"Anong pinagsasabi mo?"tanong niya na nanatiling hawak ang kwelyo gamit ang isa niyang kamay.
Ngumisi ako at tinaasan siya ng isang kilay.
"Woah, maang-maangan."komento ko.
Natawa ako ng maramdamang mas lalong humihigpit ang hawak niya sa kwelyo ng polo ko. Parang anytime ay sisirain niya na ito.
"Diretsahin mo ko."seryoso niyang sabi.
Tumango ako. Diretsuhan pala ah.
"Ikaw at si Angelo ay may relasyon. Tama ba?"
Natigilan siya at ilang beses napakurap kurap. Muli akong natawa at inis na tinabig ang kamay niya sa damit ko. Humakbang ako palayo ng isa sabay pagpag ng damit kong nagusot na.
Nang ibaling ko ang tingin ko sa kaniya. Nanatili siyang tahimik.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo."patuloy niyang pagtanggi.
Tumuwid ako ng tayo at isinukbit sa aking likuran ang bag ko. Tapos ay ngumiti ng peke sa kaniya.
"Tama na ang pagtanggi, Ranjell. Alam ko na ang sikreto ninyo. Baka gusto mong mangalap pa ako ng ibidensya para maihayag sa madla na kayong dalawa ni Angelo ay isang...Bakla."
Ang kaniyang mukha ay para ng papatay ng tao sa galit.
"Teka, huwag kang magalit. Wala namang akong balak na laitin ka o kayong dalawa. Nirerespeto ko ang pribado mong buhay."paliwanag ko sabay tawa.
Sa totoo lang, nagulat ako sa sikreto nilang ito. Pero ganun pa man. Kailangan ko pa rin silang patayin dahil sa kasalanan nila kay Acel.
Kung hindi ko ito gagawin. Alam kong babalikan nila si Acel para tuluyang mapatay. So, dapat unahan ko na sila.
"Wala namang masamang maging ganyan. Nagmamahal ka lang naman."dagdag ko pa.
Ang sinabi kong iyon ay totoo at walang halong kaplastikan. Sayang nga lang at naging parte sila ng grupo ni Devil.
"Paano mo nalaman? Kailan pa?"
Natawa ako sa narinig. Expected ko ng itatanong niya sa akin ito.
"Recently lang. Saka, base lang iyon sa obserbasyon ko. Sakto namang tama pala."kunwari kong sagot.
Umiling iling siya sabay buga ng hangin.
"Ngayong alam mo na. Please lang, itikom mo yang bibig mo. Dahil hindi ako mag aalinlangan na putulin yan. Sa oras na pinagkalat mo ang nalalaman mo."babala niya.
Muli akong natawa. Gusto niyang isikreto ko sa lahat ang tungkol sa relasyon nila ni Angelo. Nice move.
"Okay. Sinabi ko na kanina. Wala naman akong balak makialam sa buhay ninyo. Kinausap lang kita para malaman mong may nalalaman ako."sabi ko.
Syempre iyon ay isang kasinungalingan lang. Hindi ko nga maipaliwanag ang aking tuwa ngayon. Dahil ang sikreto nilang ito ang gagamitin ko para mapatay ko silang dalawa ni Angelo. Kasama na si Kaito.
Ang tanong lang ngayon. Alam kaya ni Devil na ganun sila?
"Ngayong kinumpirma ko na. Manahimika na."seryoso niyang sabi at nilagpasan ako.
Hindi pa siya tuluyang na nakakalayo ng tawagin ko siya. Magkasalubong ang mga kilay niya akong nilingon.
"Ano na naman?"tanong niya.
Bahagya akong lumapit at huminto sa tapat niya.
"Kahapon daw nakita kayo ni Scarlet na nag aaway ni Angelo. Totoo ba?"pakiki-tsismis ako.
BINABASA MO ANG
Warlord Kings: GENOVESE (The Combative Warlord) (COMPLETED)
Action(GENOVESE- 7) Simula't sapul ng magkaisip ako sa mundong ito. Naranasan ko na ang kalupitan at kahirapan ng buhay. Dahilan para mas maging matapang at matatag ako. Hindi nagtagal marami akong nalaman tungkol sa buo kong pagkatao. Kasabay nun ay nags...