Tila nawala ata ang lasing ni jema, napalitan ng pag-aalala ang kaninang namumulang mukha nitoNilalagyan nya na ngayon ang ng first aid ang sugat na gawa ni milo
Tapos ang walanghiyang aso nasa hita ko na ngayon at nilalambing ako tila walang nangyari
"May bukas pa kayang animal bite ngayon?" Sabi ni jema habang dinadampian ang sugat ko ng betadine
Ngumiwi ako sa naramdaman kong hapdi
"Dahan dahan lang jema" reklamo ko
"Sorry!" Sabay hipan sa braso ko
"Mag pa-inject na tayo! Halika na!" Akmang tatayo na sya nang pigilan ko kamay nya
"Kalma lang hahaha malayo sa bituka to, saka may vaccine si milo kaya wala yan rabies"
"Kahit na!!!! Baka mainfection yan! Kailangan mo parin magpa-inject" giit nya
"Ayawwwww" tinaasan nya ko ng kilay
"Takot ako sa karayom huhuhu" kunwaring naiiyak pa ko
"Kesa naman lumala yan? Gusto mo mamatay sa tetano?" Sabi nya
"Bukas nalang promise magpapa-inject ako, sa ngayon magpahinga ka muna"
Tinuloy nalang nya ang paglilinis sa sugat ko
Hinawakan ko ang pisngi nya kitang kita ko ang pag-aalala nya sakin
Inagaw naman ni milo ang kamay ko sa pisngi ni jema at tumahol ito
"Maaasahan talaga to si milo, mukhang wala makakaisa sayo hahaha"
Namula ang pisngi nito tila naalala ang nangyari kanina
Napadiin din ang pagdampi nito sa sugat ko
"Arayyyyyy!!!! Dahan dahan naman" reklamo ko ulit
"Sorry! Sorry!" Hihipan nya muli ang braso ko agad ko naman sinalubong ng labi ko ang labi nya
Napangiti ako lalo naman syang namula hahaha
"Kainis" sabi nya sabay kurot sa tagiliran ko
"I love you jema, thank you sa pag-aalaga sakin" tumango lang ito
Mukhang nagpipigil ka pa ah? Sa susunod mag-reresponse ka rin sa I love you ko
Niligpit nya ang first aid at tumayo sya para ilagay sa lagayan nito at tumungo ng kusina
"Ikaw milo ah? Bakit mo naman sinaktan si dada? Makakaisa na sana ako eh" sabi ko kay milo nung kami nalang nasa sala
Tumahol lang naman ito
"Hindi na kita iuuwi, hindi mo na makikita sila paps parusa ko yan sayo" tila naintindihan naman nya dahil pumuypoy ang buntot nito
Hahaha bahala ka, mas kampi ka pala sa mama mo kesa sakin
Letse kang aso ka
Nagvibrate ang phone ko shit nakalimutan ko na si mitch
Binaba ko si milo at tumayo nilabas ko sa bulsa ang phone ko
"Aalis ka na ba?" Nilingon ko si jema
Pasimple ko ulit pinatay ang phone ko
"Ah eh! Tumatawag na si mama pinapauwi na ako" sabi ko
"Sigurado ka bang mama mo yon? Baka naman may iba ka pang pupuntahan?" Sabi nya sabay taas ng kilay sakin
"Si mama talaga yon! Wala na akong ibang pupuntahan!" Medjo tumaas boses ko
"Relax wong, sige umuwi ka na" tumalikod sya
Agad ko naman syang niyakap sa likod
"Wala talaga akong ibang pupuntahan jema, nagbago na ko ikaw nalang yong babae ko! Please paniwalaan mo naman ako, wag ka na magselos please?"
"Kapal mo hindi ako nagseselos no?" Tinanggal nya pagkakayakap ko sakanya
"Sus hindi daw hahaha" sinamaan nya ko ng tingin
Nilapitan ko sya at hinawakan ang magkabilang pisngi nya
"Jema, alam mo naman ginagawa ko na lahat para patunayan ang sarili ko sayo eh! Lagi tayong magkasama, kundi kita kasama nandyan si ced na lagi kasama ni tots di ba? Kahit isang beses wala kayong nakitang babae kasama ko bukod sayo. Kaya please naman paniwala mo naman ako na nagbago na ako para sayo"
"Sus baka magaling ka lang talaga magtago" bumuntong hininga nalang ako
"Matatanggap ko naman kung hindi mo ako kayang pagkatiwalaan, pero maniwala ka sakin jema. Mahal kita, sobra" hinawakan nya magkabilang kamay kong nasa pisngi nya
"I love you too deans" bulong nya pero narinig ko naman
Agad akong ngumiti
"Anong sabi mo?" Umiling sya
"Wala akong sinasabi ah?" Maang-maangan nya
"Sabi mo I love you too deans, rinig na rinig ko yon" bumitaw sya sakin at medjo lumayo
"Alam mo lasing ka lang kung ano-ano na naririnig mo"
"Ikaw yong lasing hindi ako" sabi ko
"Tama lasing ako kaya kung ano-ano na lumalabas sa bibig ko hahaha" napakamot ako sa sagot nya
Nakakainis naman babaeng to sinabi na eh binawi pa
"Handa ako mag-hintay jema, siguro hindi pa sa ngayon. Pero sasabihin mo rin na mahal mo ako at hindi na ako papayag na itatanggi mo pa yon" nilapitan ko muli sya
Hinawakan ko magkabilang nyang kamay
"I love you" kiniss ko ang kanang kamay nya
"Natatakot ako deans"
"Saan ka naman natatakot?"
"Natatakot akong masaktan mo! Natatakot akong pagbigyan tong nararamdaman ko sayo tapos sa bandang huli sasaktan mo lang ako"
"Jema, magtiwala ka kasi sakin. Mahal kita, at pangako hindi kita sasaktan" tinaas ko pa ang kanang kamay ko
Yumuko naman ito, inangat kong muli ang mukha nya sakin
Kitang kita ko sa mata nito ang pagkalito, naguguluhan talaga sya
"Alam ko masyado akong mabilis, pero sayo jema handa ako maghintay. Hindi ako magmamadali hihintayin kita, kaya relax ka lang hehehe"
"Paano kung 10 years pa ako maging ready? Makakapag-hintay ka pa kaya?" Kumunot noo ko
"Grabe naman sa tagal ang pagpapakipot mo? Alam ko jema gusto mo rin ako! Kitang kita ko naman eh! Tapos ganun mo ko katagal pag-hihintayin? Sobra naman ata yon"
Hinaltak nya ang mga kamay nya na hawak ko
"Sobrang taas ng confidence mo sa sarili no? So hindi ka pala seryoso kasi hindi mo kayang maghintay" sabi nya sabay irap sakin
Mukhang bumagsak ako sa patibong nya ah?
Napahimas ako sa noo ko, naisahan ata ako
"Kaya kitang hintayin pero wag naman ganun katagal" natawa sya
"Alam mo funny ka talaga no?"
"Huh?"
"Funny'walain hahaha! Pero dahil sa sagot mong yan, napatunayan kong hindi ka pa talaga seryoso sakin" sabi nya sabay lakad palayo sakin
"Paki lock nalang yong pinto pag-kaalis mo"
"Wait lang jema!!!" Pigil ko sakanya bago sya pumasok sa kwarto nito
"Basted na ba ako?" Natawa sya sa tanong ko
"Magtanong ka muna"
"Eh tinatanong ko na nga di ba?"
"Gusto ko yong romantic bago ko sagutin yang tanong mo" sabi nya bago isara ang pinto ng kwarto nya
Ano daw? Kailangan ko pa mag-effort bago nya ko basterin?
BINABASA MO ANG
Chasing The Stars
Fanfictionmahirap man abutin ang isang bituin ngunit susubukan ko parin