Chapter 28

3.6K 140 140
                                    

"Baby" tawag ko kay jema na nakaupo sa couch nito

Nasa lap din nito si milo habang nanonood ng movie sa tv

Tumabi ako sakanya at sinandal ang ulo ko sa balikat nya

"Baby? Hindi mo ba talaga ako papansinin?"

"Milo may naririnig ka ba?" Nainis ako sa turan nya

"Ano tingin mo sakin multo?" Hinarap ko na sya

Pero nasa tv parin atensyon nya

"Jema naman, hanggang kelan mo ba ibabalik yong nakaraan? Tuwing may makikilala kang babaeng naging parti ng buhay laging kang ganyan eh"

Tinignan na nya ako

"Ilan pa nga ba deanna? Meron pa bang vanie at christiana na susulpot? Sabihin mo na ngayon para isang galitan na lang"

Napahilamos ako sa mukha ko isang buwan na nakakaraan simula nang malaman namin na isa pala si Gandler sa babaeng nakasama ko sa kama ng isang gabi lang

Chapter 1 balikan nyo guys hahaha

Tapos kanina lang pinakilala ni dori si  Christiana kay jema saktong magkasama kami

Sinabi ko rin na ex ko sya para wala ng isyo dahil magkakasama naman kami sa VP

Pero etong si jema hindi na maipinta ang mukha pagkatapos nyang malaman yon

Gantong ganto rin sya nung sinabi ko nga yong kay vanie

At simula nun hindi na yon nawawala sa away namin nakakapikon na

"Jema naman!!! Ilang beses na natin pinag-awayan si vanie? Hindi pa ba tapos?" Tumaas na boses ko

"At ikaw pa talaga may ganang magalit?" Tinaasan din nya ko ng boses

"Please naman jema, yong mga babaeng pinag-aawayan natin tapos na yon eh!!! Dumating sila sa buhay ko nung wala ka pa! Matatanggap ko pa na aawayin mo ko kung may nakita kang babaeng nilalandi ko ngayon eh! Kaso wala naman di ba? Jema nag-babago na nga ako oh? Pero lagi mo parin binabalik yong mga pagkakamali ko!!!!" Tila natigilan naman sya

Lumuhod ako sa harap nya hinawakan ang magkabilang kamay nito

"Jema! Ano pa bang dapat kong gawin para patunayan sayo na ikaw nalang? Na ikaw nalang yong mahal ko? Kelan mo ba ako pagkakatiwalaan? Kasi hindi ko na alam kung paano ko pa ipoproved yong sarili ko sayo, kung palagi nalang tayong ganito"

"Sorry!" Sabi nya sabay haplos sa pisngi ko

"Hindi ko lang talaga maiwasan mag-selos sa mga babaeng umaaligid sayo! Natatakot ako na iwan mo agad kasi nakakita ka na naman ng bago tapos sawa ka na pal...."

Hinalikan ko sya sa labi

"Jema! Ikaw na yong mahal ko! Hindi mo kailangan matakot dahil wala silang laban sayo! Nakaraan na sila. Ikaw na yong present at future ko kaya wag ka na kasi ma-aalaga, mahal na mahal kita at hindi ko kakayanin kung mawawala ka! Magtiwala ka naman kasi"

Tumango sya at inabot muli ang labi ko

Hinahalikan nya ko ng mabilis sinasabayan ko lang bawat galaw ng labi nito

Nagpumiglas naman si milo nung naipit ito

Nasa hita pa nga pala ito ni jema, natawa tuloy kami

"Lagi ka talaga panira ng moment" sabay himas ko sa balahibo nito

"Gawan na kaya natin to ng kulungan? Para hindi na maka-istorbo? Lagi akong nabibitin eh! Hahaha"

"Ikaw kaya ikulong ko" napanguso naman ako sa sinabi ni jema

Chasing The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon