Chapter 15: Backstory

425 17 10
                                    






Sa mga oras na ito dapat matutulog na dahil tapos na akong kumain ng tanghalian at kailangan ko na rin talagang matulog para gumaling ako. Pero hindi ko magawang makatulog lalo na at may kasama akong ibang tao ngayon. Nandito pa talaga siya sa kwarto ko.

Prente siyang nakaupo sa mahabang sofa habang nakasandal dito at may kung anong binabasa sa kaniyang cellphone.

Halos tatlo oras na rin ang lumipas buhat ng dumating siya at sinabing a-alagaan daw ako. Kahit anong pagtanggi ko ay mapilit siya. Kaya wala akong nagawa kung hindi pagbigyan siya sa gusto niya.

Napabuga ako ng hangin at bumangon mula sa pagkakahiga. Nag indian seat ako ng upo sa kama at seryosong tinitigan siya. Hindi talaga ako kumportable na may kasamang iba sa kwarto. Tapos siya pa.

"Ace, matulog ka na."sabi niya na ang mga mata ay nakatutok pa rin sa kaniyang cellphone.

Obvious na nakikiramdam siya sa kinikilos ko ngayon.

"Paano ako makakatulog kung nandito ka. Umuwi ka na kasi."pagtataboy ko.

Nakakaasar siya. Ayoko sa lahat yung tina-trato ako na parang bata.

"I told you, hindi nga ako uuwi hanggat hindi pa gumabi."sabi niya at itinuon na sa akin ang tingin.

Napasimangot ako.

"Magaling na ako. Bukas pwede na akong pumasok. Kaya hindi mo na ako kailangang alagaan."

Umiling iling siya sabay ngiti.

"Ayos lang. Gusto ko pa ring bantayan ka. Isipin mo nalang ginagawa ko ito kasi magkakampi tayo. Saka manliligaw kita, diba?"

Marahan siyang natawa na ikinasimangot ko lalo.

"Sinabi ko na saiyo kanina. Nagawa ko lang yun dahil sa misyon na kailangan nating ipagpatuloy."

Kanina pinaliwanag ko sa kaniya ang tungkol dun. Kung bakit na sabi ko sa lahat ng nasa Holy Trinity na manliligaw ako sa kaniya. Ito ay upang mas lalong inisin si Devil at Light. Bukod dun, upang mas mabantayan ko ang kilos ng dalawa. Proteksyon na rin kay Scarlet na hina-harass ng mga ito.

Syempre kapag ako nanligaw na kuno kay Scarlet. Walang magagawa si Light at Devil para kontrahin ang ginagawa kong pagtatanggol kay Scarlet. Ituturing pa nila akong katunggali. Ang magiging kinalabasan nito, tatlo kaming may gusto kay Scarlet. Kapag nag-tagal alam kong lalabas ng kulay ng dalawa. Hindi makakatiis ang dalawang yun at magtutulungan para ma-dispatya ko. Dahil obviously ako ang magiging hadlang para magawa nila ang nais kay Scarlet.

"Oo na. Ginawa mo yun para sa misyon."sabi niya na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

Ngumisi ako at tumango.

"Obviously, kasi wala namang ibang dahilan. Wala naman akong gusto saiyo. So, bakit liligawan."diretsahan niyang sabi.

Ngumuso siya at muling ibinalik ang tingin sa kaniyang cellphone na hawak.

"Matulog ka na. Huwag mo kong intindihin dito."

Hindi ako umimik. Nakatitig lang ako sa kaniya. Bigla akong na curious sa kung anong tinitigan niya sa kaniyang cellphone. Gusto ko sana siyang tanungin kaso huwag na. Baka sabihin tsismoso ko. Hindi naman purkit magkakampi kami ngayon laban sa Scorpion Onźe ay magiging close na kami sa isat isa.

Tsk. Ayoko nun.

Padabog akong humiga ulit sa kama ko at ipinikit ang mga mata. Sinubukan kong makatulog pero hindi talaga. May droga yata yung gamot na pina-inom sa akin nitong si Scarlet kaya gising na gising ako ngayon.

Warlord Kings: GENOVESE (The Combative Warlord) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon