Naniningkit ang mga mata ko habang nakatitig sa babaeng nasa harapan ko. Tumigil na ito sa pag iyak pero yung mukha niya. Malungkot pa rin. Hindi ko tuloy maiwasang mairita. Hindi na nga siya maganda. Tapos ganyan pa ang aura ng mukha niya.
"Pwede ba, bawas-bawasan mo ang pagiging iyakin mo."sabi ko.
Hindi siya nagsalita. Napakurap kurap lang siya sa akin.
"Tapos huwag kang maglalakad dito. Maraming masamang tao sa mundo ngayon. Dapat mag ingat ka. Kung ayaw mong mawala ng maaga."dagdag ko pa.
Gusto ko sanang batukan ang sarili ko sa mga sinasabi. Dahil nag fe-feeling mabuting tao ako. Eh, alam ko namang masama rin ako.
Nanatiling tikom ang bibig ng kausap ko. Nakatingin lang siya sa akin. Bago pa ako mairita ng tuluyan sa kaniya ay naisip ko nalang na umalis. Tutal kanina pa ako atat umuwi.
"Dyan ka na nga."sabi ko at tinalikuran na siya.
Hindi pa ako nakakalakad ng malayo ng maramdaman kong may humila sa laylayan ng suot kong polo. Sino pa nga bang gagawa nun. Malamang, si Iyakin.
Napabuga ako ng hangin at hinarap siya. Agad niyang binitiwan ang damit ko ng magkatitigan kami.
"Problema mo?"tanong ko.
Hindi siya agad sumagot. Nabasa ko sa mga mata niya ang pag aalinlangan.
"Ano nga? Kung wala kang sasabihin. Aalis na ako. Isa kang dakilang istorbo sa akin."reklamo ko.
"H-hindi kasi ako...marunong umuwi sa amin."
Natigilan ako. Tinitigan siya mula ulo hangga paa.
"Sarili mong bahay, hindi mo alam kung paano uwian? Ano ka batang limang taon?"hindi makapaniwalang bulalas ko.
Ngumuso siya na parang bata. Ang dalawang kamay ay ipinagsaklop pa.
"Kasi, usually hatid sundo ako. Hindi ako nag commute. Kaya hindi ako marunong."sabi nito na halatang nahihiya.
Napahalakhak ako pero agad din namang sumimangot. Halata sa itsura ng babaeng iyakin na ito na mayaman siya. Ganyan ang mga asta ng mayaman. Yung tipong nga weak. Lalo na kapag babae. Well, except kay Queen Ice Buertvale.
"Problema mo na yun. Huwag mo kong idamay."
Dahil sa sinabi ko ay mas lalong lumungkit ang mukha niya at any moment ay iiyak na naman. Asar akong napapadyak.
"Fine. Takte ka. Huwag mo kong iyakan. Sasamahan na kita pauwi sa bahay mo."bigla kong na sabi.
Nagliwanag ang mukha niya na tila nabuhayan sa narinig. Napaatras ako ng bahagya palayo sa kaniya ng lumapit siya sa akin. Hinawakan niya pa ang isang kamay ko dahilan para matigilan ako.
"Salamat."pagpapasalamat nito sabay ngiti.
Nang mapatitig sa kaniyang mukhang nakangiti ay may kung ano kong naramdaman sa puso ko. Bahagyang bumilis ang pagtibok nito.
Oh shit.
Sa pagkabigla ay hinila ko ang aking kamay sa kaniya at tumuwid ng tayo.
"Tara na nga. Sabihin mo kung saan ang address ng bahay mo."sabi ko at tinalikuran na siya.
Naglakad ako agad. Sumabay naman siya sa akin. Lihim akong kinabahan.
Tapos ay napaisip ako kung bakit ako kinakabahan.
"Baliw ka na, Ace."mahina kong bulong sa sarili.
Nang makarating sa sakayan ng taxi ay sumakay na kaming dalawa. Pansin ko pa nga na medyo takot siyang sumakay. Pagpasok namin sa loob ng sasakyan ay tinanong ko sa kaniya ang eksaktong address ng bahay niya. Sinabi naman niya.
BINABASA MO ANG
Warlord Kings: GENOVESE (The Combative Warlord) (COMPLETED)
Action(GENOVESE- 7) Simula't sapul ng magkaisip ako sa mundong ito. Naranasan ko na ang kalupitan at kahirapan ng buhay. Dahilan para mas maging matapang at matatag ako. Hindi nagtagal marami akong nalaman tungkol sa buo kong pagkatao. Kasabay nun ay nags...