"Grabe deanna isang buwan na kayo ni jema pero hindi ka parin makawala kay mitch" bungad ni kayeNapabuntong hininga ako lagi kasing umiiyak si mitch kapag nagkakausap kami
Wala akong chance para sumingit sakanya at sabihing maghiwalay na kami
Bilang na bilang din yong time na nagkaka-usap kami kaya wala talaga akong chance para makausap sya
"Hinihintay ko na nga lang mapagod sya at kusa na syang makipag-hiwalay sakin" binatukan ako ni tots
"Paano yon mapapagod eh pinapaasa mo parin?" Sabi nito
Pinakita ko sakanila ang mga pictures namin ni jema na kumakalat sa internet
"Alam ko yan ang dahilan na lagi nyang pag-iyak sakin" sila naman ang bumuntong hininga
"Hindi ka ba naaawa kay mitch?" Sabi ni justine
Tinignan sya nung dalawa na tila hindi makapaniwala sa sinabi nito
"What?" Natawa kami
"Sa totoo lang naaawa na ako sakanya tuwing umiiyak sya sakin. Pakiramdam ko, ako naman kailangan nya ngayon" binato nila ako ng unan
"Tangina mo deanna" natawa ako kay justine
Alam ko naman dahilan bakit nya ko minura mukhang nagbabago narin ang isang ito
Nakatagpo na ulit sya ng babaeng nagpatino sakanya
"Alam nyo guys, para kasi ang dali lang makipag-break eh! Minahal ko yong tao, nahihirapan ako kapag umiiyak sya ng dahil sakin. Naalala ko lahat ng sakripisyong ginawa nya sakin, kapag sasabihin ko ng iiwan ko na naman sya para sa iba. Alam nyo yon? Alam ko hindi nya inoopen lahat ng alam nya tungkol samin ni jema kasi umaasa sya na pagbalik nya sya parin? Hindi ko ata kayang ialis sakanya yong pag-asa na yon. Kapalit ng lahat ng sakripisyo nya sakin"
"Hindi na namin alam gagawin sayo deanna" ngumiti nalang ako ng mapait kay tots
"Kung alam nyo lang kung gaano ako nahihirapan ngayon. Mahal na mahal ko si jema pero tinitreasured ko parin pinag-samahan namin ni mitch" umiling nalang sila
"Alam nyo tumagay nalang tayo matagal-tagal narin tayong hindi nakakapag-bonding" pag-iiba ni justine sa usapan
"Dito nalang tayo para iwas narin sa babae" natawa sila sa tinuran ko
"Woooooh ikaw ba yan miss playgirl? Hahaha pero gusto ko talaga sa bar para malaman natin kung talagang nag-bago ka na" sabi ni kaye
"Kung papayagan ako ni jema" sabi ko
"Woooooh kelan ka pa natutung mag-paalam?" Sabi naman ni justine
"Simula nang naging seryoso ako kay jema" binato na naman nila ako ng unan hahaha mga letse to
Nagbar nga kami, nagpaalam naman ako kay jema pinayagan naman ako basta daw magbehave lang
Todo iwas ako sa mga babaeng na lumalapit sakin na para bang may malubha silang sakit hahaha
Yong iba tinatanong ako kung ako daw ba yong bago ni jema kapag namumukhaan nila ako
Feeling ko nga sikat na din ako hahaha well sikat naman ako dati pa sa mga babaeng patay na patay sakin hehehe
Siguro tatlong oras lang kami sa bar at sa condo nalang ni justine tinuloy ang pag-iinom
Hindi narin kasi kami nag-eenjoy kasi nga wala ng babaeng nakakalpit samin nagbago na ata kami hahaha
---
Kinaumagahan nagising ako sa tila nasusunog na amoy dito sa condo ni justine
"Kaye, tots gising nasusunog ata condo ni jus" gising ko sa dalawa
Naubo narin ako dahil sa usok na nanggagaling sa kusina
Taranta namang tumayo si kaye at binuhat yong mini ref ni justine
Si tots ako naman ang binuhat,nagmamadali silang lumabas ng kwarto
Pagdating namin sa sala puta naistatwa kami tila may anghel na nilapastangan ng demonyo
Si angela kinakain ni justine sa kitchen counter napapalibutan din sila ng usok gawa ng nasusunog na itlog na niluluto nila
Naibagsak ni kaye ang ref na buhat nya kaya napatingin yong dalawa samin
Tila binuhusan sila ng malamig na tubig sa itsura nila hahaha
"Tangina justine susunogin mo condo mo sa kalandian mo" asik ni tots sakanya sabay baba sakin
Sabay na kaming pumasok sa kwarto na tawang ng tawa
-----
Nagmamadali akong bumaba ng taxi pag-hinto palang nito sa UPTC
Dito na kami magkikita ni jema mag-gogrocery daw kasi sya
Ako naman galing games ng MPBL 1st game lang yong may talent ang VP
Kaya naman masasamahan ko pa si jema kaso nalate na ko dahil sa nag-OT yong game plus traffic pa
Hihintayin nalang daw ako ni jema sa restaurant sa loob ng mall
Hingal na hingal ako ng makarating ako roon, takbo at lakad kasi ang ginawa ko
Napangiti ako nang makita ko na sya, lalapit na sana ako kaso napahinto ako nang makita kong hindi sya nag-iisa
May tatlo syang kasama tila pamilyar ang mga ito
"Deans" tawag ni jema nang mapansin nya ako
Lumingon rin ang mga kasama nya, mga taga adamson pala ito
Ngumiti ako at lumapit sakanya pero may nakaupo na sa tabi nito yong ex nya
Kaya lumipat nalang ako sa tabi nung matangkad
"Mga dating teammates ko pala, si mylene , kring at syempre si fhen" pakilala ni jema sakanila
Ngumiti naman ako at inabot ang mga kamay ng mga ito
"Deanna" sabi ko
"Ang cute mo naman? Photographer ka raw?" Tanong nung kring katabi din sya ni jema na kaharap ko
"Naku wag mong puriin yan lalaki ulo nyan" natatawang sabi ni jema
"Hahaha cute naman talaga sya eh" sabi ulit nung kring
"Cute din naman ako ah? Hahaha" singit ni fhen
"Saan banda? Hahaha" sabi naman ni mylene
"Heto oh?" Sabay hawak ni fhen sa mukha nya
"Sabihin mo nga jema, cute ako di ba?" Nasamid pa si jema sa tanong ni fhen
"Wag ka nga magbiro hahaha" sabay hampas pa sa braso nito
"Sus kaya mo nga ako nagustuhan dahil cute ako eh" natawa na naman si jema
"Bulag lang ako ng mga panahon na yon" ok!!!! Parang wala ako dito ah?
Tumili naman yong dalawa at kumanta pa ng muling ibalik
"Ah? Order lang ako ah?" Agaw atensyon ko sakanila
"Samahan na kita" sabi ni jema akmang tatayo na
"Wag na dito ka nalang!!!! Mukhang nag-eenjoy ka naman eh!" Sabay layas sa harap nila
Imbis sa counter dumiretso na ako sa labas ng restaurant
BINABASA MO ANG
Chasing The Stars
Fanficmahirap man abutin ang isang bituin ngunit susubukan ko parin