Agad kong hinanap si jema pero nalibot ko na ang buong lugar ng pagdadausan ng event hindi ko parin sya makita
Baka hindi pa sya dumadating pero dapat nandito na sya dahil mag-sstart na ang party
Nagsasalita narin ang mc sa gitna ng stage kaya wala na akong nagawa kundi gawin ang trabaho ko
Kinuhanan ko ng picture ang mga bisita sa event
Bakit kaya may gantong event? Tanging si jema lang yong talent ng virtual na ginawan nila ng ganto kabonggang party kaya nakakapagtaka talaga
Tapos napaka dami pang sport media sa iba't ibang website
Alam kong lalong sumikat si jema nung nag-MVP sya pero parang sobra naman ata to?
Kahit si alyssa valdez na mukha ng philippine volleyball hindi naman to naranasan
"Hoy wong dito ka pumwesto" sigaw sakin ng head photographer namin
Tumango lang ako at pumunta sa pwestong sinasabi nya
"Uso ngayon yong LGBT couple laging nagtetrend kaya kailangan mapasagot ni panaga si jema para sa publicity at dumami ang investment ng virtual playground" kumuyom ang palad ko sa narinig ko sa isang head ng kumpanya
So heto pala yon kailangan nila ng publicity? Kaya may gantong bonggang event?
At heto yong sinasabi ni panaga na set na? Kasi parang syang mag popropose ng kasal sa design ng venue
May mga sunflowers na naka tusok sa lupa na nakakurting heart sa buong paligid
Napapalibutan rin ito ng maraming candle light at nakasabit ang mga heart baloon
Nasa parang garden kami na sobrang lawak kaya madami rin bisita
Masyado na ata tong sobra para kay jema niloko na sya ni panaga dahil inangkin nya si charlie tapos gagamitin pa sya ng kumpanya
Hindi to pwede kailangan ko protekhan si jema sa mga kalokoham nila
Teka lang deanna di ba ganun din naman ang plano mo kay jema di ba?
Ewan basta kailangan ko makita at makausap si jema bago sya mahulog sa patibong na to
Dahil hindi na talaga sya makaka-hindi kahit pa hindi nya gusto si panaga ,oo parin tyak ang sagot nya dahil sa ambience ng lugar
Sure ka bang hindi nya gusto si panaga?
Oo dahil nakikita at nararamdaman ko napipilitan lang sya dahil akala nya galing sakanya si charlie
Assuming wong
Pasimple akong tumakas para hanapin si jema baka naman nandito na yon
Umikot ako kung saan ang pagpapasukan ni jema
Saktong paglabas ko, sya namang baba ni jema sa kotse, karga nya si charlie
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nakatingin lang sakanya
Wow napaka ganda ni jema sa yellow dress nya nakaheavy make up din sya
Natulala ako tila nakalimutan ko na pakay ko sakanya
Nagpumiglas si charlie at umiyak kaya nabitawan sya ni jema
Agad naman itong pumunta sakin at walang tigil sa pagpuypoy ng buntot nya
Kinarga ko naman sya agad
"Hello baby boy miss mo na talaga si dada no?" Hinalikan naman nya mukha ko
"Ano bang pinakain mo sa aso ko at gustong gusto ka nya" sabi ni jema sa mataray na tono
"Kasi sakin sya galing" ngumiti sya ng peke
"Wag ka ngang magpatawa jan" sabay hablot sakin kay charlie
"Jema sakin talaga sya galing, inangkin lang sya ni panaga dahil narinig ka nyang sasagutin mo yong nagbigay sayo kay charlie, narinig ko sya kanina sa banyo habang sinasabi yon" ningisihan naman ako ni jema
"So kaya mo rin sya inaangkin dahil sasagutin ko nga yong nag-bigay sakin sakanya?" Umiling ako
"Ganun ba kababa tingin mo sakin? Dahil lang sa aso itataya ko kaligayahan ko? Nakakatawa ka deanna" hinawakan ko braso nya
"Jema please wag kang pumasok jan, gagamitin ka lang nila para sa publicity, tatanungin ka na ni panaga ngayon tapos maraming media sa lo......"
"Pwede ba deanna tumigil ka na!!!!!!" Putol nya sakin
"Kung ano-ano pinag-sasabi mo, pati kumpanyang pinag-tatrabahuhan mo sinisiraan mo, saka ano naman mapapala nila samin ni panaga? Huh? Kung sakali ngang totoong publicity lang to! Hindi kami artista deanna para pagkaguluhan kaya tumigil ka na" hinatak nya braso nya sakin
Tinalikuran nya ko
"Pero sakin talaga galing si charlie, binigay ko sya sayo nung birthday mo pagkatapos kang iwan ni emnas, iniwan ko sya sa labas ng apartment mo dati, nakalagay sya sa basket na kulay dilaw" lumingon ulit sya sakin na tila naguguluhan
Bumuntong hininga sya bago nagsalita
"Please deanna tumigil ka na, hindi mo mababago ang isip ko sasagutin ko na si pangs hindi dahil kay charlie, dahil gusto ko sya kaya please lang tigilan mo na ako" wala na ko nagawa nung pumasok na sya
Tumulo bigla ang luha ko wala na ko pag-asa tapos na ang laban
Kitang kita ko kung gaano nasurprise si jema habang naglalakad papasok
Binaba nya si charlie agad naman syang tumakbo papalapit sakin
Alam na alam nya talaga na kailangan ko sya ngayon
Pinunasan ko ang luha ko at patakbong lumayo sa lugar
Naririnig kong hinahabol ako ni charlie tumatahol sya hindi ko sya pinansin
Kailangan ko nang makaalis dito at isalba ang pride ko
Napahinto naman ako nang marinig ko ang iyak ni charlie at isang rumaragasang sasakyan
Nilingon ko sya kitang kita ko kung paano sya nangingisay sa gitna ng kalsada
"Charlie!!!!!!!!" Sigaw ko kasabay ng pagtulo ng luha ko
Agad ako tumakbo papunta sakanya lumuhod ako para abutin sya
"Charlie please wake up, uuwi pa tayo di ba? Hinahanap ka na ni paps, miss na miss ka na nya charlie please gumising kana" kinalong ko ang duguan nyang katawan
Tinignan ko sya hindi na sya gumagalaw
"Please naman charlie oh? Nangako ka kay dada di ba? Tutulungan mo pa ako kay mama mo di ba? Para makauwi ka na di ba? Please charlie gising na baby" humahagulgol kong sabi
"Charlie!!!!!" Inangat ko ang mukha ko kay jema na tumatangis na rin
Lumuhod din sya pumantay sakin
"Baby wake up! nandito na si mama wag mo ko iwan please" niyakap nya si charlie na nakandong parin sakin
Nakatulala lang ako habang walang tigil ang pagtulo ng luha ko
Sorry charlie kasalanan ko to dapat hindi kita tinakbuhan gusto mo lang naman akong damayan
Yumuko at pinatong ko ang baba ko sa balikat ni jema na patuloy parin sa pagtangis
Sorry jema!
Sorry baby charlie!
Kasalanan kong lahat ng to
BINABASA MO ANG
Chasing The Stars
Hayran Kurgumahirap man abutin ang isang bituin ngunit susubukan ko parin