Naset na namin ang tent ,ako naman nakatuka gumawa ng apoy habang naghahanap naman ng pang-gatong yong tatlong kumagNagpulot nalang muna ako ng kahoy sa paligid para yon muna ang gagawing bonfire habang naghahanap pa sila ng mas maraming kahoy
Panlaban sa lamig ngayong gabi
Sila jema naman eh nag-aayos na sa loob ng tent nila
Tatlo lang yong tent na nagawa namin
Magkakasama silang tatlo tapos kami ni tots sa isa kay jus at kaye naman yong natira
Nakapalibot na kami ngayon sa bonfire kumakanta naman si kaye kasabay ng pagtugtog ng gitara
"Si jema naman kakanta" sabi ni kyla na siniko pa si jema
"Uyyy ayoko nga, ang ganda ng boses ni kaye nakakahiya, parang boses lalaki pa sya, kapag pinikit mo mata mo, hindi mo aakalain na babae pala yong kumakanta" puri nya kay kaye
"Hahaha marami ngang nagsasabi sakin na boses lalaki nga ako, at syempre sobrang advantage nun sakin, kaya wag kang maiinlove ah? May magagalit sakin hahaha" sabi ni kaye kay jema tapos sabay tingin sakin
Binato ko sya ng sanga ng puno tumawa lang sya
"Alam nyo magkakaibigan talaga kayo no? Pare-parehas kayong mahahangin" sabi naman ni kyla
"Woohhhhhh" sabay-sabay pa kaming tatlo na tila nagpadala sa hangin hahaha si tots lang yong hindi nag-join
Natawa naman sila jema sa ginawa namin
"Si tots lang talaga matino sa mga yan eh" singit ni ced
"Yiiiiiieeeeeeeh" sabi namang lahat siniko ko pa si tots
Namula si loko hahaha
"Uyyyy ang malisosyo nyo" depensa ni ced
"Wala naman kaming sinasabi eh, pero mabaet talaga si tots loyal pa" hinimas ko pa buhok nya
"Hindi mo....."
"Oo hindi ko katulad!!!" Putol ko sa mga sasabihin pa nila magsasabay-sabay pa eh
"Pero handa naman ako magpakaloyal sa taong magbibigay ng dahilan sakin para makuntento ako sakanya" sabay tingin kay jema
"Ibig sabihin ba kapag walang dahilan hindi ka na magiging loyal? At may karapatan ka ng manloko?" Sabi ni jema na nakatingin sakin ng deretso
Lumunok ako, nakatingin din silang lahat sakin habang yong mga kumag gusto ng tumawa
Pagsasapakin ko kaya mga to?
"Hahaha hindi na nakapag-salita si playgirl naputol na ba dila mo?" Asar sakin ni kyla
Huminga muna ako bago nagsalita
"Sa totoo lang marami talagang dahilan para magawa mo yong mga bagay na hindi mo dapat ginagawa lalo na kung mali, una hindi ka secure sa pagmamahal ng partner mo, yong tipong pang-palipas oras ka lang nya and kapag nagsawa na sayo ipagpapalit ka na sa iba" naubo naman si justine
"Pangalawa hindi ikaw yong priority nya mas marami syang gusto gawin at iisang tabi ka nya, kasama mo na sya pero hindi mo na sya maramdama..."
"Bakit hindi mo nalang tapusin? Kung marami ka palang isyu sa relasyon nyo? Bakit kailangan mo sya gantihan ng panloloko?" Putol sakin ni jema
Lumunok na naman ako bakit ba lagi nya ko nasusupla?
"Booooom" sabi ng mga kumags
Tinignan ko sila ng masama
"Madami kayong dahilang sinasabi para pagtakpan ang panloloko nyo, Cheating is a choice, pinili mo manloko dahil hindi ka na masaya sa karelasyon mo di ba? Kaya dapat hiniwalayan mo nalang kesa sa nakasakit ka pa" sabi ulit ni jema
Tumingala kami sakanya dahil tumayo na sya
"Una na ako sa tent, matutulog na ako" paalam nya at pumasok na sa tent nila
Yumuko agad ako alam ko nakatingin silang lahat sakin
Naramdaman kong inakbayan ako ni tots bilang simpatya
Natalo ako ni jema natalo ng katotohanang kailan man hindi nya ko magugustuhan dahil lang sa mga pagkakamali ko at patuloy parin ako sa pagkakamali ko ngayon
"Give up na ba?" Bulong ni tots sakin umiling ako
Ngayon pa ba ako susuko? Masyado ng tinapakan ni jema ang pride ko hindi ako papayag sa ganto lang to matatapos
Wala na ako paki-alam kung sino pa masaktan samin dalawa, sa bandang huli
----------------------------
After camping balik na naman kami sa trabaho at balik na naman ako sa pangungulit kay jema pero tulad dati sinusungitan nya lang ako
May event naman ang virtual playground ngayon para sa post-birthday ni jema
Naalala ko si charlie regalo ko sakanya nung birthday nya, pagkatapos sya iwan ni emnas
Nagalit pa sakin si paps nung nalaman nyang pinamigay ko si charlie mahal na mahal nya kasi yon
Anak kasi si charlie nang unang aso namin tapos sya nalang yong ala-ala kaya nadismaya talaga sila sakin nun sinabi kong niregalo ko sya kay jema
Wala kasi akong maisip na ireregalo, kaya naman nyang bilin lahat ng pwedeng material na bagay na mabibigay ko sakanya
Kaya si charlie nalang binigay ko kahit mahal na mahal pa namin sya
Kasi alam kong kayang alisin ni charlie yong lahat ng sakit at lungkot ni jema nung mga panahon na yon
Kasi ganun ginagawa ni charlie samin eh sya nagbubura ng sakit ng nararamdaman namin lalo na kapag down ako sya agad tinatakbuhan ko
Mag-open up lang ako sakanya nakikinig lang sya sabay pinupunasan ang luha ko sa pamamagitan ng pagdila nya sa mukha ko
Kaya sya talaga pinaka the best na gift para kay jema
Iniwan ko sya labas ng dating apartment ni jema may note pa nga yon eh hahaha
Hi mama
I'm charlie please take care of me and always remember my dada loves you
Tawang tawa ako habang sinusulat ko yon sobrang corny ko nun
Sobrang crush ko lang talaga si jema nung mga panahon na yon
Pumunta muna ako ng cr para magbawas hahaha baka magkalat ako sa event
"Sure ka na ba jan brad? Ngayon mo na tatanungin si jema?" Rinig ko sabi nung babaeng kakapasok palang ng cr
"Oo naman wala ng urungan to nakaset na ang lahat" boses ni panaga
"Handa ka na ba mabasted?" Sabi nung kausap nya habang tumatawa
"Hindi ako babastirin nun alam nya ako nag-bigay ng aso sakanya! Narinig ko sya na kung lesbian, bi o lalaki yong nagbigay ng asong nagligtas sa kalungkutan nya, sasagutin nya agad kaya ayon sabi ko, ako nagbigay ng aso kaya malaki pag-asa ko" kumuyom ang mga palad ko sa narinig ko
Gagamitin pa nya yong aso ko para lang sagutin sya ni jema?
Pangloloko yong gagawin nya kailangan kong balaan si jema
Hindi nya dapat sagutin si panaga dahil sa panloloko nito sakanya
BINABASA MO ANG
Chasing The Stars
Fanfictionmahirap man abutin ang isang bituin ngunit susubukan ko parin