Chapter 13: Sick

368 27 6
                                    






Matapos turuan ng leksyon ang mayabang na si Prince. Tumahimik ang buong Cafeteria. Dahil dun nakakain din kami ng maayos sa wakas. Bumili nalang ulit kami ng makakain. Tapos ay sinamahan ni Yanna si Scarlet na makapagpalit ng damit. Buti nalang may estudyanteng nag magandang loob na pahiramin ng extrang uniporme si Scarlet. So, ayun naging malinis na uli siya. Kaysa kanina na marumi dahil sa mga pagkaing tumilapon sa kaniya.

Habang kumakain ng tanghalian. Pansin ko ang mga matang mapanuri na nakatitig sa akin. Sino pa ba? Eh, di ang ibang tao rito sa Cafeteria. Mukhang natakot yata sila sa ginawa ko kanina. Pero dedma nalang ako dun at tahimik na kumain lang.

Hindi nagtagal ay pare-parehas na kaming natapos at umalis sa Cafeteria. Hinatid muna namin si Scarlet sa klase niya. Bago kami umalis nila Ander at Yanna ay sinabihan ko siyang hintayin ako sa Parking Lot mamaya. May sasabihin ako sa kaniya.

"Ano yung sasabihin mo sa kaniya?"may kuryusidad na tanong ni Ander ng maka-alis kami sa classroom nila Scarlet.

"Confidential yun. Bawal sabihin."sagot ko.

Natawa si Yanna at tinapik tapik ang kanang braso ko.

"Sus, mag confess ka na kay Scarlet."sabi niya dahilan para mapahinto ako sa paglakad. Maging sila ay napahinto rin.

Pinaningkitan ko ng mga mata si Yanna.

"Wala akong gusto sa babaeng yun."sabi ko.

Hindi ako tanga para hindi maintindihan ang ibig niyang sabihin.

"Ayiee, bagay naman kayo."pang aasar ni Yanna. Si Ander natatawa lang.

Nakasimangot na napailing iling ako at nagmartsa na paalis. Sila naman ay nakasunod lang sa akin.

Hanggang sa makarating kami sa next naming class panay ang asar ni Yanna sa akin. Tuwang tuwa ang babaeng ito palibhasa ay may gusto siya kay Devil.

Hindi ko nalang pinatulan ang pang aasar niya. Seryoso akong nanahimik dito. Sa patuloy na paglipas ng oras habang nasa klase kami ay napatitig ako kay Yanna ng makitang may tinitignan siyang kung ano sa kaniyang cellphone. Tapos ay sumulyap siya sa amin ni Ander. As usual, magkakatabi kami sa upuan.

"Si Angelo nag text. Kakausapin niya raw tayong tatlo."sabi niya.

Nagkatitigan kami ni Ander. Kumunot ang noo ko.

"Para saan daw?"tanong ko.

Ngumuwi si Yanna.

"Wala akong ideya. Hindi naman niya sinabi. Basta pumunta raw tayo mamayang uwian sa hideout nila."

Tumango lang si Ander. Ako naman ay napaisip.

Nang dumating ang uwian ay pinauna ko na si Yanna at Ander dun sa hideout ng grupo ni Devil. Sabi ko susunod nalang ako. Kailangan ko muna kasing pumunta sa parking lot dahil may usapan kami ni Scarlet. May sasabihin nga ako sa kaniya.

Sa paglalakad papunta sa Parking ay nakita ko na si Scarlet na naroon. Nakatayo siya sa tabi ng sasakyan ko habang ang mga kamay nakahawak sa straps ng kaniyang cellphone. Nang makalapit ako ay tumuwid siya ng tayo at ngumiti ng bahagya sa akin.

"Ano bang sasabihin mo?"agad niyang tanong.

Bumuga ako ng hangin at tumitig sa paligid. Sa ngayon ay kami lang dalawa ang tao rito. Sakto dahil medyo confidential nga itong sasabihin ko.

"Gusto mo bang makita si Acel?"mahina kong tanong.

Napakurap kurap siya bago tumango.

"Mamayang gabi pupuntahan kita sa bahay ninyo. Hintayin mo ko. Dadalhin kita sa kaniya."

Warlord Kings: GENOVESE (The Combative Warlord) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon