"Fuck you" sagot ko sakanya
"Sino ba yan hon?" Sabi ni mitch sa kabilang linya mukhang narinig din nya
"Wala! Yong walanghiya kong bestfriend lang" sagot ko
"Aminin mo kinabahan ka hahaha" pinanglakihan ko ng mata si tots
"Hi mitch" baling naman nito kay mitch
Niloud speaker ko yong phone para marinig ni tots ang sasabihin ni mitch
"Hello tots, musta? Ikaw na bahala sa bestfriend mo ah? Kapag nangbabae yan humanda kayo pareho sakin"
Sinenyasan ko si tots na sumagot habang kumakamot pa sya ng ulo
"Oo naman, loyal na yan si deans no? Alam mo naman tumino na yan nung nagkabalikan kayo" labas sa ilong na sagot ni tots hahaha
"Good" sagot ni mitch
Inoff ko na ulit ang loud speaker at nilapat ko na ulit sa tenga ko ang phone
"Sige na nhie sa bahay nalang tayo mag-usap magpapaalam na din ako, tutal nandito narin si tots" paalam ko sakanya
"Sige hon! Ingat sa pag-uwi ah? I love you ulit"
"I love you too" bulong ko baka hindi na nalang si tots ang makarinig hahaha
"Walangya ka, pinagsinungaling mo na naman ako kay mitch" asik sakin ni tots pagkababa ko ng call
"Bakit? Wala naman talaga akong babae ah? Hahaha" depensa ko
"So anong tawag mo kay jema?"
"Nangliligaw palang ako sakanya, di pa nya ko sinasagot kaya hindi ko pa sya babae"
"Lintik parehas lang yon, nangliligaw ka ng iba habang may girlfriend ka kasalanan parin yon" sabi nya akmang babatukan pa ko hahaha
"Alam mo naman mapapatawad ako nun ni mitch kaya wag ka nang mag-alala"
"Masyado mong inaabuso pag-mamahal sayo ni mitch"
"Last naman na si jema nangako naman na ko sainyo di ba?"
Bumuntong hininga si tots
"Kawawa naman si jema, sa nakikita ko sakanya sobrang gusto ka nya talaga"
"Wala naman nakakaligtas sa charm ko hahaha kahit gaano pa kapakipot yan. Tignan mo kapag si ced niligawan ko magkakagusto din yan sakin hahaha" sinamaan ako ng tingin ni tots
"Subukan mo!!!!!! Itatakwil na talaga kita" hahaha pikon hindi mabiro
"Joke lang uyyyy, masyado kang seryoso. Don't worry pasasayahin ko naman si jema eh hahaha" umiling lang si tots
"Sinabi mo pa sa puntod ni charlie na mahal mo sya tapos ganto din pala ang bagsak"
"Nakita ko kasi syang parating eh! Kaya sinabi ko yon hahaha" tinignan ako ng deretso ni tots
"Hindi ako makapaniwala sayo? Pati yong pagdadrama mo samin scripted yon?" Tinaasan ko sya ng balikat habang nakangiti
"Tangina deanna"
"Baka kasi hindi nyo ko tulungan, success naman di ba? Saka last na talaga to pangako. Totoo naman sinabi ko sainyo, totoo rin sinabi ko kay charlie. Gusto ko si jema alam nyo naman yan college palang tayo, gusto ko sya hindi bilang idol. Kaya gusto ko malaman kung infatuation lang to tulad ng sabi ko sainyo. Pero hindi ko parin pala kaya mawala sakin si mitch ang tagal na ng pinagsamahan namin, alam ko maiintindihan nya ko"
"Wala naman akong magagawa kundi suportahan ka, pero wag ko kami sisihin kung parehas silang mawala sayo" inakbayan ko si tots
"Ano bang ginagawa mo dito? Talent ka narin ba ng VP? di ba animator ka? Hahaha"
BINABASA MO ANG
Chasing The Stars
Fanfictionmahirap man abutin ang isang bituin ngunit susubukan ko parin