Chapter 11

3.4K 139 37
                                        


Nakangiting mukha ko na naman ang bumungad kay jema

Kaya naman nakabusangot na naman sya kahit madilim pa kitang kita ko kung paano nya ko tignan ng masama

"Ano na naman ba kailangan mo?" Sabi nya pagkalapit nya palang sakin

Nakataas na agad kilay nya

"Sabi ko naman sayo hindi ako susuko di ba?" Nginitian ko sya

"Hindi ako na kukuha sa gantong paempress deanna wong dahil kaya ko naman ipag-drive ang sarili ko hindi ko kailangan ng driver" pabalya nya akong inalis sa pagkakasandal sa kotse nya

Muntik na ako ma'out of balance bigla nalang umiikot paningin ko

Humawak agad ako sa ulo ko

Shiit kulang na naman ako sa tulog madami akong project na tinapos

Madaling araw na ako natulog tapos madaling araw din ako nagising para puntahan si jema at ihatid sana sya

Pero tulad dati mukhang masasayang na naman effort ko

"Ayos ka lang?" Tumango lang ako sakanya

"Namumutla ka" may himig pag-aalala sa boses nya

"Ayos lang ako kaya pa kita ipag-drive" umiling sya

"Hindi! umuwi ka na" binuksan nya ang driver seat at papasok na

"Jema naman" pigil ko agad sa braso nya

"Ano ba deanna? Malelate na ako, hindi mo alam kung gaano kahirap ang punishment kapag nalelate kaya please wag mo na akong kulitin" pilit nyang binabawi braso nya sakin

"Sabihin mo muna bibigyan mo ako ng chance? Hindi na kita iistorbuhin ng umaga sa hapon nalang hehehe" para mahaba rin tulog ko

"Bakit ba ang kulit mo? Sabi ko naman sayo wala kang aasahan sakin kaya pwede ba tigilan mo na ako?" Umiling ako

"Bakit ba ayaw mo rin ako bigyan ng chance? Dahil ba isang hamak na photographer lang ako at isang pipityuging fan mo lang?" Tinignan nya ako ng masama

"Hindi ako ganun klaseng tao deanna, mahirap lang din ako! Pero salamat sa volleyball kasi nakakaraos na kami ngayon kaya wala akong karapatan mang hamak ng ibang tao" tinulak nya ko at pumasok na sa loob ng kotse pinigilan ko naman agad ang pinto

"Kung ganun ano bang dahilan bakit ayaw mo sakin?"

"Tinatanong mo pa talaga yan? Hindi ba halata? Babaero ka at ayoko mapabilang sa mga babaeng pinag-laruan mo, kaya please tigilan mo na ako dahil hinding hindi ako magpapaloko sayo" tinaasan nya ko ng boses

"Hindi naman kita lolokohin jema please bigyan mo naman ako ng chance para ipakita sayo yon na hindi lahat ng babae dumadaan sakin ay laruan lang hindi ka ganun sakin jema" tinignan nya ko ng deretso

"Sabihin mo nga deanna ano bang gusto mo sakin? Katawan ko?" Lumunok ako hindi ko alam isasagot ko

"Gu-gusto kita basta gusto kita, matagal ko nang pinangarap mapalapit sayo simula nung adamson days mo palang gusto na kita jema, kaya hindi ko na papalampasin ang pagkakataon na to para mapalapit sayo na matagal ko nang pangarap" ngumiti sya ng mapait sabay iling

"Ok! Friendship lang kaya ko ioffer sayo" luh friendzone

"Kaya please tigilan mo na ako at pakibitawan mo na ang pinto kasi malelate na ako deanna parang awa mo na" nang gigil nyang sabi

Bigla naman ako napabitaw sa pinto dahil bigla na naman akong nahilo kaya agad akong humawak sa ulo ko

Sinamantala naman ni jema yon at agad sinara ang pinto

Chasing The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon