Chapter 30: I miss you like crazy

334 20 12
                                    





Pasado alas syete palang ng makarating ako ng Holy Trinity. Pagkaparada ko ng sasakyan ko sa parking lot ay bumaba na ako at tahimik na iginala ang tingin sa paligid. Medyo may ilan ng estudyanteng dumarating.

Napangisi ako ng makita ang pamilyar na babaeng naglalakad sa di kalayuan. Mabagal ang lakad nito na tila may sariling mundo. Bitbit ang nag ko ay naglakad ako ng mabilis para habulin ang babae.

"Queen Ice Buertavle!"tawag ko dahilan para mapahinto siya.

Nakakunot noo niya akong nilingon.

"Good morning."bati ko ng makalapit.

Agad kong nakita ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya. Bahagya siyang ngumiti sa akin. Gayunpaman, halatang naiilang.

"Morning."balik niyang bati at nagsimula na muling maglakad.

Sumabay na ako sa kaniya. Napansin kong bawat estudyanteng makakasalubong namin ay nakatitig sa amin.

"Ito ang unang pagkakataon na nagkasabay tayo."sabi ko.

Umiling siya kaya napakunot noo ako.

"Noon madalas na tayong magkasabay pumasok."

Agad kong naunawaan ang tinutukoy niya. Nalaman ko kay Kareshi at Calix na naging close nga talaga sila ni Acel noon. Dahil madalas siyang samahan ni Kambal kahit man siya magpunta. Plus, na magkaklase sila noon sa Rivaillè.

"Oh, sorry. Hindi ko pa yan sa ngayon maalala."

"Ayos lang. Wala naman ng mahalaga sa nakaraan. Ang mas mahalaga ang kasalukuyan."

Tumawa ako at umiling.

"Mahalaga rin ang nakaraan. Lalo na kung maraming memories na maganda dun."imbento ko.

Of course maganda rin ang mga past memories. Depende kung masaya ito at tungkol sa mga mahal mo sa buhay. Pero kung tungkol sa mga nonsense na tao. Dapat na itong kalimutan para sa iba. Hindi sa akin.

Dahil sa past memories na yun ang dahilan kung bakit ako naghihiganti ngayon.

"Alas?"tawag niya sa akin.

"Yes?"

Dahil mabagal lang ang paglalakad namin ay medyo malayo pa kami sa mga building na aming pupuntahan.

"Gusto mo pa bang bumalik ang mga alala mo?"

Hindi ako agad nakasagot dun. Hindi ko inaasahan ang kaniyang tanong. Mabilis akong nag isip ng sasabihin.

"Of course, gusto ko. Lalo na at nandun ka."

Natigilan siya at takang tinitigan ako. Ngumiti ako ng peke.

"Bakit may sinabi ba akong mali?"tanong ko.

Umiling siya at bumuga ng hangin. Inayos niya ang pagkaka-kapit ng shoulder bag sa kaniyang kanang balikat.

"Hindi ko lang ma-imagine kung anong magiging reaksyon mo kapag bumalik ang ala-ala mo."

Lihim akong napangisi. Kahit paano may isip ang babaeng ito. Alam niyang magagalit si Acel este ako kapag kunwari bumalik na ang alala ko. Syempre maala-ala ko na kung anong katarantaduhang ginawa nila.

"Don't worry. Magiging masaya ako."sabi ko.

Hindi na siya umimik kaya nagpatuloy na kami sa paglakad. Dahil kailangan kong makipag-close sa kaniya ay nag prisinta akong ihatid siya mismo sa classroom niya. Tumanggi siya obviously pero wala siyang nagawa ng magpumilit ako.

Maaga pa naman kaya hindi ako male-late sa klase ko. Habang tinatahak namin ang hallway ay may naisip akong itanong sa kaniya.

"Bakit hindi ko yata nakikita si Devil? Hindi na ba siya pumapasok?"

Warlord Kings: GENOVESE (The Combative Warlord) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon