Kitang kita ko sa kaniyang mga mata ang takot habang nakatitig sa akin. Nang dahan-dahan akong lumapit ay umatras naman siya palayo dahilan para mapasandal siya sa kotse ko. Akmang tatakas siya ng bigla kong higitin ang kanang kamay niya.
"Subukan mong tumakas. Papatayin kita."pagbabanta ko.Natigilan siya at hindi nakapagsalita. Dahil nandito kami sa Holy Trinity ay hindi ako pwede kumilos ng marahas. So, agad akong nakaisip ng paraan para magawa ko ang nais ko sa babaeng ito.
"Sumunod ka sa akin."sabi ko.
Naglakad ako papunta sa kabilang bahagi ng kotse habang hila-hila siya. Binuksan ko ang pinto ng frontseat at inginuso sa kaniya ito.
"Sakay."utos ko.
Napakurap kurap siya sabay iling. Ngumisi ako at sumulyap sa paligid. Tulad ng inaasahan ay wala pa ring ibang tao dito maliban sa amin.
"Sumakay ka na bago pa ako mawala sa ulirat at mapatay kita."
Wala siyang nagawa kung hindi sumunod. Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng kotse ko. Mabilis naman akong sumunod at umupo sa driver seat. Ihinagis ko sa backseat ang bag ko bago binuhay ang makina ng sasakyan. Pinaharurot ko agad ito paalis ng parking lot. Nang makarating ng gate ay hindi naman kami sinita ng mga gwardiya. Kaya malaya kong nailabas ng Holy Trinity ng sasakyan ko.
Nang sa wakas ay nasa kalsada na kami binilisan ko na ang pagmamaneho.
"Alas! Saan mo ko dadalhin?"tanong niya na halos pasigaw na.
Tumawa ako sabay sulyap sa kaniya. Hindi nagbabago ang itsura ng mukha niya. Takot pa rin.
"Saan mo ko dadalhin?"pag uulit niya.
"Saan mo ba gusto? Sa langit o sa impyerno?"
Napahalalhak ako ng marinig ang pagmumura niya.
"Alas, maawa ka sa akin."
Hindi ko pinansin yun. Seryoso lang na nakatuon ang mga mata ko sa pagmamaneho. Binibilisan ko upang madala ko siya agad sa pribadong lugar.
"Alas!"tawag niya sa akin.
Halos mag crack na ang boses niya dahil sa frustration at kaba. Hanggang sa mapamura ako ng bigla niyang hatakin ang manibela kaya gumewang ang sasakyan ko.
"Fuck shit!"malakas kong bulalas.
"Mas mabuti pang sabay tayong pumunta sa langit o kahit sa impyerno."sabi niya at pilit nakikipaghatakan ng manibela sa akin.
"Gago."sabi ko at hindi hinahayaang magtagumpay siya sa gusto niyang mangyari.
Dahil nga sa nag aagawan kami sa pagkontrol sa manibela ay hindi ayos ang takbo ng sasakyan. Nandyan yung pupunta kami sa kaliwang gilid ng kalsada. Tapos sa kanan. Pagewang gewang na medyo ikinahihilo ko na. Naririnig ko na nga ang ilang busina ng iba pang sasakyang madaraanan namin. Pati yung mga nasa likuran.
"Tumigil ka!"sigaw ko at mabilis na tinulak siya gamit ang isa kong kamay.
Hindi hamak na mas malakas ako sa kaniya kaya napalayo siya sa akin. Narinig kong tumama ang likuran niya sa pinto ng kotse ko. Nagsalubong ang dalawa kong kilay na sinulyapan siya.
"Subukan mo kong galitin ng husto. Babalatan kita ng buhay."naiinis kong sabi.
Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan kong makontrol ng maayos ang sasakyan ko. Tapos siya ay natahimik pero narinig ko ang kaniyang hikbi.
Umiiyak ang Gaga.
"Kahit umiyak ka pa ng dugo dyan. Hindi ka na makakawala. Patay ka sa akin ngayon."
BINABASA MO ANG
Warlord Kings: GENOVESE (The Combative Warlord) (COMPLETED)
Action(GENOVESE- 7) Simula't sapul ng magkaisip ako sa mundong ito. Naranasan ko na ang kalupitan at kahirapan ng buhay. Dahilan para mas maging matapang at matatag ako. Hindi nagtagal marami akong nalaman tungkol sa buo kong pagkatao. Kasabay nun ay nags...