Chapter 41: Tears

285 17 8
                                    





"What?"gulat niyang bulalas sa kabilang linya.

Napabuga ako ng hangin at binalingan ng tingin si Calix at Nickson. Sinenyasan ko silang lumabas na ng silid. Agad naman nila akong na unawaan kaya tahimik silang naglakad palabas. Hanggang sa ako nalang ang naiwan dito.

"Genovese?"rinig kong tawag ni Figouera sa akin.

"Ang sabi ko, ihahatid ko bukas ng umaga si Scarlet saiyo. Ikaw ng mag asikaso para makauwi siya sa magulang niya."

Hindi siya nagsalita. Bagkus narinig ko lang ang buntong hininga niya.

"Sigurado ka? Last time na mag usap kami. Ayaw niyang pumayag. Dito lang daw siya pilipinas."

"I know. Pero hindi na ako pabor dun."

Sa ayaw at gusto niya. Uuwi siya sa magulang niyang nasa Italya.

"Malala na ba ang sitwasyon?"tanong niya.

Muli akong napabuga ng hangin.

"Yeah, na realize kong mas magiging secured ang safety niya kung pupunta siya malayong lugar."

"I agree. Alam kong tinutulungan mo siya at alam ko rin na kaya mo siyang protektahan. Pero mas pabor pa din ako kung nasa pangangalaga siya nila Tito at Tita."

Napatango ako.

"Kaya nga, bukas ihahatid ko siya dyan. Ikaw na sanang bahala sa mabilisan niyang pag alis."

Nakaramdam ako ng lungkot matapos kong sabihin yun.

"Okay. Naiintindihan ko. Itext mo nalang ako bukas kapag papunta na kayo."sabi niya.

Inis kong hinimas ang batok ko ng mapabalik sa reyalidad. Pasado alas nwebe na ng gabi pero hindi pa rin ako natutulog. Tahimik akong naka-upo sa sofa habang nakatitig kay Scarlet na nakahiga sa kaniyang kama at natutulog.

Matapos kung makipag-usap kay Figouera ay pumunta ako dito sa kwarto ni Scarlet. Ewan ko ba. Hindi pa rin naman kasi ako ina-antok.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad palapit sa kama niya. Marahan akong umupo sa gilid at seryosong tinitigan siya.

"Parang kailan lang nangyari nung una tayong magkakilala."mahina kong bulong.

Napangiti ako ng maalala ang nangyari nitong nakalipas na buwan na kasama ko siya.

Mula sa una niyang pagpapakilala.

"Scarlet Stone Figouera. Yun ang pangalan ko."

"Tingin ko, hindi naman. Kasi niligatas mo pa nga ako kanina. Tapos binigyan mo ko ng panyo kahapon."

Sa pakikipag-alok niya ng friendship.

"Ace, pwede ba tayong maging magkaibigan?"

"Salamat, Ace."

Sa pagseseryoso niya ng maging magkakampi kami.

"Hindi pwede. Magkakampi tayo. Dapat may gawin din ako."

Hanggang sa ordinaryong usapan bilang magkaibigan.

"Hindi, ah. Natutuwa lang ako dahil pwede pala tayong mag usap ng ganito. Yung parang normal ang lahat at walang iniisip na problema."

Pati na rin sa sinabi niyang nagpapatunay na kahit paano ay concern siya sa akin.

"I'm sorry, Ace. Hindi ko lang maiwasang mag ala-ala. Dahil lahat ng kasamaang ginagawa ay may kabayaran at ayokong dumating ka sa point na iyon. Baka malungkot ako."

Warlord Kings: GENOVESE (The Combative Warlord) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon