"Hoy wong dito mo ilagay yong light stand" sigaw nung photographer ng photo shoot
Tinapat ko kay jema yong ilaw hindi sya tumitingin sakin
Lumuhod ako para naman itapat sakany yong reflector
Nakakainis bakit ako lang mag-isa assistant? ako lang tuloy gumagawa mag isa
Hirap talaga kapag bago ka kakawawain ka kahit hindi naman ito yong trabaho mo sayo parin ibibigay lalo na kung wala kang project
Tinignan ko lang si jema napaka sexy nya sa sports bra at leggings na suot nya naka-pony tail din ang buhok nya at naka light make-up
Mabilis lang natapos si jema masunurin kasi sya lahat ng pinapagawa sakanya ginagawa nya ng walang arte yan talaga maganda sa mga subject
Yong cooperative sa lahat ng bagay na pweding gawin ng photographer nya
Sinulyapan ko sya nakatingin din sya sakin pero iniwas nya agad tingin nya
Yumuko ako at ngumiti langya kung hindi lang talaga kay ced nahalikan ko na sana sya
Nakafirst base na sana ako at madali ko na sana magagawa yong iba
Pero ayos parin kasi knowing na willing sya magpahalik sakin kahit dalawang beses palang namin nagkakakilala
"Ma'am dori ako parin ba mag-hahatid kay jema" tanong ko pagkatapos ng photo shoot
"Hindi na nandyan naman na si pangs sya na bahala kay jema" lumabi nalang ako sa sagot nya
Sayang naman baka may part two pa sana na yong naudlot na kiss hehehe
Nag-check nalang ako ng phone ko baka tumawag or nag-message si mitch kaso wala masyado atang busy si honey ko
Yong mga kumag ang nag-chachat sakin nag-aaya magbar si justine kung saan kumakanta at tumutugtog si kaye
"Chill naman tayo mamayang gabi masyado na tayong stress sa training ayain natin si kyla, ate jema" rinig kong aya ni ced kay jema pagdaan ko sa dressing room
Tamang tama ayain ko sila sa bar ni kaye at justine
Tyak matutuwa din si tots dahil makakasama nya ang ultimate crush nya single pa naman na si kumag
Kaso torpe baka kailanganin pa nang tulong ng tropa hahaha
Pumasok ako sa dressing room nakangiti akong tumingin sakanila
Ngumisi naman agad sakin si ced sarap batukan
"Narinig kong magbabar kayo may alam ako, maganda yong ambience magaling yong singer, masarap lahat ng inumin higit sa lahat mababait yong owner" tumaas ang kilay sakin ni jema
"Tsismosa ka rin talaga ano?" Sabi nya gamit ang mataray na boses
Ano problema mo? Nabitin ka ba? Pwede naman natin ulitin
"Hindi ah? Napadaan lang ako tapos narinig ko lang gusto nyo mag-bar kaya inaya ko na kayo dahil mag-babar din naman kami ng tropa ko" sabay labi sakanya
"At sa tingin mo sasama kami sayo?" Tinaasan nya ulit ako ng kilay
Bigla naman ata syang naging masungit sakin
Si ced nagpipigil ng tawa habang papalit-palit ng tingin samin
Sinipa sya ni jema tapos pinanglakihan ng mata
"Hey babe nandito ka lang pala kanina ka pa hinahanap ni sir mark" dumako ang tingin namin sa babaeng kakarating lang
Sino nga ba to? Basta alam ko ito yong nilalandi ko kanina kaya babe ang tawag sakin

BINABASA MO ANG
Chasing The Stars
Fiksi Penggemarmahirap man abutin ang isang bituin ngunit susubukan ko parin