Final Chapter

6.3K 186 225
                                    

Jema's POV

"Ahhhhhhhhh" na bitawan ko ang hawak kong baso sa sigaw na yon

"Jema!!!!!!! Nasaan ka!!!!! Nasaan ka!!!!" Agad akong tumakbo sa loob ng kwarto ko

Tumayo sya sa kama at patakbong lumapit sakin

Niyakap nya ko ng mahigpit

"Akala ko iniwan mo na ako!!!!!" Humihigbi nyang sabi

"Shhhhhh nanaginip ka na naman! Hindi kita iiwan love! Wag ka ng umiyak nandito lang ako oh!" Hinawakan ko ang pisngi nya at pinunasan ang luhang umaagos dito

Hinila ko sya pabalik sa kama at pinahiga ito

Agad din naman akong tumabi sakanya at nilagay ulo nito sa braso ko

"Ano na naman ba ang napaniginipan ng baby ko?" Tanong ko habang hinahaplos ang buhok nito

"Iniwan mo daw ako! Kasi niloko kita kasi ginawa ko yong bagay na ayaw mo! Hindi mo ako mapatawad love! Natatakot ako! Baka iwan mo ako ulit!"

"Panaginip lang yon! Hindi yon manyayari love! Kaya wag ka na mag-alala huh?" Hinalikan ko ang noo nya

"Hindi mo ko iiwan ah? Natatakot ako eh!" Humigpit ang yakap nya sakin

"Hindi promise" tinaas ko pa ang kanang kamay ko

"Pero love natatakot parin ako!!!"

"Bakit na naman?" Naiirita ko nang tanong

"Natatakot ako sakanila" may tinuro sya pero wala naman talaga

"Kukunin na nila ako love kaya dito ka lang wag mo ako iiwan" napapikit ako

"Deanna....."

"Please mangako ka! Dito ka lang!!!" Putol nya sakin

Tumango na lamang ako at niyakap sya ng mahigpit

"Matulog ka na ulit love! Nandito lang ako, babatayan kita hindi ako aalis kaya magpahinga kana" umiling naman ito

"Bakit?" Tanong ko

"Wala pa akong kiss" sabay nguso nito, natawa naman ako pero agad ko rin naman inabot ang labi nya

"Ok na? Matutulog ka na?" Ilang beses naman syang tumango at mahigpit na niyakap ako

"Kanta ka love" request pa nito

Kinanta ko naman ng walang lyrics ang theme song namin na Can't help falling In love kasabay ng masuyong pag-haplos ko sa buhok nya

Madali kasi syang nakakatulog kapag ganito ang ginagawa ko sakanya

Ilang minuto lang bumibigat na ang paghinga nya katunayan nakatulog na ito

Tinanggal ko ang pagkakaunan nya sa braso ko at nilipat ito sa katabing unan

Pinag-masdan ko sya bigla nalang tumulo ang luha ko

Hindi ko alam kung kelan ko pa kakayanin alaga sya

Ako lang kasi ang nagpapakalma sakanya kapag ganyan na sya

Yong bigla syang nagwawala lalo na kapag may bad dreams sya

Bumabalik naman sa normal si deanna dahil araw-araw naman syang umiinom ng gamot

Pero kapag ganyan nga na may masama syang panaginip tila na nawawala na naman sya sa sarili

Lalo na kung ang panaginip nya ay iniwan ko na naman sya

Hinawakan ko ang pisngi nitong unti-unti narin nagkakalaman

Bumabalik na yong chubby cheeks nya na isa sa dahilan kung bakit ko sya naging crush nung pinakilala sya samin ni dori nung first day nya

Chasing The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon