Prologue

1.3K 23 8
                                    




Pasado alas dyes na ng gabi ng makauwi ako sa mansyon. Katahimikan ang bumungad sa akin pagpasok ko sa malawak na kabahayan. Tulog na siguro ang mga katulong. Agad akong naglakad paakyat ng hagdan. Dapat ay di-diretso na ako sa kwarto ko. Pero naisip ko munang magtungo sa isang pribadong silid na nandito sa mansyon.

Nang makarating sa tapat nito ay bubuksan ko na sana ang pinto. Ngunit hindi ko na nagawa ng kusa itong bumukas. Iniluwa nito ang isang babaeng nakaputing damit.

Magalang itong yumuko sa akin bilang paggalang.

"Good evening, Boss."bati nito.

Tumango ako bilang tugon.

"Katatapos ko lang po siyang punasan. Ngayon ay binabantayan po siya ng bisita."

Literal na kumunot ang noo ko.

"Bisita?"taka kong tanong.

Ngumiti ng tipid ang babae.

"Yes po. Nasa loob po siya."sagot niya at inginuso ang loob ng silid.

Nagkaroon ako ng hinala kung sinong bisita ang tinutukoy niya.

"Okay. Pwede ka ng umalis. Basta maging alerto kayo sa pagmo-monitor sa kaniya."bilin ko.

Ngumiti ang babae at nilagpasan na ako. Naglakad na siya palayo.

Ang babaeng iyon ay isa lamang sa tatlong private nurse na kinuha ko para bantayan ang kambal ko.

Sa pagnanais na makita ang bisita ay pumasok na ako sa loob. Marahan kong isinarado ang pinto ng makapasok. Tumambad sa akin ang isang lalaking nakaupo sa upuan na nasa tabi ng kama ng Kambal ko.

Si King Acel.

Dahan-dahan akong naglakad palapit at tinapik ang isang balikat niya. Nilingon niya ako. Napasimangot siya ng makita ako.

"Gabi na. Bakit nandito ka pa?"tanong ko at naisipang maupo sa sofang nandito sa gilid ng dingding.

"Wala naman. Bad mood kasi ako. At kapag ganito, siya lang ang gusto kong kausap para pagsabihan ng sama ng loob."paliwanag niya at muling ibinalik ang tingin sa kambal kong nakahiga sa kama.

Ang taong kausap ko ngayon ay ang kababata at matalik na kaibigan ni King Acel.

Siya si King Vinci Gagliardi. Isa sa Warlords ng Top Famiglias.

Nung araw na dinala ko si Kareshi kay King Acel. Tinawagan niya nun si Gagliardi. Sinabi niya rito ang sinapit ng kambal ko kaya dali-dali itong pumunta sa hospital.

Halos umatungal siya sa iyak ng makita ang kapatid kong walang malay na nakaratay sa kama. Ikinuwento ko sa kaniya ni Kareshi ang buong pangyayari. Tulad ng una kong naramdaman ng makita si King Acel sa hospital ay nagalit si Gagliardi at nais mapanagot ang mga taong nanakit sa kambal ko.

Tapos nun ay pormal akong ipinakilala ni Kareshi dito kay Gagliardi. Agad naman niya akong nakilala na. Dahil ayon sa kaniya marami siyang alam tungkol sa akin. Madalas daw akong ikwento ni King Acel sa kaniya.

So, marami siyang alam sa buhay naming magkapatid. Tulad ni Kareshi. Hindi na yun kataka-taka. Dahil sila ang dalawang tao na lubos na pinagkakatiwalaan ng kambal ko.

"Kailan ba siya gigising? Mag anim na buwan na siyang natutulog."

Napabalik ako sa reyalidad dahil dun.

"I don't know. Pero hindi naman ako nawawalan ng pag asa. Gigising din siya."sabi ko.

Ilang beses na naming pina-hospital si King Acel. Ang tanging rekomenda ng Doctor ay maghintay lang daw. Dahil yun lang naman ang magagawa namin. Nag decide ako na iuwi nalang siya dito sa kaniyang mansyon. Tapos ay kumuha ako ng mga nurse na magbabantay sa kaniya.

Ang nangyaring ito kay King Acel ay nanatiling sikreto sa lahat. Lalo na sa Top Famiglias. Ang tanging nakaka-alam lang ay ako, si Kareshi, Gagliardi at ang mga iba pang mapagkakatiwalaang tauhan ni King Acel sa Organisasyon.

"Tama. Gigising din siya. Naniniwala ako dun."pagsang ayon ni Gagliardi.

Tumango tango ako at isinandal ang likuran sa sofang kinauupuan. Nakita kong lumingon siya sa akin habang naka-kunot noo.

"Kamusta ang pagpapanggap bilang kambal mo?"tanong niya na hindi ko alam kung seryoso o pangangasar.

Ngumiwi ako at sumenyas sa kaniya.

"Ayos lang. Mahirap at nakakapagod. Pero kakayanin para sa kaniya."sabi ko at sinulyapan si King Acel na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising.

Dahil nga sa trahedyang kinalalagyan ni King Acel. Hindi pwedeng mabakante ang kaniyang posisyon bilang Capo di tutti capi. Agad nakaisip ng ideya si Kareshi. At ang ideyang iyon ay ang magpanggap ako bilang si Acel. Pero tunay na pangalan ko ang aking gagamitin dahil yun ang alam ng lahat na pangalan ni Acel.

Mahirap gawin ang naisip niya. Pero wala akong choice dahil ayoko ng mawala kay Acel ang pangangalaga sa Top Famiglias na alam kong napaka-importante sa kaniya.

"Huwag kang masyadong mag enjoy. Kahit kailan hindi mo mapapalitan ang pagiging Lord A ni Acel."seryosong sabi ni Gagliardi.

Ngumisi ako.

"Alam ko. Hindi ko naman siya papalitan bilang si Lord A. Ginagawa ko lang ito para mapanatiling numero uno pa rin ang Top Famiglias sa mundo habang wala pa siya."

Bumuga siya ng hangin at tumango.

Sa nangyayari ngayon, lumalabas na. Habang nanatiling walang malay si King Acel ay ako ang gumagawa ng mga trabaho niya. Hindi pa kasi pwedeng ipaalam sa lahat ang tungkol sa akin, na kambal ako ni Acel at ako talaga ang totoong King Ace.

Kaya iniiwasan ni Kareshi na may makatuklas ng aming sikreto. Buti nalang, maingat kami sa lahat ng bagay kaya nagagawa namin ng maayos ang plano.

Syempre ako rin. Nagagawa ko na ng maayos ang pag-papanggap sa katauhan ni Acel. Ang kaniyang pananamit, pagsasalita at pagkilos ay gayang gaya ko na. Wala ng makakahalata na ng pagkakaiba namin.

"By the way, kailan mo sisimulan ang plano mong pagganti?"bigla niyang tanong.

Nag iba ang mood ko sa kaniyang nabanggit. Bumalik sa isip at puso ko ang galit.

"Secret."tipid kong sagot.

Ayokong magkwento sa kaniya ng tungkol dun. Gusto ko kasing panatilihin nalang itong sikreto. Saka ko nalang sasabihin kapag may maganda ng kinalabasan.

"Hindi mo ba ka-kailanganin ang tulong ko? Pwede kitang tulungan. Tutal, gusto kong rin iganti si Acel. "

Umiling ako.

"No, thanks. Kaya ko na ito. And besides, ako ang kapatid ni Acel. So, responsibilidad ko ang ganitong sitwasyon. Don't worry, pagbabayarin ko sila sa sinapit ni Acel. Lintik lang ang walang ganti."makahulugan kong sabi.

Natawa siya at tumitig sa kambal ko.

"Narinig mo yun, Dude? Igaganti ka ng kambal mo. May ibubuga kaya siya?"kausap niya sa kambal ko na tila gising ito.

Peke akong natawa. Minamaliit yata ako ng isang ito. Palibhasa, hindi pa naman niya nakikita ang kaya kong gawin.

"Hindi sa pagmamayabang, Gagliardi. Pero hindi lang ang kambal ko ang malakas sa Genevose Famiglia."

Tinaasan niya ako ng isang kilay at umiling. Hindi na siya nagsalita dahilan para ako naman ang matawa.

I guess, mukhang minamaliit niya nga ako. Tsk.

______________________




May time skipped ang storyang ito.

Warlord Kings: GENOVESE (The Combative Warlord) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon