"Dada ka jan" agad kong binaba si charlie ng marinig ko boses ni jema
"Tutal gising ka na umuwi ka na" sabi nya ulit sa mataray na tono
"Masakit pa kaya ulo ko, hindi pa ko makatayo" inikutan nya ko ng mata hehehe
"May gamot jan inumin mo na para mawala na yang sakit mo kuno? Para makaalis ka narin" wow naman jema
"Grabe ka naman! hindi pa kaya ako nag-aalmusal? Tapos lunch na ata ngayon? Papainumin mo ko ng gamot na walang laman ang tyan?" Lumabi pa ako sakanya
"So kasalanan ko pa yon? Sino ba nagsabing bwisitin mo ako ng umagang-umaga? Tapos ngayon magrereklamo ka sakin na hindi ka pa kumakain? Ako pa may kasalanan?" nakapamewang na sya sa harap ko
Pinilit kong umupo pero masakit yong leeg ko kaya napahiga ulit ako
Tulog-tulugan pa more nastiff neck ka tuloy hahaha letse
"Sorry hindi ako makatayo eh" paawa ko sakanya
Huminga naman sya ng malalim
"Sige wait lang check ko lang fridge ko kung may maluluto pa at gagawan na din kita soup" sabay talikod sakin at pumunta ng kusina nya
Ngumiti nalang ako at nilaro ulit si charlie
"Alam mo ba miss ka na rin ni paps at mama? Gusto mo ba sila makita?" Tumahol na naman sya
"Kapag sinagot na ko ng mama mo, uuwi na ulit tayo" ningitian ko sya hinalikan naman nya ko
"Stop na kasi charlie nakikiliti ako hahaha" pero wala parin syang tigil sa pagdila ng leeg ko
Nilayo ko na sya sa mukha ko tapos umupo ako medjo kumirot ulit leeg ko pero kinaya ko at kinalong si charlie
Napangiti ako sa isang frame si jema pati si charlie ,eto yata yong panahong bago palang si charlie sakanya
"Ang cute nyo ng mama mo dito ah? Sana next time kasama na ko para happy family na tayo" lalo akong nangiti sa sinabi ko
Wow akala ko ba iisa ka lang kay jema? Bakit parang bumubuo ka na ng pamilya sa isip mo?
Pinilig ko ulo ko! Oo nga pala nakalimutan ko na yong pakay ko sakanya dahil dito kay charlie
"Mukhang ok ka naman na" nilingon ko si jema may dala syang tray
May lamang soup at steam chicken sa side naman isang butil ng paracetamol
"Kainin mo na to tapos umalis ka na" binaba nya yong tray sa lamisita binaba ko naman si charlie
Susubo na sana ako nang pigilan nya, ako tinignan ko sya
"Kakaen ka ng hindi naghuhugas ng kamay? Nilaro mo kaya si charlie" tila nang didiri nyang sabi sakin
"Malinis naman si charlie ah? Mukhang alaga mo naman sya, kaya bakit naman ako maghuhusgas ng kamay? Eh wala naman akong nahawakang marumi?" Inikutan na naman nya ko ng mata
"Kadiri ka" natawa nalang ako sakanya
"Ang arte naman ni madam" sabi ko habang nginunguya yong chicken
"Wala ka bang manners? Nagsasalita ka na nang may laman ang bibig mo" sobrang istrikta naman ni jema
Nilunok ko muna yong kinakain ko bago mag salita muli baka masita na naman ako ni ma'am
"Sorry po ma'am ah? Dun kasi sa lugar namin hindi mo kailangan magpasosyal" sarkastiko kong sabi sakanya
"Daig ka pa ni kaye at justine mga anak mayaman pero hindi naman sila kasing arte mo" bulong ko
"Ano sabi mo?" Nakataas na ang kilay nya
"Wala po! Ang sabi ko ma'am ang ganda mo" sabay kindat sakanya
Inirapan nya lang ako
"Ubusin mo na yan tapos inumin mo na gamot mo para makauwi ka na at mawala na ang bwisit sa bahay ko" sabay tayo at pumunta ng kwarto nya
"Charlie kita mo yon? Ang sungit talaga ng mama mo sakin" kumawag naman buntot nya
"Tulungan mo naman akong palambutin ang puso nya sakin oh? Tutulungan mo naman si dada di ba?" Tumahol sya
"Good boy" sabay himas sa ulo nya
Binigyan ko rin sya ng laman ng manok kung askal lang to ibibigay ko sakanya yong buto eh hahaha kaso mamahaling aso to at mahal din kapag nagkasakit kaya dapat ingatan
Baka lalo akong patayin ni jema kapag nabilaukan itong anak namin hehehe
Niligpit ko pinagkainan ko at inurungan ito(hugas ng plato)
Taga bulacan kasi si papi con kaya urong ang tawag namin sa paghuhugas ng pinggan
Taga cebu naman si mama pati narin si papa pero pure chinesse sya
Napunta lang kami sa bulacan nung sinama kami ni paps para ilayo sa gulo ng pamilya ng papa ko
Kasi kahit sila na ang pinili ni papa at iniwan kami para sa original na pamilya pinagbabantaan parin kami ng asawa ni papa
Kung paano naman napunta si paps sa cebu eh nag-ojt sya dun tapos nagustuhan nya si mama
Siguro 2 years na kaming iniwan ni papa nung dumating sa buhay namin si paps
Nung una ayaw ko sakanya lalo na kapag nabubully ako dahil sakanya
Tinutukso kasi akong babae ang tatay ko kaya galit ako sakanya bukod sa hinahanap ko parin ang pagmamahal ng totoo kong ama
Pero habang tumatagal unti-unti ko narin sya natatanggap at ang katotoohanang hinding hindi na kami babalikan ng totoo kong ama
Mabait si paps hindi naman sya mahirap mahalin lalo na pinaparamdam nya sakin na hindi ako kulang sa pagmamahal nila
Pero syempre mas gusgto ko parin maramdaman ang pag-mamahal ng tunay kong ama na kahit kelan hindi ko na makukuha
Nagpunas ako sa basahang nakasabit sa ref ni jema pagkatapos ko mag-urong
"Anong ginagawa mo?" Natawa naman ako sakanya
Parang nang-aasar eh
"Umuwi ka na" ayan na naman sya nagtataray na ulit
Lumakad na sya pabalik sa sala nya sinundan ko lang sya
Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni charlie nagpapakarga na naman sakin
Lumuhod ako para abutin sya tumalon naman sya agad sakin
Miss na miss talaga ako netong baby ko hehehe
Ang tagal ko na syang hindi nakikita pero kilala parin nya ako
"Jema" tawag ko sakanya habang karga si charlie
Nakaupo lang sya sa couch nya tapos sa tv nakatuon ang mata nya
"Alam mo ba kung kanino galing tong si charlie" nakangisi kong tanong sakanya
Tinignan nya ko nang nakataas ang kilay
"Ano naman pakialam mo?" Ang sungit naman
"Kanino nga kasi? ang cute kasi eh" ngumiti ulit ako sakanya
Dumako ulit ang tingin nya sa pinapanood nya bago sumagot
"Kay pangs" nanglaki mata ko sa sinabi nya
"Si-si-sigurado ka?" Nautal kong tanong sakanya
"Bakit ba? Ano naman sayo kung kanino galing yan" tumayo sya sabay kuha sakin kay charlie
Hinila naman nya ko patungo sa main door ng unit nya
"Umuwi ka na" sabay tulak sakin palabas
Umiyak naman si charlie nagpupumiglas sya kay jema
"Stop charlie" saway nya dito
"Last na to deanna, please lang wag mo na ako guguluhin pa" huling sabi nya bago sinara ang pinto
BINABASA MO ANG
Chasing The Stars
Fanfictionmahirap man abutin ang isang bituin ngunit susubukan ko parin