"Woaaaah happy new year team kumags!!! Success ang pang-uuto ni deans kay jema!!!" Sigaw ni justine kasabay ng pagbukas nya ng Champagne
Nandito kami ngayon sa condo nya 2 days nang nakakalipas simula ng mapasagot ko si jema
"Gago!!!!" Binato ko sya ng takip ng wine
"Bilib na talaga ako dito sa tropa natin" palatak ulit ni justine sabay salin ng alak sa mga baso namin
"So anong plano mo?" Sabi ni tots
"Hahanap ng tyempo para makipag-break kay mitch" sabay shot ng hawak kong alak
"Paano naman kay jema? Ngayon kayo na mas lalo kang naiimpit ngayon bro! Kahit pa makipagbreak ka kay mitch ngayon hindi mo parin maaalis ang katotoohanang ginawa mong kabet si jema. Tingin mo anong magiging reaksyon nya?" Sabi naman ni kaye
"Bahala na!!!! Ang kailangan ko lang gawin ngayon itago ang lahat kay jema! Pero kung kailangan sabihin, eh di sabihin" natawa naman sila
"Sabagay si deanna wong ka nga pala, magaling lumusot" sabi ulit ni kaye
"Basta bro! Wag mo talaga kami sisihin kapag nawala sila parehas sayo! Sikat si jema, hindi imposibleng makarating agad to kay mitch" sabi ni tots
"Ang masama dyan kung si mitch pa mismo magsabi kay jema" sabi naman ni justine
"Langya kayo ang nenega nyo" sabi ko sabay tayo
"Oh saan ka pupunta?" Sabi nila, palabas na kasi ako ng pinto
"Sa baby ko!!!!" Sigaw ko bago isara ang pinto
"Sana all may baby!!!! Hahaha" rinig ko pang sigaw ng kumags
Medjo may tama na ata ako umiikot paningin ko eh
Halo-halo ba naman pinainom samin ni justine eh
Teguila, brandy sabay vodka at gin tapos sinundutan ng beer at wine at huli na nga sana yong champagne
Pagewang-gewang akong lumabas ng building ng condo ni justine
Pumara ako ng taxi, pagpasok ko sinabi ko agad address ni jema
Hindi na kasi ako makakapasok sa bahay kasi tulog na sila paps
Usually nung ng chichix pa ako sa hotel na ako matutulog kasama iba't ibang babae
Kaso simula nung nainvolved ako kay jema nawala na ang babae sa systema ko tanging sya nalang babaeng nilalapitan ko
4 months na pala akong tigang hahaha natagalan ko yon? Congrats sakin
Pagbaba ko ng taxi, pagdating ko sa entrance ng condo hinarang ako
Kailangan daw muna ng approval ng may ari ng unit bago ako makapasok
Agad ko naman dinial number ni jema pero ayaw sagutin tulog na siguro
"Sorry po ma'am! Ayaw din po sagutin ni ma'am jema" sabi nung front desk
Dinial ko ulit number ni jema
Lumaki mata ko nung sinagot nya na pagkatapos ng tatlong ring
"Hello" sagot nya medjo paos pa mukhang nagising ko sya
"Baby!!!!" Parang bata kong sagot
"Ano? Deans madaling araw na! Ano ba yon?"
"Nandito ako sa condo mo! Ayaw ako papasukin eh"
"Huh? Lasing ka ba?"
"Oo baby! Nag-inuman kami nila jus eh! Wala akong matutulugan! Hindi ako pwede umuwi ng lasing magagalit si mama" sabi ko gamit ang malambing na boses
BINABASA MO ANG
Chasing The Stars
Fanfictionmahirap man abutin ang isang bituin ngunit susubukan ko parin