Noong nabubuhay pa si Nana madalas ko siyang nakikitang umiiyak. Kapag tinanong ko siya kung bakit. Hindi siya sumasagot. Niyayakap lang niya ako. Tapos ilang segundo lang okay na siya. Akala ko dati natural yun na maging emosyonal siya. Pero hindi pala.
Dumating yung araw na kinausap niya ako ng seryoso. May ipinagtapat siya sa akin. Tungkol sa buo kong pagkatao. Mabilis ko naman yun natanggap. Pero hindi ko maiwasang mga galit sa mga taong naging dahilan para mabuhay ako sa kasinungalingan.
Isa na dun ang kambal ko.
Nung una kaming magkita ay kumulo na agad ang dugo ko sa kaniya. Dahil sa halo-halong emosyon. Pinaka-matindi dyan ay ang selos. Kasi siya, nasa kaniya na ang lahat. Naranasan niyang mahalin at alagaan ng sarili naming mga magulang. Habang ako, tanging si Nana lang ang naging pamilya.
Grabe ang iritasyon ko kapag dumadalaw si Acel sa akin. Pilit niyang pinamumukha sa akin na magkapatid kami at iisang dugo ang nanalaytay sa aming dalawa. Naiirita ako dun.
Pero nung namatay si Nana. May isa akong na realize. Hindi naman kasalanan ni Acel ang naging kapalaran ng buhay sa loob ng 20 years. So, bakit ako magagalit sa kaniya? Hindi naman siya ang nag decide na ipatapon ako sa malayong lugar dahil malas ako. Sarili naming magulang ang may desisyon nun.Pati ang angkan namin na gusto kong mawala sa mundo.
Sila ang may kasalanan. Sila lang kaya dapat sa kanila ako magalit.
Hindi nagtagal, tinaggap ko ng bukal sa puso ang kambal kong si Acel. Masaya naman dahil may pamilya pa pala ako. Akala ko kasi, wala na.
Maraming pagkakatulad ni Acel. Marami rin na pagkakaiba tulad nalang sa ugali.
Si Acel ay malambing, palatawa, maingay, mabait, mabilis magtiwala, at pala-kaibigan. Kabaligtaran nun akin.
Tahimik akong tao, masungit, never nagtiwala sa kahit sino. Maliban kay Nana nag aalaga sa akin ng 20 years. Tapos hindi ako pala-kaibigan. Mabibilang lang sa daliri ang mga kaibigan ko. Puro pa yun, mga delingkwenteng tao.
Pero kahit may pagkakaiba kaming dalawa ni Acel. Masasabi kong parehas naman kaming magaling sa labanan pisikal man o emosyonal. Nang minsang hinamon ko siya ng isang close combat battle. Nakita ko kung gaano siya kagaling.
"Sabi saiyo, eh. Ako ang hari. Kaya magaling talaga ako."sabi niya.
"Mas magaling ako."pagbibida ko.
Tapos ay nagtawanan lang kami dalawa. Noong araw na yun, hinihiling ko na sana, mas matagal pa kaming magkakasama. Bilang kambal, kapatid, bestfriends, at pamilya.
Pero isang trahedya ang nangyari dahilan para maramdaman kong maiwan na naman akong mag isa.
Ayoko na nun. Ayoko na.
"Ace!"
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sobrang ingay na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Agad kong iginala ang aking tingin sa kabuuan ng aking kwarto. Napangiwi ako ng mapagtantong mukhang nanaginip ako at tungkol na naman kay Acel. Nitong mga nakaraang buwan puro siya ang laman ng panaginip ko.
Tinapik tapik ko ang aking magkabilang pisngi. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Calix na nakangisi habang nakasandal sa pinto. Hawak-hawak niya ang kaniyang cellphone na hanggang ngayon ay tumutunog pa rin.
Pinatay niya lang ito ng magkatinginan kami. Tumuwid siya ng tayo at naglakad palapit sa kama ko.
"Good morning, Boss!"masigla niyang bati.
Inis kong dinampot ang isa sa unan nandito sa aking kama at mabilis na binato sa kaniya. Hayun, sapol sa mukha niya. Tumawa pa ng husto ang Ungas.
"Gago ka. Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko?"iritado kong tanong.
BINABASA MO ANG
Warlord Kings: GENOVESE (The Combative Warlord) (COMPLETED)
Action(GENOVESE- 7) Simula't sapul ng magkaisip ako sa mundong ito. Naranasan ko na ang kalupitan at kahirapan ng buhay. Dahilan para mas maging matapang at matatag ako. Hindi nagtagal marami akong nalaman tungkol sa buo kong pagkatao. Kasabay nun ay nags...