Nagising ako sa katok ng pinto para kasing gigibain eh
"Mama!!!! Natutulog pa" sigaw ko
"Tumayo ka na jan at may bisita ka" sigaw din nya
Pabalya akong tumayo nakakainis ang aga-aga may bwisita
Kapag sila tots lang makakatikim talaga to mga kumag na to sakin eh
"Sino ba yon? Ang aga-aga" sabi ko paglabas ko ng kwarto
Napako naman ang paa ko sa kinatatayuan ko nang makita ko ang babaeng naka-upo sa sofa namin
"Ano ginagawa mo dito?" Ngumuso naman sya
"Hindi mo kasi sinasagot mga tawag ko sayo kagabi pa" maktol nito
"Naku deanna maghilamos ka nga muna bago ka humarap jan sa bisita mo" singit naman ni mama
"Pasensya kana ah? Jema, iha balahura talaga yang anak ko eh. Hindi ko nga alam kung bakit ang daming nagkakagusto j...."
"Mama!!!!!" Putol ko sakanya
Baka may masabi pang iba eh, natawa lang si jema
Pumunta na ako sa banyo namin at naghilamos at toothbrush
Pagbalik ko sa sala kausap na ni mama si jema
Naku delikado masyadong madaldal si mama baka may masabi ito na hindi maari
"Ma!!!!" Agaw atensyon ko sakanila
"Nasaan si paps?" Tanong ko
"Naku bumili ng breakfast nahiya sa sikat nating bisita siningag at tinapa lang pag-kain natin dyan"
"Naku tita dapat po hindi na kayo nag-abala kumakain din po ako nyan" sabi naman ni jema
"Nakakahiya na...."
"Ma! Wala na ba kayong ibang gagawin?" Putol ko ulit sakanya
"Napaka bastos mo talagang bata ka nakikita mo nakikipag-usap pa ang tao dito. Ngayon na nga lang ako nakakita ng artista sa personal tapos ganyan ka pa" natawa si jema sa sentimento ni mama
"Mama! Atlhete sya hindi sya artista" natatawa ko rin wika
"Oh eh di ba lumalabas sya sa tv? Eh di artista na yon, kayo talagang mga kabataan ang hilig nyong kuntrahin mga magulang nyo" may pinaglalaban mama?
"Don't worry po tita dadalasan ko pag-bisita" natuwa naman si mama sa tinuran ni jema
"Talaga iha? Sa susunod sabihin mo pupunta ka ah? Para ipagmalaki ko sa mga kumare ko na may pumupuntang artista dito. Tiyak maiinggit ang mga bruhang iyon. Hahaha" napahawak na ako sa noo ko habang si jema natawa na naman
"Nga pala ano bang ginagawa mo dito? Kaibigan mo ba anak ko? Naku mag-iingat ka jan, basta baba......"
"Paps!!!!" Sa wakas dumating ka na at nabaling atensyon namin sakanya
"Mukhang kailangan mo na ng tulong?" Natatawang nyang salubong sakin
"Mama tulungan mo muna ako ihanda tong pinamili ko at nang makakain na bisita natin" aya nito kay mama
Nakahinga ako ng maluwag nang nasa kusina na sila mama
Umupo ako sa tabi ni jema
"Anong ginagawa mo dito? Mamaya dumugin ka ng mga kapitbahay namin" panimula ko
"Nakakainis ka eh!! Bigla kang nagwawalk out sabay hindi mo na sasagutin mga tawag ko" reklamo nya
"Masaya ka naman kausap ex mo eh" bulong ko pero sapat na para marinig nito
"Sus nagselos lang pala ang baby" sabay sandal sakin
"Uyyyy hindi ako nagselos no?" Tanggi ko
"Hindi daw? Pero ganyan pala magselos mga babaero no?" Nakangisi nyang sabi
Sinamaan ko lang sya ng tingin
"Joke lang! Sorry na baby" sabay kiss sa lips ko
Napangiti na ko
"Uyyy kinikilig ang babaero hahaha"
"Kiniss ka ba naman ng jema galanza hindi ka kikiligin?"
"Wag mo na uulitin yon ah? Kapag galit ka sabihin mo nag-alala kaya ako" sabay nguso nito
"Sorry na po! Bakit kasi nakikipag-harutan ka sa ex mo kaharap ako? Tapos wala ka pang balak sabihing girlfriend mo ako sakanila"
"Alam nilang girlfriend kita! Internet ang source" ngumiti sya sabay pingot sa ilong ko
"Ganun lang talaga kami magbiruan, sabi ko kasi maloko ka rin kaya akala nila sasakay ka lang" saan pupunta?
"Biruan sa ex?" Tanong ko
"Bakit hindi na ba pwede makipag-biruan sa ex? Kaibigan ko rin naman sya bago naging kami, saka move on na oh? Ikaw na nga yong mahal ko eh!" Hinawakan nya magkabilang pisngi ko
"Wala ka ng dapat ikaselos deanna kasi ikaw lang yong nakikita ko! Kahit gaano pa karami ang lalaki at babaeng makausap ko, ikaw parin ang gusto ko kausap sa gabi" natawa kami pareho sa huli nyang sinabi
"Pwede din naman tayo mag-usap sa umaga? Hapon at madaling araw di ba? Gusto mo kahit tanghaling katarikan ng araw para sabayan nating tumirik hahaha" hinampas nya braso ko
"Dyan ka talaga magaling! Yan talaga mga gustong gusto mong usapan" sabay kurot sa tagiliran ko
Inakap ko naman sya
"Bati na tayo?" Umiling ako
Humiwalay muna sya sa akap namin at tinignan ako
"Mag-usap muna tayo sa kwarto hahaha"
"Yan dyan ka magaling" sabay tulak sakin
Natatawa akong niyakap syang muli
"Kiss mo muna ako para bati na tayo"
"Kiniss na kita kanina ah?" lumabi naman ako
"Sus kailangan pa ng kundisyon eh! Nakakainis" sabi nito sabay kabig sa batok ko at siniil ako ng halik sa labi
"Ehem! Lalamig na yong pag-kain sa mesa, breakfast muna deanna bago mag dessert" napalingon kami kay paps
Kitang kita ko naman ang nanglalaking mata ni mama sa likod nito
Agad kaming naghiwalay ni jema
"Anong ibig sabihin yan deanna?" Manghang tanong ni mama
"Eto naman si mama para ka naman hindi sanay na nakakakita ng tukaan, lagi ka ngang babad sa tv at yon ang favorite part mo" natatawang wika ni paps sakanya
"Alam mong ibig kong sabihin connie" yari na real name na tawag kay paps
"Mama!" Tumayo ako, hinawakan ko rin kamay ni jema
Lumapit kami sakanila
"Paps, Ma! Si jema po girlfriend ko" nahihiya naman nagmanong si jema sakanila
Bat ganun? Kapag pinapakilala sa parents kailangan mag-manong? Samantalang kanina pa sila nag-uusap? Hahaha
"Pasensya na po" sabi ni jema
"Alam mo bang pinapasok mo iha?" Seryosong wika sakanya ni mama
Sininyasan ko si paps
"Naku mamaya na yan at lalamig na talaga ang pagkain bawal....."
"Mag-usap tayo Maria Deanna Izabella Wong" putol nito kay paps at pumasok sa kwarto
Nagtinginan kami ni paps samantalang si jema yumuko
Mukhang iba nasa isip nya kaya hinawakan ko agad kamay nito
Tinignan nya ko, ningitian ko sya
"Ayaw ata sakin ng mama mo?" Umiling ako
"Kakausapin ko lang sya! Mali yang iniisip mo" hinalikan ko muna sya sa noo bago pumasok sa kwarto nila mama
BINABASA MO ANG
Chasing The Stars
Fiksi Penggemarmahirap man abutin ang isang bituin ngunit susubukan ko parin
