"Ace! Oh my god!"malakas na sigaw ni Scarlet.
Napangiwi ako habang nakikipagpalitan ng putok ng baril sa mga humahabol sa amin. Nanatiling nakalabas ang kalahati ng katawan ko dito sa bintana ng sasakyan. Pero dahil dalawang lalaki ang bumabaril sa amin. Mas lamang sila dahilan para panay ang iwas ang ginagawa ko upang hindi matamaan.
Kaya lang, itong si Scarlet. Walang kwenta mag drive. Bukod sa mabagal ay halatang hindi sanay. Pagewang gewang kami dito sa kalsada. Hindi nag stay sa isang direksyon ang pagmamaneho niya.
"Fuck shit, Scarlet. Bilisan mo. Aabutan na nila tayo!"sigaw ko.
Napahigpit ang hawak ko sa mismong gilid ng bintana upang hindi ako mahulog. Habang ang isa kong kamay ay nasa baril ko.
"Ito na nga! Huwag mo kong pine-pressure. Hindi ako propessional driver!"rinig kong sigaw niya mula sa loob.
Nakagat ko ng mariin ang aking labi. Delikado ang sitwasyon namin ngayon. Halatang hindi kami lulubayan ng mga ito.
Pero gayunpaman, hindi ako tumigil sa pakikipagbarilan sa kanila. Halos basag na ngang ang unahang salamin ng kanilang sasakyan dahil yun talaga ang pinupuntirya ko. Napangisi ako ng matamaan ko ang isa sa kanang balikat kaya agad nitong pinasok sa loob ng sasakyan ang kaniyang katawan.
"Sige lang mga Gago! Habol pa!"sigaw ko sa mga ito.
Kahit medyo malayo ang agwat ng sasakyan nila sa amin ay natatanaw ko ang kanilang mga itsura. Hindi sila pamilyar. Pero halatang mga mukhang goons. Agad kong nakutuban na baka mga tauhan ito ni Devil. I guess, ito na ang simula ng plano niyang pagpatay sa akin.
Namilog ang mga mata ko ng makitang bumalik sa pag asinta yung lalaking nabaril ko kanina. Napamura ako ng mapansing pinatatamaan niya ang gulong ng sasakyan ko.
"Scarlet! Faster! Mamatay tayo dito kapag hindi mo binilisan!"panibago kong sigaw dito.
"Alam ko!"balik niyang sigaw sa akin.
Sa patuloy na pakikipagpalitan ng bala sa kanila ay tuluyan kong napatay ang isa. Saktong nadale ko ito sa ulo kaya ang katawan nito ay tumilapon palabas. Pero napansin kong lumalapit na sila sa amin. Napangiwi ako ng banggain nila kami. Dahilan para yumugyog ng malakas ang sinasakyan namin.
Rinig na rinig ko ang tili ni Scarlet mula sa loob.
Sa inis ko ay tinadtad ko na sila ng putok ng baril. Hanggang sa matamaan ko na rin yung isang gunman. Pero napaigtad ako sa gulat ng maramdamang may sumakit sa kanang braso ko. Naningkit ang mga mata ko ng makitang may dugo dun.
Shit! Natamaan ako.
Hindi ko na iyon inisip pa. Ngayon ang driver nalang na humahabol sa amin ang kalaban. Kahit nangangalay sa posisyon ay hindi ako napagod na patamaan ang ito. Panay ang kambyo niya sa kaniyang sasakyan upang iwasan ang mga putok mula sa baril ko.
"Mamatay ka na!"sigaw ko sa labis na frustration.
Kung close combat lang siguro ang labanan baka kanina pa patay ang isang ito. Pagdating sa gun firing. Halos 90% lang ang skills ko. Hindi ako fully talented dito.
Pero sa awa ng diyos. Napatay ko ang driver kaya ang minamanehong sasakyan nito ay nawalan na ng kontrol. Nakahinga ako ng maluwag ng dumiretso sa railing ng kalsada ang sasakyan at dun na bumabangga.
Akmang ipapasok ko na ng buo ang katawan ko sa sinasakyan ng marinig kong sumigaw si Scarlet.
"Ace, may truck!"
Paglingon ko ay nakita ko sa malapit ang truck na babangga na sa amin. Mabilis na iniwas ni Scarlet ang sasakyan dito pero bigla akong na out balance dahil nakadungaw nga sa labas ang kalahati ng katawan ko. Tumilapon ako palabas mula sa bintana ng sasakyan at lumagapak sa sasakyang paparating.
BINABASA MO ANG
Warlord Kings: GENOVESE (The Combative Warlord) (COMPLETED)
Action(GENOVESE- 7) Simula't sapul ng magkaisip ako sa mundong ito. Naranasan ko na ang kalupitan at kahirapan ng buhay. Dahilan para mas maging matapang at matatag ako. Hindi nagtagal marami akong nalaman tungkol sa buo kong pagkatao. Kasabay nun ay nags...