Malapad ang ngiti ko habang nakatingin sa dalawang lalaki na naglalakad palapit sa akin. Parehas silang may backpack na dala. Senyales na ready silang manatili dito sa private resort ng ilang araw. Hindi ko tuloy mapigilan ang excitement.
Agad kong napansin ang pagtataka sa mukha ni Kaito ng sandaling huminto sila sa tapat ko.
"Anong ibig sabihin nito?"tanong niya sabay tingin kay Angelo.
Nakangiwing hinawakan ni Angelo ang isa niyang kamay.
"Alam niya na ang tungkol sa atin."sabi nito.
Namilog ang mga mata ni Kaito.
"Paano mo nalaman? At bakit?"panibago niyang mga tanong.
Natawa ako at umiling.
"Hindi na mahalaga yun. Basta nalaman ko na."sabi ko.
Bahagya akong nagulat ng hatakin ni Kaito ang jacket kong suot habang ang mga kilay ay magkasalubong.
"Anong pinaplano mo, Alas? Sabihin mo na."
Pinilit kong ikalma ang aking sarili sa inaasta niya.
"Wala akong pinaplano. In fact, suportado nga ako sa inyo. Dahil kaibigan pa rin ang turing ko sa inyo kahit hindi ganun ang turing ninyo sa akin."sabi ko.
"Kai, ayos lang yan. Mapagkakatiwalaan naman si Alas. Mabait na yan. Hindi tulad ng dati."sabat ni Angelo at tinapik ang isang braso ni Kaito.
Lihim akong napamura sa kaniyang sinabi. Hindi raw ako mabait dati? So, obviously ang tinutukoy niya ay si Acel.
Kapal din ng isang ito. Pinalalabas na si Acel pa ang may masamang attitude. Samantalang sila nga ang mga taksil.
Napabuga ako ng hangin ng bitiwan ni Kaito ang jacket ko. Bahagya siyang lumayo sa akin.
"Fine. Sana lang totoo yang sinasabi mo."sabi ni Kaito at seryoso pa rin ang pinupukol sa akin.
Agad akong napatango.
"Of course. Love wins."sabi ko.
As if naman na nagsasabi ako ng totoo.
"By the way, Alas. Ito na ba yun?"tanong ni Angelo at iginala ang tingin sa paligid.
Tumango ako.
"Private resort ito. Tanging kayong dalawa ang guest."
Hindi umimik si Kaito sa sinabi ko. Si Angelo naman ay panay ang linga.
"Tara."pag aya ko at tinalikuran na sila.
Nagsimula akong maglakad papasok sa bukas na pintuan. Naramdaman ko naman ang pagsunod nila.
"Wow."rinig kong manghang bulalas ni Angelo.
Namangha siya sa bumungad sa kaniyang mga mata. Elegante kase ang lobby ng private resort na ito at tanging kami lang tatlo. Bale apat kasama si Nickson.
"Naka-ready na lahat ng kakailanganin ninyo. Especially sa mga pagkain."sabi ko at hinarap sila.
"Nasaan ang mga staff dito?"nakakunot noo na tanong ni Kaito.
Bago ako sumagot ay napatingin kaming tatlo sa parating. Ngising demonyo ako ng makita si Nickson na palapit. Magalang itong yumukod kay Kaito at Angelo.
"Good evening. I'm Mark. Ang magsisilbing all around staff dito sa resort para sa inyo."pakilala niya.
Hindi ko mapigilang matuwa ngayon kay Nickson. Bagay sa kaniya ang uniporme niyang suot. Mukha na talaga siyang staff dito.
BINABASA MO ANG
Warlord Kings: GENOVESE (The Combative Warlord) (COMPLETED)
Action(GENOVESE- 7) Simula't sapul ng magkaisip ako sa mundong ito. Naranasan ko na ang kalupitan at kahirapan ng buhay. Dahilan para mas maging matapang at matatag ako. Hindi nagtagal marami akong nalaman tungkol sa buo kong pagkatao. Kasabay nun ay nags...