Agad naman ng umalis si Calix matapos naming mag usap kanina lang. Bumalik naman na ako sa klase ko para ipagpatuloy ang natitira pang oras bago mag uwian. Halos isang oras nalang kasi ang kailangan kong bunuin sa eskwelahan na ito.
Habang nagkaklase ang professor sa unahan ay panay ang daldal sa akin ng dalawang katabi ko. Tinanong nila kung anong nangyari matapos akong kausapin ng Dean kanina lang.
Sinabi ko lang na hindi ako suspended. Nagtaka pa ang dalawa. Wala naman na akong ibinigay pang detalye. Hanggang sa mag uwian na. Dahil may dala akong sasakyan ay na una ako sa kanila. Lalo na at pupunta na naman si Yanna sa burol ni KJ. Inaya raw siya ni Angelo. Napansin kong nagiging close si Yanna sa mga galamay ni Devil.
Si Ander naman daw ay uuwi na ng maaga dahil may gagawin pa siya. Bahala sila sa mga buhay nila. Wala na ako pakialan dun.
Tahimik akong naglalakad papunta sa parking lot habang bitbit sa kanang kamay ang susi ng kotse ko. Palinga linga pa ako sa paligid. May ilan nalang estudyante ang narito. Nang makarating sa parking ay tinahak ko na ang sasakyan kong nasa bandang dulo. Bigla akong napatigil ng makita si Scarler na nakatayo sa gilid lang ng sasakyan ko. Sakto namang napatingin siya sa akin.
Ngumiti siya ng tipid dahilan para mapasimangot ako.
"Bakit nandito ka pa? Nasaan ang sundo mo?"tanong ko at naglakad palapit sa kaniya.
Huminto ako sa mismong tapat niya. Napansin kong titig na titig siya sa akin. Bigla akong na consicious kaya napaiwas ako ng tingin.
"Hinihintay ko nga ang sundo ko."rinig kong sabi niya.
Tumango tango ako at binalingan siya uli ng tingin.
"Sige, mauna na ako saiyo."sabi ko at peke siyang nginitian.
Nilagpasan ko na siya at lumapit sa sasakyan ko. Pero natigilan ako ng maramdamang hinila niya ang dulo ng polo ko. Bumuga ako ng hangin.
Ito na naman siya.
Agad ako siyang nilingon at tumuwid ng tayo.
"Ano naman, Iyakin? Dakila ka talagang abala sa oras ko, eh."sabi ko.
Napasimangot ako ng makitang tumatawa siya.
"Anong nakakatawa sa sinabi ko?"
Umiling iling siya.
"Wala naman. Masaya lang akong kausap ka. Kasi mabait ka."
Kumurap kurap ng ilang beses sa narinig. Ano raw? Ako mabait?
Namilog ang mga mata ko sa kaniya. Adik yata ang babaeng ito. Tinawag niya akong mabait. Kung alam niya lang kung ilang tao na ang napatay ko. Matatawag pa ba akong mabait nun. Hinihintay na nga lang ni Santanas ang kamatayan ko para i-welcome sa bahay niya.
Sabagay, walang kaalam-alam ang babaeng ito sa tunay kong tunay kong pagkatao. So i guess, a-akalain niyang mabait talaga ako. Lalo na tinulungan ko siya ng dalawang beses.
"Ace, pwede ba tayong maging magkaibigan?"
Sa kaniyang tanong ay napabalik ako sa reyalidad.
"At bakit gusto mo kong maging kaibigan?"
"Dahil mabait ka."
Natawa ako sa napakababaw niyang dahilan.
"Alam mo, huwag kang masyadong magtitiwala sa mga taong ngayon palang nakikilala. Lalo na sa akin."
Kumunot ang noo niya.
"Bakit naman? Ayaw mo ba ng kaibigan? Masaya magkaroon ng kaibigan."
Nag iba ang pakiramdam ko ng mabanggit niya ang pakikipagkaibigan. Bigla akong nairita.
BINABASA MO ANG
Warlord Kings: GENOVESE (The Combative Warlord) (COMPLETED)
Action(GENOVESE- 7) Simula't sapul ng magkaisip ako sa mundong ito. Naranasan ko na ang kalupitan at kahirapan ng buhay. Dahilan para mas maging matapang at matatag ako. Hindi nagtagal marami akong nalaman tungkol sa buo kong pagkatao. Kasabay nun ay nags...