Chapter 24: Proposal

334 19 5
                                    




Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ang mga mata ko ay nakatutok kay Light na naka-upo pa rin sa swivel chair. Nanatiling nakangisi siya sa akin na tila tuwang tuwa sa reaksyon ko ng mabanggit niya ang totoo kong pangalan.

"Gulat ka no? Hindi mo akalain na kilala kita."natatawang sabi nito.

Umiling iling ako.

"Nagkakamali ka. King Alas Cruz ang pangalan ko."pilit kong pagsisinungaling.

Humagalpak siya ng tawa sabay palakpak.

"Huwag ka ng magsinungaling. Dahil hindi effective yan. Lalo na sa simula palang alam ko na ang totoo."

Ikinuyom ko ang aking kanang kamao. Ano bang pinagsasabi ng isang ito? Parang gusto ko nalang siya sapakin para manahimik.

"What do you mean? Anong alam mo?"tanong ko at bahagyang lumapit sa kaniya.

Huminto ako mismo sa tapat ng lamesang kinaroroonan niya. Lakas din ng loob ng isang itong tumambay dito sa opisina ng Dean.

"Bago ka pa dumating dito sa Holy Trinity. Alam ko ng hindi ikaw si Alas or should i say, Lord A."

Nagulat ako sa kaniyang sinabi. What the hell? Paano niya nalaman na si Acel ay si Lord A.

Inis kong hinampas ang lamesang nasa tapat gamit ang kanang kamay ko at sreyoso siyang tinitigan.

"Paano mo nalaman yan? Paano?"interesado kong tanong.

Tumawa na naman siya dahilan para mairita ako.

"Hindi ba na kwento ni Alas saiyo?"

Napakunot noo ako.

"Wala siyang na kukwento."sabi ko.

Tama. Nitong magising si Acel. Hindi namin na pag uusapan itong si Light.

"Nung nasa Zhilapeźa pa kami parehas. Nag usap kami at pinagtapat ko sa kaniyang kilala ko ang buong pagkatao niya."

"Tapos?"

Ngumiti siya at tumayo sa kaniyang kinauupuan. Naglakad palapit sa akin. Umupo siya sa lamesang nasa tapat ko.

"Dahil matigas ang ulo ng Kambal mo.  Napahamak siya at na saktuhan nila Devil. Yung time na madala siya ng tauhan mo sa Hospital. Nandun ako nun."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko.

"You mean, nakita mo ang lahat-lahat?"

Tumango siya.

"Yup. Dun kita unang nakita. Kaya tumama ang kutob kong may Kambal nga siya."

"So, dati mo pa alam?"

"Yup. Dati ko pa kilala ang Kambal mo. Nung hindi pa kami nagkakakilala sa Zhilapeźa. Marami akong alam tungkol sa kaniya. Tulad na ngang siya si Lord A. At sa pagkakaroon niya ng Kambal na hindi alam ng karamihan."

Sa madaling salita, itong si Light bistado na ang pagpapanggap ko.

"Anong pinupunto mo ngayon? Bakit mo ko kinakausap tungkol dyan?"

Muli na naman siyang tumawa kahit wala namang nakakatawa.

"Alam ko ang misyon mo bakit ka nagpapanggap na si Alas. Gusto mong gumanti kala Devil."

Ako naman ngayon ang natawa.

"Yeah, tama ka. Gaganti nga ako. Pero correction. Hindi lang sila. Gago, kasama ka."sabi ko at naningkit ang mga mata sa kaniya.

Ngumiwi siya at tumayo ng tuwid. Nakangisi niyang tinapik tapik ang kaliwang balikat ko.

"Fine. Maiintindihan kong kasama ako sa pinaghihigantihan mo. Pero marami akong dahilan kaya napasama ako."

Warlord Kings: GENOVESE (The Combative Warlord) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon