Panay ang hikab ko habang walang patid sa pagsasalita ang lalaking pulis. Kasalukuyan akong nakaupo sa isang monoblock na upuan. Katabi ko si Yanna, Ander, Scarlet, Queen Ice at Angelo. Habang nasa tapat namin magkakatabi si Devil, Ivan, Primo at Ranjell.
Nandito kami sa Police station na malapit lang sa Holy Trinity. Gaya ng sabi ni Scarlet ng tawagan niya ako kanina. Pinapupunta rito sa stasyon ng pulisya ang malalapit na kaibigan at huling nakasama ni Fiona bago siya mamatay.
Nang makarating ako rito kanina lang ay nagsisimula na ang pulis sa pagtatanong sa kanila.
"Ikaw, Mister Alas?"tanong ng Mamang Pulis sa akin.
Prente itong nakaupo sa kaniyang swivel chair habang nasa ibabaw ng kaniyang lamesa ang mga papeles na kanina pa binabasa.
"Ayon sa mga binigay nilang statement. Kasabay mo raw umuwi si Miss Fiona nung biyernes ng hapon. Sumakay daw ito sa kotse mo?"patuloy nito.
Tumango ako.
"Yeah, hinatid ko siya. Kawawa naman kasi. Magkaibigan naman kami dati pa kaya nag magandang loob lang ako."paliwanag ko.
Napansin ko ang titig ni Primo at Devil sa akin. Kakaiba ang titig nila. Mukhang pilit nilang binabasa kung ano man ang nasa isipan ko.
"Wala ka bang napansing kakaiba sa kaniya?"
"Kakaiba? Tulad ng ano?"nakakunot noo kong tanong.
Ngumiti ng bahagya ang pulis.
"Tulad kung may problema ba siya? O may nakaaway?"
Umiling iling ako.
"Wala naman."sagot ko.
"Wala nga kaming kinalaman dyan, Sir."bigang sabat ni Yanna.
Agad naman siyang siniko ni Ander.
"Hindi naman nila tayo pinaghihinalaan. Gusto lang nila tayo tanungin para makapagbigay ng statement sa paglutas ng pagkamatay ni Fiona."sabi niya.
Sumimangot lang si Ander.
"Base kasi sa ginawa naming imbestigasyon. Eh, kayo ang mga lubos na nakakakilala kay Miss Fiona at nasa iisang eskwelahan lang kayo. So, nagbakasakali kami baka may alam kayo sa kung sino man ang maaring gumawa nun sa kaniya?"pagsasalay ng Mamang pulis.
Muli akong napatitig kay Devil. Magkasalubong na kilay nito sa kausap naming pulis.
"Tapos na kaming magbigay ng statement sa inyo. Hanggang dun lang ang alam namin."sabi niya.
Napatango tango si Primo.
"Opo, Sir. Wala nga kaming ideya kung sino may gawa nun."
"Kamamatay nga lang din ng isa pa maming kaibigan. Tapos heto na naman."sabi ni Angelo.
Hindi nakapagsalita ang lalaking pulis at tinitigan lang kami isa-isa. Ewan pero nababakas ko sa mukha ng isang ito na tila may gusto pa siyang sabihin.
"Pwede na po ba kaming umuwi?"tanong ni Scarlet.
"Sige. Babalitan ko nalang kayo sa updates ng nangyari sa kaibigan ninyo at kung may nalalaman kayo. Sumangguni lang kayo rito."
Nang marinig iyon ay sabay-sabay na kaming tumayo sa aming mga kinauupuan. Agad na nag martsa palabas ng silid si Devil, sinundan ni Ivan, Ranjell, Primo, Angelo, Queen Ice, Scarlet. Nagpahuli naman kami nina Ander at Yanna.
Dire-diretso na kaming lumabas ng police station. Nadatnan pa namin sila Devil na nag uusap sa parking lot. Tahimik namang lumapit dun si Ander at Yanna. Wala akong choice kung hindi sumunod sa kanila.
BINABASA MO ANG
Warlord Kings: GENOVESE (The Combative Warlord) (COMPLETED)
Action(GENOVESE- 7) Simula't sapul ng magkaisip ako sa mundong ito. Naranasan ko na ang kalupitan at kahirapan ng buhay. Dahilan para mas maging matapang at matatag ako. Hindi nagtagal marami akong nalaman tungkol sa buo kong pagkatao. Kasabay nun ay nags...