"Ang tagal mo."nakasimangot kong sabi kay Calix.
Nakangiwi nitong hinimas ang batok.
"Sorry, Boss. Ang hirap i-trace ng location ninyo rito."pagdadahilan niya.
Halos 20 minutes yata akong naghintay sa kaniya. Ngayon ay madilim na talaga sa paligid dahil gabi na. Pasado alas syete na.
"Yan ba ang una ninyong target?"tanong niya at inginuso si KJ na walang malay na nakahandusay sa sahig.
Tumango ako.
"Bilisan mo. Buhatin mo yan at isakay sa kotse bago pa may makakita sa atin dito."
Mabilis siyang kumilos at binuhat si KJ. Agad niya itong ipinasok sa loob ng kotse. Bago pumasok na rin siya. Luminga muna ako sa paligid at sumunod na rin sa kaniya.
Inilagay niya sa backseat si KJ. Habang ako ay nandito sa front seat at si Calix ang nasa driver seat. Tinanggal ko sa aking likuran ang bag ko at inilagay ito sa
Mabilis na pinaharurot ni Calix ang kotse paalis sa lugar na kinaroonan namin ngayon. Nang nasa kalagitnaan na kami ng kalsada ay panay ang sulyap niya sa akin.
"Boss, saan natin siya dadalhin?"
"Sa gubat."agad kong sagot at dumungaw sa bukas na bintana nitong sasakyan.
Narinig ko naman ang kaniyang nakakaasar na tawa.
"Balak ninyo siyang ipakain sa mga ligaw na hayop dun?"
Umiling ako at muli siyang binalingan ng tingin.
"Bakit hahayaan kong iba ang tumapos sa buhay niya? No way. Ako dapat gagawa nun."
Tumango tango si Calix.
"Kayong bahala."
Bumuga ako ng hangin.
"Bilisan mo na. Kailangan makarating tayo dun bago pa yan magising."sabi ko.
Hindi naman siya nagsalita kaya nanahimik na ako. Lumipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa aming destinasyon. Dito sa Crimson City Forest. Ito ay nasa dulong bahagi na ng Crimson City. Kung saan nasa bungad na ng Quizilla City.
Nang maiparada ni Calix ang sasakyan ay agad akong bumaba. Kinuha ko sa aking bag patalim na may katamtamang laki. Isinuksok ko ito sa bulsa ng aking pantalon. Tapos ay binuksan ko ang pinto sa backseat at binuhat si KJ. Isinampa ko ito sa kanang balikat ko bago binalingan ng tingin si Calix na ngayon ay nasa labas na rin ng sasakyan.
"Hintayin mo ko rito. Hindi ako magtatagal."bilin ko sa kaniya.
Tumango lang siya at sumandal sa sasakyan. Agad na akong naglakad papasok sa kagubatan. Walang ibang tao rito kung hindi kami lang kaya sobrang tahimik ng paligid. Ang tanging maririnig mo lang ay mga ingay ng insekto na narito. Buti na nga lang walang mababangis na hayop dito. Kaya ligtas pa rin puntahan. Swerte ni KJ dahil hindi makakain ng hayop ang katawan niya. Once na pinatay ko siya.
Nang mapansin na nasa kalagitnaan na ako ng kagubatan ay ibinaba ko na sa damuhan si KJ. Tapos ay sinipa sipa ko ang binti niya.
"Gising. Gumising ka."sabi ko.
Nakita kong unti-unting dumilat ang kaniyang mga mata at bumangon mula sa pagkakahiga. Nagulat siya ng biglang mapatitig sa akin. Napaatras siya.
"Alas."
Ngumisi ako at inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng baywang.
"Good evening. Ang haba ng tulog mo."sabi ko.
BINABASA MO ANG
Warlord Kings: GENOVESE (The Combative Warlord) (COMPLETED)
Action(GENOVESE- 7) Simula't sapul ng magkaisip ako sa mundong ito. Naranasan ko na ang kalupitan at kahirapan ng buhay. Dahilan para mas maging matapang at matatag ako. Hindi nagtagal marami akong nalaman tungkol sa buo kong pagkatao. Kasabay nun ay nags...