Chapter 24

3.5K 140 94
                                    

2 weeks nang nakakalipas pero hindi na ulit kami nagkita ni jema

Umuwi kasi sya sa laguna para sa Christmas at New Year

Kami naman sa bulacan umuwi para makasama pamilya ni paps

Pero nagtetext at nag-chachat parin kami na parang walang nangyari

Siguro nadissapoint lang talaga sya sakin kaya nya nasabi yon

"Malalim iniisip mo anak ah?" Tinap ni papi ang balikat ko

"Nalunod ka ba paps? Hahaha" sabi ko

Umupo naman si papi sa tabi ko

"Ano bang gumugulo sayo? Baka makatulong ako?"

Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita

"Nahihirapan ako sa isang babae ngayon paps" naihit naman ng tawa si papi

"Bago ata yan ah? Si Jema Galanza ba?" Tinignan ko sya na tila nagtatanong

"Marami kaming source anak hahaha"

"Ang pakipot paps eh! Alam mo yon? Feeling ko isang pagkakamali ko lang mababasted ako"

"Natetest ba ang patient mo? Ano ba tingin mo kay jema laruan o pang seryosohan?"

Napa-isip ako sa tanong nya ano nga ba si jema para sakin?

"Gusto ko sya paps, alam mo yon? Sumagi sa isip ko na hiwalay si mitch para sakanya pero....."

"Hindi ka pa sigurado kung matatanggap ka nya ng buo kung sakaling malalaman nya na niloloko mo sya? Kaya mag-stay ka nalang kay mitch habang hindi ka sure kung hindi ka rin ba iiwan ni jema kapag nalaman nyang pinag-sasabay mo sila" tumango ako kay paps

"Anak mabait si mitch, natanggap nga nya na iniwan mo sya dahil hindi ka na naging masaya sakanya noon. Alam ko matatanggap din nya ngayon na nagmamahal ka na ng iba, kaya kausapin mo sya"

"Hindi naman si mitch ang problema paps"

"Alam ko! Pero dapat kay mitch mo unang umpisahan bago kay jema, ayusin mo muna yong sainyo ni mitch tapos maging honest ka kay jema sabihin mo lah....."

"Lalo nya kong hindi sasagutin paps, lalong magagalit sakin si jema kung sasabihin ko yon" putol ko sakanya

"Malamang magagalit sya syempre sino ba matutuwa na gusto kang gawing laruan ng taong gusto mo? Anak alam ko hindi infatuation yan nararamdaman mo kay jema. Hindi ka maaapektuhan ng ganyan kung wala lang sya sayo, kaya kung gusto mo talaga sya be honest sakanya. Kung magalit man sya patunayan mo na nagbabago ka na para sakanya, at yong pagiging honest mo ang first step para patunayan yon sakanya"

Umiling ako

"Mahal ko si mitch, hindi na siguro kasing mahal tulad nung high school kami pero mahal ko parin sya at natatakot akong masaktan ko sya"

"Hindi ka takot saktan si mitch anak lagi mo nga syang sinasaktan eh" kumuyom ang mga palad ko

"Natatakot kang mag-isa, natatakot kang iwan si mitch dahil sya lang yong tumatanggap sayo sa kabila ng lahat ng kalokohan mo. Alam mo bang hindi na pagmamahal ang tawag jan? Complacement or nakasanayan nalang, yong tipong sanay ka nang nandyan sya para sayo at sanay narin syang nandyan ka para sakanya"

Hinagod ni papi ang likod ko

"Palayain nyo na ang isa't isa anak, para maging masaya narin kayo. Wag kang matakot mag-mahal ng iba, kung hindi ka matanggap ni jema may mga taong dadarating pa sayo para mahalin ka kung sino ka talaga, pero kailangan mo muna ayusin ang sarili mo para mahalin ka rin ng babaeng dadating sayo ng buo, yong babae magpaparamdam sayo ng lahat ng hinahanap mo at bubuo sayo"

"Si jema na paps yong babaeng nakikita kong bubuo sakin pero natatakot ako, natatakot ako na iiwan nya rin ako kung seseryosohin ko sya. Natatakot ako na kutalad lang pala sya ni papa na minahal ko ng sobra pero iiwan din pala ako"

"Anak......."

"Hindi ko maamin sa sarili ko!!!!! Paps!!! Lagi kong iniiwasan yong pakiramdam na nahuhulog ako sakanya, alam mo yon? Yong mga weird na pakiramdam ko na kahit kelan hindi ko naramdaman sa ibang babae lalo na kay mitch. Iniiwasan kong isipin na mahal ko na si jema, na hindi nalang lust nararamdaman ko sakanya. Paps mahal ko na si jema pero sobrang natatakot ako dahil lahat ng multo ng nakaraan ko binabagabag na ako ngayon!!!!!" Medjo naluluha na ako

"Natatakot ako malaman ni jema lahat paps, natatakot akong iwan nya ko kapag sinabi ko sakanya lahat. Hindi pa nya ko sinasagot pero yong isipin na babasterin nya ko dahil sa mga kalokohan ko? Hindi ko kaya paps" humagulgol na ko

"Natatakot akong bumalik sakin lahat, natatakot ako paps. Ayoko syang seryosohin kasi ngayon palang nakikita ko na sya na yong karma ko, na sya na yong magpapahirap sakin. Ayoko iwan si mitch kasi alam ko sya magcocomfort sakin kapag nangyari yong bagay na lahat ng kinakatakutan ko"

Bumuntong hininga si papi bago nag-salita

"Ibigay mo ang lahat anak! Walang nagmamahal na hindi na nasasaktan, kasi yon yong lesson. Yun yong magtuturo sayo na masarap magmahal kahit pa nadurog ka, hindi ka magiging masaya ng lubos kung pinipigilan mo ang sarili mo. Hindi mo rin mabibigay yong saya na hinahanap ng mahal mo kung pipigilan mo ang sarili mo

Sa pagmamahal anak walang exchange gift, hindi required na kapag nagmahal ka mamahalin ka rin, hindi dahilan yong nasaktan ka kaya mananakit ka rin. Mas masarap sa pakiramdam yong nagmamahal ka ng walang hinihintay na kapalit kasi masaya kang nakikitang masaya yong taong sobra mong mahal" sabi ni paps na tumingin kay mama

"Alam mo naman siguro na hindi ako mahal ng mama mo, bago nya ko minahal di ba? Pero pinaramdam ko sakanya na tanggap ko sya kahit ano pa pagkakamali nya sa buhay, pinaramdam ko sakanya na mahal ko sya sa pamamagitan ng pagmamahal ko sayo. Ano bang resulta? Magkasama kami ngayon, at sa dadati pang mga panahon

Hindi ko naman hiningi na mahalin ako ng mama mo lalo na ikaw, kasi nag-mamahal lang ako para maging masaya kayong dalawa kasi kayo yong kasayahan ko. Kaya napapasaya nrin ako nun, pero binalik nyo yong pag-mamahal na yon na hindi ko hinihingi. Kaya iyon yong reward ko sa pagmamahal ko ng sobra sainyo anak. Hindi tayo perpekto pero kapag naramdaman ng taong mahal natin na seryoso at sincere tayo ibabalik nila iyon kahit hindi natin hingin, kaya wag kang matakot magmahal muli anak, alam ko matatanggap ka rin ni jema. Kundiman marami jan iba basta ayusin mo muna sarili mo" tinap ni papi ang ulo ko

"Bagong taon nagdadrama ang mag-ama ko" pinunasan ko luha ko bago hinarap si mama

Niyakap nya kaming dalawa ni papi

Ang swerte ko sa parents ko, sana makahanap din ako ng tulad nila

Sana matanggap din ako ni jema kahit pa sa kabila ng kalokohan ko

Mahal ko sya, tinatanggap ko na sa sarili ko na mahal ko sya

Kaya gagawin ko ang lahat para maging buo na ang tiwala nya sakin

Chasing The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon