Chapter 9

3.3K 121 51
                                    


"Wala naman" baliwala kong sagot sa tanong ni kyla

"Please lang deanna wong kakagaling lang ni jema sa toxic na relasyon kaya tigilan mo sya kung balak mo lang sya isama sa mga collection mo! ngayon palang tigilan mo na kung ano man yang binabalak mo! Marupok yan si jema sa mga taong gusto nya kaya ako na makiki-usap sayo na ikaw na ang dumistansya sakanya" wait ano daw? gusto daw ako ni jema?

"Kahit hindi nya sabihin sakin, I think gusto ka nya, nakita ko kayo nung gabi na yon" tumingin na ako ng deretso sakanya

"Hindi ko to sinasabi sayo para lumakas ang confidence mo para ituloy ang balak mo sakanya, sinasabi ko to sayo para layuan mo sya dahil ayaw na naming makita masaktan si jema dahil sa mga katulad mo" pabalya nya akong nilagpasan

Ngumiti ako

Sabi ko na gusto ako ni jema eh kaya nya ako hinalikan

Thanks and sorry kyla pero itutuloy ko parin ang plano ko

Hindi na ako mapakali eh lalo na ilang araw nang laman ng pantasya ko si jema

Hindi narin ako makascore sa iba dahil bigla nalang nagfaflash ang mukha nya kapag may hinalikan akong ibang babae

Nababaliw na ako kaya ang tanging sulusyon ko rito ay makuha ko sya sa kahit anong paraan

So hindi naman na pala ako mahihirapan dahil gusto rin naman pala nya ako

Yesssssss hahaha evil smile

Umupo muna ako sa lapag at nilabas lahat ng gamit ko mga memory na gagamitin para sa DSLR ko

Cheneck ko kung kumpleto ito kasi baka mapuno yong iba mawalan ako ng reserba

Parang babae lang yan kapag puno na sayo at hindi ka na kaya, iwan mo na at lumipat na sa reserba hahaha joke lang

Buti nalang talaga first game lang ang project ko ngayon at makakapag-pahinga agad

Nag-start ang warm up at pumwesto narin ako para kuhanan si pangs, ced at jema

Natatawa ako kay ced kasi nagpopose sya kahit sabi ko stolen lang dapat

Kulit talaga nitong mahal ni tots eh pero nakakapanibago din si jema

Dati sumasabay yan sa kakulitan ni ced sumasayaw pa nga yan eh

Natulala ako nung lumipad sya sabay palo ng bola

Wow literal akong napanganga

Tumayo naman ako ng deretso nang dumako ang tingin nya sakin nginitian ko sya pero dedma lang ako sakanya

Sungit naman ng future baby ko hahaha

Napansin ko naman masama tingin sakin ni pangs

Hahaha nakuhanan ko pa ang nakabusangot nyang mukha

Nginisihan ko sya hindi ako takot kung volleyball player sya

Pantay lang kami pagdating sa diskarte baka nga lamang pa ako eh

Kung may ilalamang man sya siguro material na bagay pero kung effort talo ko yan

Ilan na ba ang niligawan kong pakipot na babae? kaya sisiw lang yang si jema

Natapos agad ang game, 3 set lang at panalo ang creamline

Nakasalampak muli ako sa lapag ng dugout para icheck ang mga kuha ko

Agad ko naman ipinasok lahat sa bag ko ang gamit ko nung napansin kong lumabas na si jema ng locker nila

Mag isa lang sya at mukhang sa parking ang tungo nya

Chasing The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon