"Shit."mahina kong bulong at pilit idinidilat ang mga mata.
Sumasakit ang ulo ko. Ang init ng katawan ko at wala akong lakas. Mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Pero heto ako at nagmamaneho papuntang Holy Trinity. Halos tanghaling tapat na. Late na nga kasi akong nagising at nagmadali lang para makapunta sa eskwelahan.
Nakakainis lang bakit kasi ngayon pa ako nagkasakit. Simula pagkabata ay bihira na akong magkaganito. Malakas nga ang resistensya ko. Ngayon mukhang tinablan ako na hindi ko alam kung bakit.
Panay ang mura ko habang patuloy na nagmamaneho. Hanggang sa nakarating ako sa aking distinasyon. Hndi ko alam kung paano ko nakayang makapunta sa Holy Trinity. Buti na nga lang at nakilala ko ng mga gwardiya kaya pinapasok na nila ako. Nang maiparada ko ang sasakyan ko ay agad na akong lumabas at sandaling natigilan ng makaramdam ng pagkahilo.
Nakangiwi kong hinawakan ang ulo ko gamit ang kanang kamay. Tapos ay dinukot sa bulsa ang cellphone ko gamit naman ang kaliwang kamay. Binasa ko dun ang huling text ni Yanna. Nasa Cafeteria raw sila at nagkakagulo na naman dahil sa dalawang ungas. Obviously, si Devil at Light.
Naglakad na ako palayo sa sasakyan ko para tunguhin ang Cafeteria kung saan kami madalas kumakain. Ibinalik ko sa aking bulsa ang cellphone at marahang luminga sa paligid. Napansin kong nakatitig sila sa akin. Napamura ako ng maalalang hindi pala ako naka-uniporme. Sibilyan ang suot ko ngayon. Simpleng black t-shirt at maong pants.
Sa pagmamadali ay hindi na ako nakapagsuot ng uniporme. Wala naman kasi sa isip ko ang pumasok ngayon. Dahil nga may sakit ako. Nagkunwari lang ako kay Calix kanina na wala na akong sakit. Kailangan ko lang puntahan si Scarlet. May hula na ako na ganito ang mangyayari.
Kapag wala ako, dun sabay na guguluhin ni Devil at Light si Scarlet. So, bilang kakampi niya kailangan kong tumulong.
Sa paglalakad ay hindi ko namalayan na nasa Cafeteria na ako. Pagpasok sa loob ay bumungad sa akin ang magulong paligid. Tulad ng inaasahan ko. Nasa gitnang bahagi si Devil at Light. Nasa tabi nila si Scarlet. Habang ang ibang estudyanteng nakiki-usyoso sa nagaganap na away.
Namataan ko naman sa malapit ang grupo ni Devil. Si Primo, Angelo, Ivan, Ranjell at Queen Ice. Dagdag si Yanna at Ander.
Si Kaito ay nakita ko rin kasama pa ang ibang alalay ni Light na hindi ko naman kilala.
Ang mga alalay ni Devil at Light ay nasa gilid lang. Nanunuod lang sila sa palabas na nagaganap. Malalim akong napabuntong hininga ng titigan si Scarlet. Papalit palit ang tingin niya sa dalawang nakapaligid sa kaniya. Bakas ko sa kaniyang mukha ang kalituhan at kaba.
Napasinghap ang iba pang estudyante sa paligid ng itulak ni Light si Devil. Marahang napa-atras ito.
"Huwag mong isisi sa akin kasalanan mo. Kaya kong protektahan si Scarlet."sabi ni Light na seryoso ang mukha.
"Mas kaya kong gawin yun."taas noo na sagot ni Devil.
Parang gusto kong masuka sa mga dialogue nitong dalawa. Magagaling na artista.
Nakaramdam ako ng iritasyon ng higitin ni Devil ang kanang braso ni Scarlet. Ilang segundo lang ay napamura ako ng kunin naman ni Light ang kaliwang braso nito. Bale, nakahawak sa magkabilang braso ni Scarlet ang dalawang ito.
"Bitiwan mo."sabi ni Devil kay Light.
"Ikaw ang bumitiw. Sa akin siya."nakangising sabi naman ni Light dahilan para mapataas ang isang kilay.
Anong sabi niya? Sa kaniya raw si Scarlet?
"Tama na nga. Tigilan ninyo na ito."sabat ni Scarlet na pilit hinihila ang mga braso sa dalawang lalaking nag aagawan sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Warlord Kings: GENOVESE (The Combative Warlord) (COMPLETED)
Action(GENOVESE- 7) Simula't sapul ng magkaisip ako sa mundong ito. Naranasan ko na ang kalupitan at kahirapan ng buhay. Dahilan para mas maging matapang at matatag ako. Hindi nagtagal marami akong nalaman tungkol sa buo kong pagkatao. Kasabay nun ay nags...