Chapter 31

3.6K 140 144
                                    

"Ma! Hindi naman bago sainyo na may sinasama akong babae dito! Hindi lang si jema pinakilala ko sainyo ma!"

"Kukurutin na talaga kita sa singit naku kang bata ka!!!" Nanggigil pa si mama

"Hindi ka ba naawa sa girlfriend mo? Nagpapakahirap sya dun tapos ikaw nagpapakasarap dito?????? Manang mana ka talaga sa tatay mo walang hiya kang bata ka!!!!!" Sabay pingot sa tenga ko

"Ma! Bitaw masakit!!!!! Saka pwede ba hinaan nyo boses nyo baka marinig kayo ni jema" nakahawak na ko kung saan sya nakapingot

Lalo naman nya hinaltak ang tenga ko kaya napahiyaw ako ng malakas

"Mama! Mamaya mo na bugbugin si deanna nakakahiya sa bisita natin" tawag ni paps sa labas ng kwarto

Binitawan na ni mama ang tenga ko, hinimas ko iyon ng walang tigil halos maiyak na din ako

"Akala pa naman namin nagbago ka na simula nung nagkabalikan kayo? Ang bait bait ni mitch anak! Hindi  ka ba naaawa sakanya? Kasi ako awang awa na sakanya! Tuwing tumatawag sya sakin na umiiyak. Pero ayaw nyang sabihin sakin kung bakit? Heto ba ang dahilan?" Napalunok ako

"Ma! Wala akong maidadahilan pero mamaya na tayo mag-usap nandyan si je......"

"Sasabihin mo sakanya ngayon o ako magsasabi?" Napalunok na naman ako

"Ma! Wag ngayon, sasabihin ko rin sakanya pero hindi pa sa ngayon. Tatapusin ko muna samin ni mitc...." nangiwi ako sa sampal ni mama

"Ano bang pag-kukulang ko at naging ganyan ka deanna?" Umiiyak na sya

"Alam mo kung gaano kahirap pinag-daanan ko nung ginawa akong kabet ng papa mo!!!! Hindi mo alam ilang beses akong umiyak nung nalaman kong nakasakit ako ng tao na hindi ko sinasadya!!!!" Dinuro duro na nya ako sa dibdib ko

"Tapos ngayon ginagawa mo na naman to kay mitch? Akala ko nadala ka na eh!!!! Hindi parin pala!!!! Kaya sige bahala ka!!!! Ayaw mo sabihin ngayon sakanya????? Sige! Pero wag na wag kang lalapit sakin kapag nawala sila sayo pareho lalong lalo na si mitch

Yong babaeng laging nandyan at handa kang tanggapin sa kabila ng lahat ng kalokohan mo!!!!" Tumalikod na sya sakin

"Lumabas ka na!!! Paki-sabi nalang sa bisita mo na sumama na ang pakiramdam ko"

Pinunasan ko muna luha ko bago lumabas ng kwarto

"Paps" niyakap ako nito

"Siguro kailangan ka muna namin pabayaan sa ngayon deanna! Para matuto ka! Sinabihan na kita pero hindi ka nakinig" tinap nya ang balikat ko

"Hindi kasi ganun kadali paps eh" tumulo na naman luha ko

"Harapin mo lahat ng consequences na ginawa mo deanna, hindi ka na bata na pinag-bibigyan lang namin noon! Kung ito ang paraan para matuto ka! Harapin mo muna ito ng mag-isa, pero nandito parin kami kapag iniwan ka na nila" sabi nito bago pumasok sa kwarto

Naglakad ako patungong sala nakita ko si jema na nakayuko

Umangat ang tingin nya nang mapansin nya ako

"Ok ka lang?" Nag-aalala nyang tanong sakin ngumiti ako at tumango sakanya

"Tara na hatid na kita! Gusto mo pa bang kumain?" Umiling naman ito at tumayo

"Spiker din ba mama mo?"

"Huh?"

"Ang lutong kasi nung pagkasampal nya, pulang pula pisngi mo" sabay haplos nito sa pisngi ko

"Hindi naman masakit yan wag kang mag-alala" mas masakit yong nasa loob ko ngayon

Yong unang babaeng kakampi ko galit na sakin

Chasing The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon