Mabilis akong tumakbo upang hanapin ang pinagmumulan ng boses ni Scarlet. Halos magpalinga linga ako sa paligid para hanapin ang pinanggalingan ng boses. Alam kong si Scarlet yun.
Nakakapagtaka lang na wala ng tao dito maliban sa akin. Kahit gwardiyang nagbabantay wala. Mukhang nasa bukana sila ng gate ng Holy Trinity.
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa marating ang dulong bahagi ng eskwelahan kung saan tambakan na ng mga kung ano-anong basura. Pumasok ako sa isang makipot na daan. Pagkalagpas dun natanaw ko sa di kalayuan ang dalawang lalaki na pilit hinahatak ang isang babae.
Si Scarlet!
Nakita kong may itim na sasakyan sa malapit. Ilang hakbang mula sa kanila ay may hindi kataasang gate. Ito yata ang back door ng eskwelahan.
"Ano ba! Bitiwan ninyo ko!"sigaw ni Scarlet na pilit pumipiglas sa dalawang lalaking may hawak ng braso niya.
"Sumama ka nalang. Matutuwa si Aiken kapag dinala ka namin sa kaniya. Hindi ka naman namin sasaktan."nakangising sabi ng isa.
"Sumama ka na. Dami mong arte!"dagdag ng kasama nito.
"Ano ba! Tulong!"patuloy na sigaw ni Scarlet.
Inis kong dinampot ang plastik na basurahan sa malapit bago binato ito sa isa sa mga may hawak kay Scarlet.
"Putangina!"mura nung isa.
Agad silang napalingon sa akin.
"Bibitawan ninyo siya o bibitayin ko kayo."nakangisi kong banta.
Napansin kong naka-uniporme sila ng tulad ng sa akin. It means, estudyante rin sila dito sa Holy Trinity.
"Huwag kang makialam dito kung ayaw mong madamay."sabi nung medyo singkit ang mga mata.
"Umuwi ka nalang."natatawa namang kantyaw nung kasama niya.
Napamura ako sa aking isipan. Halatang hindi sila takot sa akin. Hindi mawala ang ngisi ko habang tumakbo palapit sa isa. Inilabas ko ang patalim kong tinatago sa bulsa ko. Bago pa makapag react ang isa sa pagsugod ko. Sinaksak ko na siya sa tagiliran.
"Ahh!"sigaw niya kaya nabitiwan niya si Scarlet.
Bumitiw na rin ang isa sa kaniya kaya dali-dali siyang lumayo sa dalawa. Nagtungo siya sa tabi ko.
"Ace, tara na. Huwag mo na silang labanan baka mapatay mo sila."sabi niya sa akin.
Hindi ko yun pinansin. Ang mga mata ko ay nakatitig lang sa dalawang kalaban. Yung isa nakangiwi habang hawak ng kanang ang kaniyang tagilirang dumudugo. Ito namang isa, masama na ang tingin na pinupukol sa akin.
"Ano na? Sugod."paghahamon ko.
"Gago ka!"sigaw ng isa sa kanila at matapang akong sinugod.
Inambahan niya ako ng suntok pero mabilis akong nakailag. Tapos sinundan niya pa ito ang sipa na naiwasan ko rin. Masyado siyang mabagal kaya nababasa ko ang mga gagawin niyang pag atake. Nang makahanap ng pagkakataon ay ako naman ang sumipa sa kaniya. Napaatras siya ng bahagya. Bago pa siya makatuwid ng tayo. Isinaksak ko sa kaniya ang hawak kong patalim. Imbes na sa sikmura siya matamaan tulad ng inaasahan ko. Sa kanang braso siya napurahan dahil ginawa niyang pang depensa ito.
Ilang beses ko yung ginawa kaya mabilis na tumulo ang dugo mula sa braso niya.
"Ah, shit."daing niya at umatras palayo sa akin.
Balak ko pa sana siyang sugurin ulit pero naramdaman kong hinigit ni Scarlet ang aking kaliwa braso. Iritado ko siyang tinignan.
"Tama na, Ace."pag aawat niya.
BINABASA MO ANG
Warlord Kings: GENOVESE (The Combative Warlord) (COMPLETED)
Action(GENOVESE- 7) Simula't sapul ng magkaisip ako sa mundong ito. Naranasan ko na ang kalupitan at kahirapan ng buhay. Dahilan para mas maging matapang at matatag ako. Hindi nagtagal marami akong nalaman tungkol sa buo kong pagkatao. Kasabay nun ay nags...