Chapter 22: Handsome Killer

392 17 11
                                    





"Acel!"inis kong sigaw ng makita ko itong tumatakbo at nakikipaghabulan sa mga aso.

Hindi niya ako pinansin. Tawa siya ng tawa habang hinahabol ng mga asong alaga dito sa kaniyang mansyon. Kung titigan mong mabuti parang hindi siya na comatose ng halos isang taon. Although, hindi pa bumabalik ang dati niyang timbang.

Dalawa araw na ang nakakalipas buhat ng magising siya mula sa mahabang pagkakatulog. Sa dalawang araw na yun ay lagi kaming magkasama. Nag decide akong magpahinga muna saglit matapos kong magawa ng maayos ang pagpatay kay Ivan Arellano. Naisip ko kasing chance na ito para makipag-bonding kay Acel. Tutal, matagal tagal na rin simula ng magawa namin ito.

Wala naman kaming masyadong ginawa. Dahil hindi pa nga siya pwedeng gumala. Kaya dito lang kami sa mansyon. Naglaro kami ng chess, online games, baraha, at kung ano-ano pa. Tipikal na bonding ng magkapatid. Syempre kwentuhan at the same time. Sabay naming binabalikan ang mga ala-ala nung time na magkakilala kami.

Dahil nga mahaba na ang kaniyang buhok. Ginupitan ko siya. Nagulat pa nga siya ng malamang marunong ako.

"Never mong sinabi sa akin na nag-gugupit ka pala."

Natawa lang ako dun. Sinabi ko na noong nabubuhay pa si Nana ay pumasok itong trabahador sa isang salon sa Japan. Madalas akong tumabay dun at tahimik na nagmamasid sa paligid. Dun ko natutunan ang paggugupit.

Ayoko mang ipagmalaki. Pero ako ang klase ng taong natututo na sa pagmamasid lang kahit pa tinuturuan.

Pang good boy look ang gupit ni Acel. Ito kasi ang ni-request niya sa akin. Yung tipong hindi makabasag pinggan. Kasi nga may bangs na tumatakip na sa kaniyang mga mata. Yun ang dati kong style nung nasa Japan pa ako. Pero ngayon kasi na nagpapanggap akong siya. Laging naka-jel o pomada ang buhok mo paatas. Kaya wala na akong bangs. Sabi nga ni Calix ang astig ko raw tignan kapag ganun ang style ng buhok ko.

"Acel!"ulit kong sigaw.

Tumigil siya sa pagtakbo at humandusay ng higa sa bermudang damo dito sa garden. Ang mga aso naman ay naglapitan sa kaniya kaya tawa siya ng tawa. Lalo na dilaan siya ng mga ito sa mukha.

Bitbit ang katamtamang laki ng towel ay lumapit ako sa kaniya. Huminto ako mismo sa gilid niya at nakasimangot siyang tinitigan.

"Ang sabi ng Doctor mo. Magpahinga ka para makabawi ng lakas. Hindi ubusin ang lakas para sa mga walang kwentang aso."sabi ko at inis na sinulyapan ang mga aso sa paligid.

Napangiwi ako ng sipain ni Acel ang kanang binti ko.

"Ouch. Fuck shit."daing ko at bahagyang lumayo.

Nakita ko siyang bumangon mula sa pagkakahiga at nag indian seat nalang.

"Hindi sila walang kwenta. Ace, kahit mga hayup yan. May silbi pa rin yan."sabi niya.

Ngumiwi ako at tinanguan nalang siya. Ito ang isa pagkakaiba naming dalawa. Mahilig siya sa mga aso o kahit sa ano pang klase ng hayup. Samantalang ako, hindi. Never. Ayoko sa kanila.

Hindi sa ayaw na galit. Ayoko lang talaga.

"Oh, punasan mo ang mukha mo. Ang pangit mo na."sabi ko at iniabot ang towel sa kaniya.

Nakangiti niya naman itong tinanggap at pinunasan ang pawisang mukha. Napaupo na rin ako sa kaniyang tabi. Ngayon ay parehas na kaming nakasalampak ng upo sa damuhan. Buti nalang malinis ang damo dito sa garden niya.

"Okay ka na ba?"naisip kong itanong.

Tumango siya at ipinatong sa kaniyang kanang balikat ang towel.

Warlord Kings: GENOVESE (The Combative Warlord) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon