Wow biglang naging personal ang tanungan

"Dalawang lang" hahaha kahit hindi ko na mabilang

"Imposible" nanginti ulit sya

Hahaha dalawa lang naman talaga kasi dalawa lang yong sineryoso ko

"Totoo nga, yong una yung bestfriend ko nung naghiwalay kami nakilala ko naman sa gig yong 2nd ko tapos nung naghiwalay kami bumalik ako bestfriend ko" tumango sya

"So kayo na ulit nung bestfriend" nag-isip muna ako ng isasagot ko

"Hindi na kasi umalis na sya pa-singapore hindi namin kaya LDR kaya nagdecided kami na maghiwalay nalang" finger cross sana maniwala

Nasa singapore naman talaga si mitch pero syempre hindi kami break masyado naming mahal ang isa't isa para maghiwalay dahil lang sa LDR

"So madali ka lang pala sumuko kapag nahihirapan ka na?" Tila may hugot yong pagkakasabi nya nun ah

"Hindi naman sa ganun naniniwala kasi ako kapag kami talaga babalik kami sa isa't isa, siguro tinitest lang kami ng tadhana ngayon" umiling sya

"Pero nagpatalo ka na" ano bang gusto mong sabihin jema?

"Hindi naman sa nagpatalo nirerespeto ko lang disisyon nya na gusto nya mas magandang buhay na hindi ko kayang ibigay sakanya" lumungkot na ang mukha ko kasi totoo naman yong sinabi ko

Nakita ko naman simpatsya sa mukha ni jema

Hinawakan nya kamay ko sabay kaming pumitlag kaya bumitaw agad sya

Bat ganun para akong nakuryente at nakiliti at the same time

Tumingin naman sa labas si jema na nakatingin din sa kamay nya pinanghawak nya sakin kanina

"Kayo ni panaga kamusta?" Lumingon ulit sya sakin

"Hahaha tsismosa ka talaga ano?"

"Uyyy hindi ah? Curious lang hehehe" sabay pacute sakanya

"Ok naman balak ko na syang sagutin" awts naman parang nasaktan naman ako dun

"Ganun mo na sya kagusto?" Tumingin sya sakin ng deretso tila nag-iisip kung sasagutin nya tanong ko

"Hindi ko naman sya sasagutin kung hindi ko sya gusto" may mali sa sagot nya di ba dapat mahal mo kaya mo sasagutin?

Mukhang wala na akong pag-asa pero ok lang yon kung magka-jowa sya habang lalandiin ko sya dahil may gf din naman ako so quits lang hahaha

Nagfocus nalang ako sa daan hindi na rin kami nag-usap

Pagkapark ko sabay kaming bumaba kukunin nya na dapat ang gamit nya kaso inunahan ko sya

"Ako na magdadala" sabay ngiti sakanya

Wala na syang nagawa kundi maunang pumasok sa building

Shiiiiit pabibo ka kasi wong hindi mo naman pala kaya

Halos hindi ako makalakad sa sobrang bigat ng mga gamit nya

Ano ba laman nito sampung kilong bakal? Letse

Nagulat ako nang medjo gumaan na dala na ni jema nagpapabigat kahit hindi ko alam kung ano yon

Pero shaksssss naman ang lakas nya

"Mag exercise din kasi minsan" natulala nalang ako sa pagngiti nya sakin

"Kung ikaw ba magiging gym buddy ko talagang gaganahan ako mag exercise araw-araw" habol ko sakanya

"Hahaha ayan na naman po sya" nakangiti syang umiiling sakin

Piling ko talaga natutunaw ako sa bawat ngiti nya sakin

Ano to? Hindi naman ako ganto sa ibang babae lalo na kay mitch basta alam ko lang mahal ko sya pero wala akong weird na feelings na nararamdaman sakanya

Siguro kasi naooverwhelmed lang ako dahil yong ultimate crush at idol ko nasa harap ko na at nakaka-usap ko pa

Tama yon lang yon

Dati nakikipag-siksikan pa ako sa mga tao para makapag-picture lang sakanya tapos ngayon kasama ko na sya

Hindi lang siguro ako makapaniwalang ganto ko lang sya kadali makakagaanan ng loob

"Uyy tulala ka na dyan, wag mo ko masyadong isipin baka mabaliw ka na hahaha" sabay peace sign nya

Wow palaban na po si mareng jema nyo

"Ok lang mabaliw ako basta kakaisip lang sayo, magpapaconfined naman ako sa puso mo yiiiiiieeeee(dub)" nakurot nya ko hahaha

Nagclick yong elevator sabay kaming lumabas kaya nagitgitan kaming dalawa sabay naipit kami ng elevator nung muli itong magsasara dapat

Nakatingin lang kami parehas sa mata ng bawat isa

Lumunok ako nung dumako ang tingin ko sa labi nya

Ramdam ko rin ang balat nya sa balat ko parang akong nilalagnat kasi ang init ng pakiramdam ko

Napansin ko rin namula ang pisngi nya

Unti-unti kong binababa ang mukha ko sakanya ngumiti ako nung pumikit sya

Hinaplos ko ang mga braso nya umintad sya

Pinatok ko ang noo ko sa noo nya at kinis-kis ko ang ilong ko sa ilong nya

Ewan ko ba para bang gusto kong namnamin yong moment na to bago ko sya halikan

Kumuyom naman mga palad nya sa short nya ramdam ko yon dahil nasa pagitan ng mga hita namin ang mga kamay nya

Nangilibot ako nung maamoy ko ang mabangong hininga nya sa bawat paghinga nya nakapikit parin sya

Damn hindi ko na kaya ito

Pimikit narin ako at nilalapit ang labi ko

"Ehemmmmm" sabay kaming bumitaw sa isa't isa nung may umubo

I swear gusto ko na talaga katayin tong ultimate crush mo tots

Chasing The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon