Chapter 39: Realization

285 17 5
                                    



Hindi ko maitago ang excitement ng maalala ang pag uusap namin ni Ranjell. Sinabihan ko siyang tatawagan bukas ng gabi para i-update sa kaniya ang lugar kung saan mismo makikita si Angelo kasama ang kabit nito. Bago iyon ay kailangan ko munang paghandaan ang lahat para walang maging problema pagdating ng linggo.

Plano kong i-set up silang tatlo sa iisang lugar. Tapos dun na sila magka-alaman. Pagbibigyan ko silang mag labas ng sama ng loob sa isat isa bago ko sila patayin. Mukhang magiging magandang palabas ang mapapanuood ko sa tatlo. Lalo na at ramdam kong sobrang magagalit si Ranjell once na malaman niyang si Kaito ang tinatagong karelasyon ni Angelo.

Ang saya lang nun.

Natawa ako ng mahina bago umiling habang ang mga mata ay naka-tuon sa daan. Tahimik akong nagmamaneho pauwi na ng mansyon. Nasa tabi ko ngayon si Scarlet na ramdam kong nakatitig sa akin.

"May gusto ka bang sabihin?"tanong ko.

"Wala naman. Pansin ko lang na iba yata ang mood mo ngayon."rinig kong sabi niya kaya sandali ko siyang sinulyapan sabay ngisi.

Muli kong ibinalik ang tuon sa pagmamaneho.

"Paano iba?"may kuryusidad kong tanong.

"Parang masaya ka. May nangyari ba kanina? Nakita kitang kausap si Ranjell."

Sa kaniyang sinabi ay naalala kong naabutan niya kami ni Ranjell na nag uusap kanina sa parking lot ng Holy Trinity.

"Tungkol ba yan, sa pina-plano mo? Kaya ka nakikipag-close sa kaniya ngayon?"dagdag niya pa na ikinatango ko.

"Exactly."sagot ko.

Hindi ko alam pero hindi na talaga ako makapaghintay na dispatyahin ng magkakasabay si Angelo, Kaito at Ranjell. Siguro dahil nasasabik na akong matapos ang lahat ng ito. Sa oras na mapatay ko yung tatlo. Dadako ako kay Queen Ice. Ang babaeng iyon ang magiging kahinaan ni Devil. Gagawa ako ng plano para sa kaniya. Hintayin niya lang.

"Kailangan mo ba ng tulong?"

Bahagya akong nagulat sa narinig. Napataas ang isang kilay ko. Seryoso? Nagtatanong siya kung kailangan ko ng tulong?

"At sa paanong paraan ka naman makakatulong?"

"Kahit ano basta may maitulong lang. Feeling ko, walang silbi ang pagiging magkakampi natin kung hindi kita tutulungan."

Napabuga ako ng hangin sa pagdadrama niya.

"It's okay. Alam kong hindi mo naman kakayanin."

"Gusto ko lang na tulungan ka."

"Sure. Tulungan mo kong mapatay si Angelo, Ranjell at Kaito ng magkakasabay. Magagawa mo ba yun?"

Natawa ako ng hindi siya sumagot. Nakangisi ko siyang sinulyapan ulit. Nakatitig lang ito sa akin ng seryoso.

"Nanahimik. I'm sure hindi mo kaya."

"Hindi mo naman ako masisisi. Hindi ako assassin na tulad mo. Wala akong alam sa ganyan at ayokong pumatay ng tao. Gusto ko lang maparusahan yung taong may kasalanan sa akin."

Ako naman ngayon ang natahimik matapos marinig ang pahayag niya. Nung una palang naman ay malinaw na sa akin ang estado niya pagdating sa misyon na ginagawa namin. Itong paghihiganti na kailangang ubusin ang lahat ng miyembro ng Scorpion Onźe.

Gusto niyang maipakulong ang taong gumahasa sa kaniya. Sa ganung paraan niya gustong gumanti. Although, galit na galit siya dito ay hindi niya ito kayang patayin.

Dahil nga ibang iba siya sa akin.

"I know. Kaya manahimik ka nalang at maghintay ng tamang pagkakataon sa paghihiganti ng sinasabi mo."seryoso kong litanya.

Warlord Kings: GENOVESE (The Combative Warlord) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon