Tila may butil ng tubig ang namumuo sa noo ko
Hindi ako makapag-salita habang si jema naka-cross arms sa harap ko
Tila hinihintay ang susunod kong sasabihin
"Hello honey hahaha" putang ina gusto ko ibato yong phone ko
Pero kumalma kalooban ko pagkarinig ko sa boses na yon
"Ano deanna? Natuod ka na jan? Sinong nhie yan!!!!!?" Pumitlag ako sa boses ni jema
"Si tots tinatawag ko talaga syang nhie" sabi ko sabay pakita ng phone ko sakanya
Tinaasan nya lang ako ng kilay
Niloud-speaker ko naman yong phone para marinig nya si tots
"Hello jema? Sorry sa istorbo kakausapin ko lang si hon ah?"
"Ang sweet nyo naman mag-bestfriend" sabi ni jema sa tonong tila hindi kumbinsido
"Ganun talaga hahaha" sabi lang ni tots
Inoff ko na yong speaker at tinapat na ulit sa tenga ko
"Ang aga mo naman tumawag muntik na ko mabuko" bulong ko nasa harap ko parin kasi si jema
"Hahaha langya malamang nag-alala kami sayo! Gago lasing na lasing ka kagabi, malay ba namin kung anong nangyari sayo" mukhang lasing nga talaga ako kasi hindi ko na alala nandito pala ako kela jema
Speaking of jema, palabas na sya ng kwarto
Tinuro muna nito yong damit na gagamitin ko bago lumabas
"Lasing nga ako bro! Wala akong maalala"
"So hindi ka naka-iskor?" Tanong nya, tinignan ko sa sarili ko wala akong suot sa baba
Tyak may nangyari pero hindi ko lang maalala
Natigilan ako tila hindi makapag-salita
Dati naman proud pa akong sabihin sakanila na umiskor ako kahit pa kay mitch pero ngayon gusto ko na itago
"Sira! Ewan hindi ko rin alam" pero napangiti na ako nung unti-unti ko nang maalala yong nangyari kagabi
"Sus! Nagsisikreto ka na! Sige na baba ko na to, sasabihin ko narin kela tita na safe ka si jema lang hindi hahaha"
"Gago hahaha" sabi ko sabay patay ng tawag
Kinuha ko yong damit na pinahiram ni jema at tumungo ng banyo
After sa cr hinanap ko naman si jema, natagpuan ko sya sa kusina nakaupo sa hapag kainan may pinapanood sa cellphone nito
"Good morning sunshine" bati ko sakanya sabay kiss sa pisngi nito
"Ano pinapanood mo" tanong ko
"Korean drama" natawa ako ang aga-aga naman maadik sa kdrama ng baby ko
Nilapit ko mukha ko sakanya para silipin yong pinapanood nya
Mukhang kabet serye ito, nilayo ko ulit mukha ko kay jema
Tinignan ko sya mukhang apektadong apektado sya
Nanggigil pa mukha eh
"Naku nakaka-inis talaga mga kabet na yan!!!!" Napalunok ako, paano pa kaya kung malaman nyang ginawa ko syang kabet
"Relax lang love" umupo ako sa tabi nya
Hindi sya sumagot nakatuon lang atensyon nito sa pinanonood
"Ano bang nakukuha nyo kapag naghahanap kayo ng iba kahit may jowa o asawa na kayo?" Napalunok na naman ako sa tanong nya
"Bakit naman nadamay ako jan?" Tangi ko lang sagot sakanya
BINABASA MO ANG
Chasing The Stars
Fanfictionmahirap man abutin ang isang bituin ngunit susubukan ko parin