Chapter 20: Ivan's hidden agenda

336 13 8
                                    



"Alas."rinig kong tawag ni Ander sa akin.

Napatingin ako sa kaniya habang ang dalawang kilay ay nakakunot noo.

"Oh?"tanong ko at tinitigan silang dalawa ni Yanna.

Ngayon ay nandito kami sa classroom.  Magkakatabi kaming tatlo. Napapagitnaan namin ni Yanna si Ander. Kasalukuyan kaming nasa klase pero walang professor. Lumabas lang saglit may pupuntahan yata. Pero kahit ganun ang tahimik dito. Busy ang mga kaklase naming magsulat sa napakahabang pinasusulat ng professor.

Syempre bilang estudyante kuno ay kailangan ko ring magsulat. Ang kagandahan lang nito ay hindi ako magtatagal dito. Dahil misyon ang pinunta ko hindi ang mag aral.

"Kanina pa ako daldal ng daldal. Hindi ka nakikinig."sabi ni Ander.

Nakita kong napatingin si Yanna sa desk ko kung saan nakabuklat ang notebook ko.

"Bakit iba yang sinusulat mo?"tanong niya.

Sumulyap ako sa notebook ko. Napangiwi ako ng makitang imbes na mga aralin ang nandun. Eh, mga kung ano-anong drawing. Peke akong tumawa at tiniklop ang notebook habang ang ballpen ay nakaipit dito. Binalingan ko ng tingin ang dalawa.

"Hindi ka nag aaral. Naku."natatawang sabi ni Yanna.

Umiling ako.

"May iniisip lang ako."palusot ko.

"Nitong mga nakaraang araw. Mukhang distracted ka?"pagbubukas ni Ander ng usapan.

Bago iyon sinagot ay luminga ako sa paligid. Ngayon dito sa classroom ay sampu lang kaming estudyante. Ang mga kaklase naman ay walang pakialam sa ginagawa namin nila Ander at Yanna na pagtsitsismisan.

"Oo nga, Alas."pagsang ayon ni Yanna.

Bahagya akong sumimangot. Hindi ko alam na observant pala ang dalawang ito.

"Baka may problema ka?"tanong niya pa.

Gusto ko sanang tumango. Dahil totoo namang may problema ako. Ito nga ay kung paano mai-isa-isa ang mga taong nais kong patayin. Pero hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila yun. Kahit pa mabait sila sa akin ay hindi ko sila pwedeng pagkatiwalaan.

"Wala naman akong problema. Sadya lang na wala akong gana nitong mga nakaraang araw."sagot ko.

Pasado alas dyes na ng umaga. Ilang oras nalang tanghali na naman at mamaya hapon na. Hanggang sa gumabi na. Sa oras na iyon ay magkikita kami ni Ivan at plano ko nga na ngayon gawin ang pagpatay sa kaniya.

"Bakit naman wala kang gana? Eh, mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Scarlet."nakangising sabi ni Yanna.

Pati si Ander ay ngumisi sabay tawa. Sa mukha palang nila mababase ko na ang tumatakbo sa mga isipan nila tungkol sa amin ni Scarlet.

"Sana sagutin ka niya. Bagay pa naman kayo."pang aasar ni Yanna.

Tinapik tapik ni Ander ang kaliwang braso ni Yanna.

"Botong boto ka sa kanila. Palibhasa, gusto mong ma-solo si Devil."pang aasar niya dito.

Sumimangot si Yanna.

"Hindi naman. Tingin ko lang kasi gusto ni Scarlet si Alas. Nahihiya lang siya."

Sa narinig ay muling bumalik sa aking isip ang pag uusap namin ni Scarlet kahapon. Nung kinumpronta ko siya kung may gusto ba siya sa akin. Sagot niya wala raw. Concern lang siya dahil magkakampi kami.

"Kaya Alas, galingan mo panliligaw. Kahit pa dalawang Gangster ang karibal mo."pagmo-motivate niya.

Ikinibit balikat ko nalang yun. Hindi na ako nagsalita pa. Alam nga kasi nila nililigawan ko si Scarlet. So, bahala sila.

Warlord Kings: GENOVESE (The Combative Warlord) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon