Chapter 32: It's Showtime

302 17 2
                                    






"Ayos ka lang?"tanong ni Scarlet paglabas palang niya ng kaniyang kwarto.

Tumuwid ako ng tayo at tumango sa kaniya. Nang makita kong ready na siyang pumasok ay tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Siya naman ay sumunod lang sa akin. Sabay kaming nag agahan kanina lang at ngayon nga ay papasok na kami. Dahil nga dito siya muna titira sa amin ay obviously no choice ako kung hindi isabay siya.

"Mukha kang hindi okay."rinig kong sabi niya.

"I'm okay. Hindi lang masyadong nakatulog ng maayos kagabi."sabi ko.

Hindi talaga. Dahil buong magdamang kung inisip ang mga pinag usapan naman ni Calix. Paulit ulit pinuputakte ang isip ko ng tungkol dun. Para na nga akong baliw. Ewan ko ba. Dati hindi ako basta na aapektuhan kung hindi tungkol kay Nana o kay Acel. Pero kapag si Scarlet ang issue. Hindi pwedeng hindi ito mawala sa isip ko. Kainis lang.

"Bakit naman hindi ka nakatulog ng maayos? May problema ka ba? May sakit ka ba?"tanong niya dahilan para mapahinto ako sa paglakad.

Maging siya ay napahinto rin at nakakunot noo na nakatingin sa akin. Nahigit ko ang aking hininga ng bahagya siyang lumapit sa akin. Ang kaniyang isang kamay ay idinapo niya sa noo ko dahilan para mapatulala ako.

"Wala ka namang lagnat."sabi niya na seryosong dinadama ang init ng noo ko.

Marahan kong tinabig ang kamay niya at umiling iling.

"Wala akong sakit. May mga bagay lang talaga akong iniisip."katwiran ko.

Mga bagay na iniisip na puro tungkol sa kaniya.

Bago pa siya makapagtanong ulit ng kung ano ay nagpatuloy na ako sa paglakad. Siya naman ay sige sunod lang. Hanggang sa makarating na kami sa garahe at sumakay sa sasakyan ko. Nang mapaandar ko ang kotse palabas ng gate ay tahimik na lamang ako. Seryoso akong nagmamaneho habang siya ramdam kong nakatitig sa akin.

"Pwede ba, tigilan mo katitig sa akin."saway ko.

Hindi ako komportable sa ginagawa niya ngayon. Medyo nakakairita.

"Bakit masama bang titigan ka? Bakit ang arte mo yata ngayon?"

Napasimangot ako dahil dun.

"Dahil sayo."mahina kong bulong na hindi ko alam kung narinig niya.

Mukhang hindi naman niya narinig dahil nanahimik na siya.

Sa halos limang minuto palang byahe ay may naalala kong dapat sabihin sa kaniya.

"Mamaya nga pala. Susunduin ka ni Calix. Siya na ang mag uuwi saiyo."

Mabilis ko siyang sinulyapan ng medyo bumagal ang pagmamaneho ko. Nakita kong nakatitig na naman siya sa akin.

"Bakit? Anong dahilan? Hindi tayo sabay?"magkakasunod niyang tanong.

Agad akong umiling at muling itinuon ang atensyon sa daan.

"May gagawin ako mamaya pagtapos ng klase."sagot ko.

Mamayang gabi ko nga planong gawin ang pagpatay kay Primo. Magiging distraction o sagabal lang ang babaeng ito kung isasama ko siya. Hindi naman siya makakatulong sa akin.

"Ano namang gagawin mo?"

Nagsisimula na naman akong mairita sa kaniya. Napakarami niyang tanong.

"Bibigyan ko ng supresa si Primo na hinding hindi niya makakalimutan."makahulugan kong sabi.

"Ah, ganun ba."

Tumango ako. Alam kong na unawaan niya ang ibig kong sabihin.

"Kaya kung magkita man kayo ni Devil mamaya. Huwag kang papayag na ihatid ka niya."paalala ko.

Warlord Kings: GENOVESE (The Combative Warlord) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon